Nais mo bang makasama ang iyong pamilya sa mura ngunit magagandang pasyalan sa Manila City? Ngayon na nandito na tayo sa ating new normal, mas marami na ang pasyalan na paunti-unting nagbubukas para sa mga gustong lumabas ng kani-kanilang mga bahay. 

Ang Manila City ay sikat sa mga local at international na mga turista dahil sa iba’t-ibang attractions na makikita rito. Mula sa historical churches, museums, parks, at zoo, tiyak na hindi ka mauubusan ng pwedeng gawin sa siyudad na ito. 

What’s inside this blog? 

Mga Pasyalan sa Manila 

  1. Manila Ocean Park 
manila ocean park

Isang sikat na pasyalan sa Manila na paniguradong magugustuhan ng mga bata ay ang Manila Ocean Park. Maraming magagandang activities ang pwede gawin sa loob katulad na lamang ng bird show, jellyfish exhibit, ball pit, at ang Oceanarium kung saan makikita ang iba’t-ibang uri ng isda mula sa napaka-laking window glass. 

Entrance fee: From PHP 499 – PHP 1000, depending on the set of attractions that you will avail 

Opening hours: Tues – Sun, 10 AM – 6 PM  

  1. Intramuros 
intramuros in manila city

Binansagang Walled City of Manila, ramdan na ramdan mo talaga ang rich history ng ating bansa sa Intramuros.  

Ang Intramuros ang pinaka-sulit na pasyalan na pwede mong puntahan sa Manila. Makikita mo rito ang makasaysayang Manila Cathedral at San Agustin Church. Dito mo rin matatagpuan ang sikat na Baluarte de San Diego, isang fort na ginamit ng ating magigiting na mga sundalo para hindi masakop ang area noong 16th century. 

Kung gusto mong malibot ang Intramuros nang hindi naglalakad, pupwede ka ring mag-renta ng bamboo bike na halagang P200 per hour. Patok din ito sa mga mahihilig kumuha ng litrato dahil sa mga magagandang background.

Check out our Manila Instagram Tour here. 

Entrance fee: Free 

Opening hours: Mon-Fri: 9 AM – 830 PM | Sat-Sun, 6 AM – 930 PM 

Related article: Intramuros Tour 2021 Guide: Top Attractions | Best Time to Go | Guidelines 

  1. Rizal Park 
rizal park manila tourist spot

Isa sa pinaka-malaking public park at pasyalan sa Manila ay ang Rizal Park. Sa mga hindi nakaka-alam, ang Rizal Park and lugar kung saan binaril ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal. 

Ngayon ang park ay pinalilibutan ng garden, mga rebulto ng mga makasaysayang tao ng Pilipinas, lagoon na may fountain, at Orchidarium. Sikat rin ito na pasyalan ng mga magkasintahan.

Entrance fee: PHP 50 

Opening hours: 5 AM – 9 AM, 11 AM – 8 PM 

zen experiences manila tour
  1. National Museum of Fine Arts and National Museum of Natural History 
national museum of fine arts

Lingid sa kaalaman ng iba, ang Manila City ay kilala rin sa pagkakaroon ng mga makasaysayang museo, lalo na ang National Museum of Fine Arts at National Museum of Natural History. Kaya kung mahilig kayo sa sining, kultura, at kasaysayan, dapat ninyong bisitahin ang pasyalan na ito sa Manila lalong-lalo na at libre lamang ang pagpasok rito. 

Entrance fee: Free 

Opening hours: 

National Museum of Natural History: Tues – Sun, 9 AM – 6 PM 

National Museum of Fine Arts: Tues – Sun, 9 AM – 12 PM, 1 PM – 6 PM 

zen experiences museum tour
  1. Manila Baywalk Dolomite Beach 
manila baywalk dolomite beach manila tourist spot

Ang pinaka-baong bukas na pasyalan sa Manila ngayong 2022 ay ang Manila Baywalk Dolomite Beach. Kung nami-miss na ninyo ang dagat, pwede itong pansamantalang kapalit. Paalala lamang na hindi maaaring lumangoy sa dagat, ngunit maaari kang kumuha ng maraming pictures para sa iyong social media. 

Entrance fee: Free 

Opening hours: Open daily, except Thursday. 6 AM – 6 PM 

  1. Manila Zoo 
manilo zoo manila city tourist spot

Ang bagong gawang Manila Zoo ay isa ring pasayalan sa Manila na hindi dapat palampasin ng iyong pamilya. Ngayon, ang zoo ay mayroon na ring Botanical Garden. Inayos ang Manila Zoo sa kadahilanang isa ito sa pinaka-malaking sanhi ng maruming tubig sa Manila Bay. 

As of writing, nag-sara muli ang Manila Zoo para sa “finishing touches” ayon sa Manila Local Government. 

Entrance fee: N/A 

Opening hours: Closed until further notice for some finishing touches 

  1. Binondo 
binondo pasyalan sa Manila

Food trip ba ang iyong hanap? Bigyang buhay ang iyong panlasa sa Chinatown ng Manila, Binondo. Dito sa pasyalan na ito, matitikman mo ang iba’t-ibang uri ng Chinese food, kabilang na ang Masuki, fried siopao, Ying-Ying Tea House atbp. Para mas maging masaya ang iyong Binondo food crawl, dumaan na rin sa Divisoria at mag-shopping! 

Entrance fee: Free 

Opening hours: Depends on the establishment you’re planning to visit  

zen experiences shopping tour

Where to Stay in Manila City 

  1. Aloha Hotel – Starts at P3,000/night 
  2. Victoria Mansions – Starts at P950/night
  3. Meaco Royal Hotel Tayuman – Starts at P1,353/night
  4. BCD 58 Ohana Hostel – Starts at P1,400/night

For affordable stays in Manila, check out www.zenrooms.com 

Frequently Asked Questions About Pasyalan Sa Manila 

Ano ang mga magagandang pasyalan sa Manila?

Maraming magagandang pasyalan sa Manila katulad na lamang ng Intramuros, Binondo, Manila Ocea Park, Manila Bay, atbp. 

Ano ang mga magagandang pasyalan sa Manila para sa mga bata? 

Para sa mga bata, ang magagandang pasyalan ay Manila Ocean Park at Manila Zoo. 

Ano ang mga magagandang pasyalan sa Manila para sa mga couples?  

Kung ang hilig ninyo ay pagkain, pupuwede kayong pumunta sa Binondo kung saan maraming choices nang masasarap na Chinese food. Kung ang hilig niyo naman ay maglakad-lakad, pwede ninyong bisitahin ang Intramuros o di kaya Rizal Park.