Mga Bagay na Nagpapasaya sa Pagdiriwang ng Bagong Taon sa Pilipinas

boracay bagong taon sa pilipinas
Loading...

Isa sa mga inaabangan ng lahat ang bagong taon sa Pilipinas dahil talaga namang masaya at katangi-tangi ang pagdiriwang ng mga Pilipino.

Pagsapit ng holiday season, mas sumasaya at nakukumpleto ang mga pamilya. Ito kasi ang panahon na nakakauwi ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang bayan para makasama ang kanilang pamilya sa pasko at bagong taon.

Bagong Taon sa Pilipinas

Masaya at natatangi ang selebrasyon ng bagong taon sa Pilipinas. Dito kasi nakukumpleto ang pamilya lalo na ang may mga kaanak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Kaugalian ng mga Pilipino ang magsalu-salo sa bisperas ng bagong taon tuwing December 31.

Anong laman ng blog na ito?

Magandang Puntahan Tuwing Bagong Taon

Tuwing bagong taon, patok sa mga Pinoy ang mga lugar na matataas at may overlooking view para makapanood nang mga fireworks display. Para alalayan ka, narito ang ilang lugar na magandang pasyalan sa Pilipinas tuwing bagong taon.

1. SM Mall of Asia – Pasay

mall of asia bagong taon sa pilipinas

Nangunguna sa ating listahan ang SM Mall of Asia dahil ito ang pinakasikat na lugar sa Maynila para magdiwang ng bagong taon sa Pilipinas. Perfect ito sa mga pamilya at magkakaibigan.maraming kainan sa paligid, katabi ng Manila Bay, may magandang view ng fireworks display, at may mga show pa ng mga sikat na artista para sa New Year Countdown. 

2. Rizal Park – Manila

Loading...
rizal park bagong taon sa pilipinas

Photo source: Wikimedia Commons

Hindi lang ito patok na pasyalan ng mga magsing-irog sa mga ordinaryong araw dahil ang Rizal Park, maganda ring puntahan tuwing bagong taon. Puwede kang maglatag ng sariling picnic mat at magsalu-salo kasama ang pamilya habang pinapanood ang dancing fountain at fireworks display.

3. Eastwood City Mall – Quezon City

eastwood mall bagong taon sa pilipinas

Photo credits to Eastwood City

Isa pang sikat na lugar tuwing bisperas ng bagong taon sa Pilipinas ay ang Eastwood City Mall sa Quezon City. maganda at makulay rin ang fireworks display dito at masayang mag-party. May mga artista ring nagpe-perform bagong ang countdown.

4. Boracay

boracay bagong taon sa pilipinas

Kung gusto mo namang lumayo sa ingay ng Maynila at dumeretso na sa bakasyon, pumunta ka sa Boracay kung saan nightlife is the best. Bukod sa New Year parties sa isla, perfect din ito kung gusto mo ng chill celebration by the beach.

5. Cebu

cebu bagong taon sa pilipinas

Gusto mong maka-experience ng electrifying New Year? Then pumunta ka sa Queen City of the South! Kilala ang Cebu bilang isang magandang destinasyon mapa-holidays man o ordinaryong araw. Masasaya rin ang pagdiriwang ng bagong taon ng mga Cebuano.

Pagkain sa Bagong Taon

Tuwing media noche, naghahanda nag mga Pilipino ng mga putaheng masarap na, pinaniniwalaan pang masuwerte. Narito ang mga inihahaing pagkain sa bagong taon ng mga Pilipino.

1. Tikoy

tikoy bagong taon sa pilipinas

Photo source: Wikimedia Commons

Tuwing magba-bagong taon, mabenta sa mga Pilipino ang malagkit na kakanin. Isa na rito ang tikoy. Pinaniniwalaan itong magdadala ng suwerte at mapaglalapit pa nang lubos ang mga miyembro ng pamilya.

2. Pansit

pansit malabon

Photo source: Wikimedia Commons

Hindi rin mawawala sa selebrasyon ng bagong taon sa Pilipinas ang pansit. Paniwala kasi ng mga Pinioy, suwerte at pampahaba ng buhay ang pansit.

3. Bilog na Prutas

bilog na prutas bagong taon sa pilipinas

Photo source: Wikimedia Commons

Isa pa sa mga tradisyon sa Pilipinas tuwing bagong taon ay ang paghahain ng 12 bilog na prutas. Ang bilang nito ay sumisimbolo sa 12 buwan sa isang taon habang ang hugis bilog naman ay para sa pera. Pinaniniwalaan na kapag naghain kang 12 na bilog na prutas ay susuwertehin ka sa buong taon.

4. Karne ng baboy

lechon

Ang pagiging malaki at malusog kasi ng baboy ay sumisimbolo raw ng kasaganahan at ang mahabang nguso nito ay sumisimbolo naman sa patuloy na pag-usad ng buhay.

5. Buong inihaw na isda

inihaw na bangus

Photo source: Wikimedia Commons

May mga Pinoy ring naghahain ng buong inihaw na isda. Isa ito sa mga tradisyon sa bagong taon ng mga Pilipino dahil pinaniniwalaang nagdadala rin ito ng suwerte sa pamilya. Ang kaliskis daw nito ay kahugis ng barya habang ang paglangoy nito ay simbolo ng pagpapatuloy sa buhay.

Loading...

6. Berdeng pagkain

vegetable salad new year

Photo source: libreshot.com

Hindi rin mawawala sa bagong taon ng mga Pilipino ang mga berdeng pagkain. Sumisimbolo raw kasi ang mga ito sa perang papel.

Tradisyon sa Pilipinas Tuwing Bagong Taon

Narito naman ang ilan sa mga sikat na tradisyon sa bagong taon ng mga Pilipino.

1. Pagsusuot ng polka dots

polka dots new year

Photo credits to victoriaborodinova via Pixabay

Kapag nagsuot ka raw ng polka dots ay susuwertehin ka dahil ang mga polka dots ay sumisimbolo ng barya.

2. Paghahanda ng 12 bilog na prutas

bilog na prutas bagong taon sa pilipinas

Nakaugalian na ng mga Pilipino ang paghahanda ng 12 bilog na prutas tuwing bisperas ng bagong taon sa Pilipinas dahil magdadala raw ito ng suwerte sa pamilya sa buong taon.

3. Pag-iingay

party horns

Photo source: needpix.com

Bukod sa mga paputok, mahilig din mag-ingay ang mga Pilipino tuwing bagong taon sa pamamagitan ng mga torotot, pagpapatugtog nang malaakas, at pagkalampag ng mga gamit pang kusina. Ito raw ay para maitaboy ang malas at masasaman elemento at magpasok ng positibong bagay sa pamilya.

4. Paghahain ng malagkit na pagkain

sapin sapin kakanin

Photo source: Wikimedia Commons

Hindi mawawala sa hapag kainan ng mga Pilipino tuwing bagong taon ang malalagkit na pagkain gaya ng biko, sapin-sapin, suman, at tikoy. Ito raw kasi ay makatutulong para mas humigkit at magkalapit ang mga miyembro ng pamilya.

5. Pamimigay ng ampao

angpao new year

Photo source: Wikimedia Commons

Hindi lang tuwing pasko namimigay ng pulang sobre ang matatanda dahil kapag bagong taon sa Pilipinas, uso rin ang pamamahagi ng ampao. Pampahaba raw ito ng buhay ng matatanda at pampasuwerte naman sa mga bata.

Kung maisipan mong mag-staycation, mag-book ka ng budget hotel sa www.zenrooms.com para mas maging masaya ang iyong bagong taon. Sa ZEN Rooms, maganda na ang mga hotel, mura pa!

Frequently Asked Questions About Bagong Taon sa Pilipinas

Q: Saan magandang pumunta sa New Year’s Eve sa Pilipinas?

A: Narito ang mga lugar na magandang pasyalan para magdiwang ng bagong taon:

  1. SM Mall of Asia – Pasay
  2. Rizal Park – Manila
  3. Eastwood City Mall – Quezon City
  4. Boracay
  5. Cebu
  6. Tagaytay
  7. Batangas
  8. Quezon Memorial Circle
  9. La Union
  10. Zambales 

Q: Ano-ano ang mga tradisyunal na pagkain tuwing bagong taon sa Pilipinas? 

A: Tuwing media noche, naghahanda nag mga Pilipino ng mga putaheng masarap na, pinaniniwalaan pang masuwerte. Narito ang mga inihahaing pagkain sa bagong taon ng mga Pilipino.

  1. Tikoy
  2. Pansit
  3. 12 Bilog na Prutas
  4. Karne ng baboy
  5. Buong inihaw na isda
  6. Berdeng pagkain
  7. Cake
  8. Spaghetti 

Q: Ano ang mga tradisyon ng mga Pilipino tuwing bagong taon?

A: Narito ang mga kaugaliang nakasanayan na ng mga Pilipino tuwing bagong taon:

  1. Pagsusuot ng polka dots
  2. Paghahanda ng 12 bilog na prutas
  3. Pag-iingay
  4. Paghahain ng malagkit na pagkain
  5. Pamimigay ng ampao
  6. Pagtalon pagsapit ng 12am
  7. Pagbubukas ng mga pinto at bintana

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.

Loading...

Leave a comment