10 Bundok sa Pilipinas na May Pinakamagandang View

mt. pulag hiking in philippines
Spread the love ❤️

Hindi lang sa magagandang dagat at makapigil-hiningang hagdan-hagdang palayan kilala ang Pilipinas kundi maging sa nagtataasang bundok sa Pilipinas na talaga namang nakabibighani sa ganda.

Mula Luzon hanggang Mindanao, mapapabilib ka sa ganda at natatanging kuwento ng mga bundok sa Pilipinas.

Top 10 Pinakamagandang Bundok na Puwedeng Akyatin

Sa mahigit 7,000 pulo sa Pilipinas, talaga namang puno ang bansa ng mga likas na yaman gaya ng mga bundok. Narito ang ilan sa mga kabundukan sa Pilipinas na may magandang views.

  1. Mt. Pulag (Benguet) – Pinakamataas na bundok sa Luzon. May sea of clouds.
  2. Mt. Ulap (Itogon, Benguet) – Sikat dahil sa sea of clouds. 
  3. Mt. Daraitan (Tanay, Rizal) – May magandang view ng Sierra Madre Mountain Range at Laguna de Bay.
  4. Mt. Batulao (Nasugbu, Batangas) – Perfect para sa mga newbie hiker.
  5. Mt. Pico de Loro (Batangas) – Isa sa mga pinakamadaling akyatin na bundok sa Pilipinas.
  6. Mt. Apo (Cotabato & Davao del Sur) – Pinakamataas na bundok sa Pilipinasat kinokonsidera bilang Grandfather of Philippine Mountains.
  7. Mt. Batolusong (Tanay, Rizal) – Scenic at maganda ang tanawin na hawig sa rolling hills ng Batanes.
  8. Marlboro Country (Sagada) – Madaling akyatin at may sea of clouds sa tuktok.
  9. Mt. Guiting-Guiting (Romblon) – Pinakamataas na bundok sa Romblon.
  10. Mt. Tapulao (Zambales) – Pinakamataas na bundok sa Zambales at Central Luzon.

Basahin mo ito para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa mga kabundukan sa Pilipinas.

1. Mt. Pulag

mt. pulag bundok sa pilipinas

Ang Mt. Pulag ang pinakamataas na bundok sa Luzon, at pangatlo sa buong Pilipinas. Bagamat tagos-buto ang lamig sa Mt.Pulag, hindi ito alintana ng mga namumundok dahil sa mala-paraisong naghihintay sa tuktok nito gaya ng sea of clouds na patok at perfect background  para sa Instagram photo mo.

Location: Benguet

How to reach: Mula Maynila, aabutin nang halos 12 oras ang biyahe papuntang Kabayan, Benguet kung saan magsisimula ang trail patungong Mt. Pulag.

Difficulty level: 3/5

Interesting fact about Mt. Pulag: Itinuturing itong sagrado ng mga katutubo sa lugar. Dahil malapit na raw ito sa langit, naniniwala silang maaari na nilang makausap ang Diyos.

2. Mt. Ulap

mt. ulap bundok sa pilipinas

Photo source: Wikimedia Commons

Isa pang bundok sa Pilipinas na may magandang view ay ang Mt. Ulap kung saan ang simoy ng hangin at lamig ng klima ay parang pasko buong tao. May tatlong tuktok ang Mt. Ulap: Ambanaw, Gungal, at Mt. Ulap Summit.

Tinatawag itong Mt. Ulap dahil kapag narating mo na ang tuktok nito, tila ba naabot mo na ang langit dahil sa sea of clouds na bubungad sa’yo. 

Location: Itogon, Benguet

How to reach: Mula Maynila, bumiyahe ka papuntang Baguio at pagdating mo doon ay kailangan mong sumakay ng jeep papuntang Brgy. Ampucao kung saan magsisimula ang trail paakyat ng Mt. Ulap.

Difficulty level: 2/5

Interesting fact about Mt. Ulap: Isang engineer na nagsu-survey lang sa lugar ang nakadiskubre ng Mt. Ulap noong February 1, 1939.

3. Mt. Daraitan

mt. daraitan bundok sa pilipinas

Photo credits to Alexis Zapanta

Kung naghahanap kang bundok na puwedeng akyatan malapit sa Kamaynilaan, pumunta ka sa Mt. Daraitan. Matatagpuan ito sa Tanay, Rizal, dalawang oras mula sa Kamaynilaan.

Maraming nagpupunta dito para sa mga gustong mabilisang hike. Doon ay makikita mo ang ganda ng Sierra Madre at Laguna de Bay.

Location: Brgy. Daraitan, Tanay, Rizal

How to reach: Mula Crossing, sumakay kang jeep o van sa EDSA Starmall papuntang Tanay. Pagdatin mo doon ay kailangan mong sumakay ng jeep papuntang Sampaloc at mag-tricycle patungong Daraitan.

Difficulty level: 2/5

Interesting fact about Mt. Daraitan: Ang pangalang Daraitan ay nagmula sa dalawang salita: dara na ang ibig sabihin ay limestone at aeta na isang uri ng tribo sa Pilipinas.

4. Mt. Batulao

mt. batulao hiking in philippines

Hindi man ito isa sa pinakamataas na budok sa Luzon at Pilipinas pero isa naman ito sa mga pinakamahirap akyatin. ‘Wag kang mag-alala, beginner-friendly rin ang Mt. Batulao. Bawat dadaanan mong mini-peaks ay may kani-kaniyang gandang tanawin. 

Related blog: Hiking in Batangas: 5 Beginner-Friendly Mountains for First-Timers

Location: Nasugbu, Batangas

How to reach: Sumakay kang bus mula Coastal Mall papuntang Nasugbu, Batangas. Doo ay bumiyahe ka pa-Evecrest at simulan ang trek.

Difficulty level: 2/5

Interesting fact about Mt. Batulao: May 12 tuktok ang Mt. Batulao

5. Mt. Pico de Loro

pico de loro bundok sa pilipinas

Photo source: Wikimedia Commons

Isa sa pinakamadaling akyatin na bundok sa Pilipinas ay ang Mt. Pico de Loro sa Batangas. Malapit ito sa Puerto Azul at Caylabne sa Cavite, at parte ng mountain range na Mt. Palay-Palay. DENR-protected ang Mt. Pico de Loro. Sikat dito ang tuktok na tinatawag nilang Pico de Loro monolith dahil kahugis ito ng tuka ng loro pero pinagbabawalan na ang hikers na umakyat doon dahil hindi na raw ligtas ang peak.

Perfect ito for day hikes at ang maganda rito, may chance pang makakita ka ng mga exotic na ibon at unggoy.

Location: Nasugbu, Batangas

How to reach: Mula Coastal Mall, sumakay kang bus patungong Ternate, Cavite. Pagdating mo doon ay sumakay kang jeep o tricycle papunta sa jumpoff point ng Mt. Pico de Loro.

Difficulty level: 2/5

Interesting fact about Mt. Pico de Loro: Ang tuktok nito ay hugis tuka ng loro kaya naman tinawag itong Pico de Loro. 

6. Mt. Apo

mt. apo bundok sa pilipinas

Kung tinatanong mo kung ano ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas, ito ay ang Mt. Apo sa Cotabato at Davao del Sur. May taas itong 2,956 meters above sea level at kinukunsidera bilang “Grandfather of the Philippine Mountains.” Hindi madali ang pag-akyat dito dahil matarik ang iyong dadaanan.

Location: Cotabato; Davao del Sur

How to reach: Mula Maynila, mag-book kang flight pa-Davao City. Pagdating mo doon ay sumakay kang van patungong Kidapawan at magpunta ka sa Brgy. Ilomavis kung saan ang jumpoff oint ng Mt. Apo.

Difficulty level: 5/5

Interesting fact about Mt. Apo: Itinuturing itong center for endemism dahil nagsisilbi itong tirahan ng daan-daang hayop at halaman na dito lang sa Pilipinas matatagpuan.

7. Mt. Batolusong

mt. batolusong bundok sa pilipinas

Gusto mo bang makakita ng sea of clouds malapit sa Maynila? Posible ‘yan sa Mt. Batolusong sa Tanay, Rizal. Ito ang dahilan kaya dinarayo ito ng mga turista. Bukod dito, malapit lang ito sa Maynila kaya pabrito ito ng mga namumundok for a quick hike. Hindi lang sea of clouds ang makikita mo sa Mt. Batolusong kundi ang iba pang naggagandahang bundok na parte ng Sierra Madre.

Location: Tanay, Rizal

How to reach: Mula Crossing, sumakay kang jeep o van sa EDSA Starmall papuntang Tanay. Pagdatin mo doon ay kailangan mong sumakay ng jeep papuntang Sampaloc at sumakay sa habal-habal papuntang Brgy. San Andres.

Difficulty level: 2/5

Interesting fact about Mt. Batolusong: Nagmula ang Batolusong sa dalawang salita: Bato (rock) at Lusong (isang materyal na ginagamit noon na gawing palay ang bigas). Ayon sa mga lokal, kaya ito tinawag na Batolusong ay dahil may nakita raw ang mga sinaunang tao sa bundok na malaking bato na kahugis ng lusong.

8. Marlboro Country

marlboro country sagada

Hindi kataka-taka kung bakit itinuturing na lugar para sa mga brokenhearted ang Sagada. Dahil sa ganda ng mga tanawin sa lugar, mapapawi lahat ng sakit at mapapalitan ito ng saya at pagkamangha. Isa sa pinakadinarayo ng ga turista sa Sagada ay ang Marlboro Country dahil sa scenic views at sea of clouds doon. Bukod sa sea of clouds, makikita mo rin ang 360 degree view ng Sagada, Bontoc, at Sabangan at Mt. Lamagan. 

Location: Sagada, Mt. Province

How to reach: Mula Cubao o Maynila, sumakay kang bus papunta Sagada. 

Difficulty level: 1/5

Interesting fact about Marlboro Country: Noong unang panahon daw ay madaming kabayo sa Marlboro Country ang malayang nag-iikot. Pero ngayon, wala o madalang na lang.

9. Mt. Guiting-Guiting

Mt. Guiting-Guiting romblon (1)

Photo source: Wikimedia Commons

Ang Mt. Guiting-Guiting ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa Romblon at isa sa pinakamataas na bundok sa Visayas. Maganda ang tanawin sa lugar pero bago mo ito makita ay kailangan mo munang dumaan sa matinding pagsubok. Hindi kasi madali ang pag-akyat sa Mt. Guiting-Guiting. Sa katunayan nga, isa ito sa pinakamahirap akyatin na bundok sa Pilipinas ayon sa mga professional hikers.

Location: Romblon

How to reach: Mula Maynila, mag-bus ka patunong Batangas Port. Doon ay kailangan mong sukay nang barko para makarating sa Romblon.

Difficulty level: 5/5

10. Mt. Tapulao

Mt. Tapulao Zambales

Ang Mt. Tapulao ang pinakamataas na bundok sa Zambales at Central Luzon. May taas itong 2,037 meters above sea level. Hindi gaya ng iba na puro sea of clouds ang natatanaw, dito ay samu’t saring mga halaman at insekto. Incredible ang flora and fauna sa Mt. Tapulao. Sa katunayan nga, ‘di lang ito paboritong akyatan kundi pati research area.

Location: Palauig, Zambales

How to reach: Mula Maynila, sumakay kang bus pa-Iba, Zambales. Pagdating mo doon ay mag-jeep o tricycle ka papuntang Palauig at sumakay ng tricycle papunta sa jumpoff point.

Difficulty level: 3/5

Interesting fact about Mt. Tapulao: Mayaman ang Mt. Tapulao sa mga kakaibang uri ng mga halaman at insekto kaya paborito itong lugar para magsagawa ng oananaliksik.

Frequently Asked Questions About Bundok sa Pilipinas

Q: Anong mga bundok sa Pilipinas ang madaling akyatin?

A: Narito ang ilan sa mga bundok sa Pilipinas na madaling akyatin:

  1. Mt. Daraitan
  2. Mt. Batulao
  3. Mt. Batolusong
  4. Mt. Samat
  5. Mt. Gulugud Baboy
  6. Mt. Pinatubo
  7. Pico de Loro
  8. Mt. Pulag
  9. Mt. Kalisungan
  10. Mt. Makiling

Q: Ano ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas?

A: Mt. Apo sa Cotabato, Davao del Sur ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. May taas itong 2,956 meters above sea level at kinukunsidera bilang “Grandfather of the Philippine Mountains.”

Q: Saan magandang mag-hike malapit sa Maynila?

A: Narito ang mga bundok sa Pilipinas na magandang akyatin malapit sa Maynila:

  1. Mt. Daraitan in Rizal
  2. Mt. Batulao in Batangas
  3. Mt. Tapulao in Zambales
  4. Mt. Batolusong in Rizal
  5. Mt. Makiling in Laguna

Q: Saan pwedeng mag-hike sa Rizal?

A: Rizal Province is a famous hiking spot in the Philippines. Here are some of the best hiking spots in Rizal:

  1. Masungi Georeserve
  2. Mt. Daraitan
  3. Mt. Batolusong
  4. Mount Binacayan
  5. Mount Hapunang Banoi
  6. Mount Pamitinan
  7. Mt. Alapaap
  8. Mt. Maynuba

Q: Pwede bang mag-hike sa GCQ areas?

A: Sa ilalim ng ECQ at GCQ, hindi pinapayagan ang mga sports-related activities gaya ng training, games, tournaments and hiking are prohibited.

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.

Leave a comment