Gabay sa Aralin Panlipunan: Ang Kasaysayan ng Pilipinas

kasaysayan ng pilipinas

Ang kasaysayan ng Pilipinas ay isa sa mga pinakatanyag sa mundo dahil sa dami ng pinagdaanan ng bansang Pilipinas. Mula sa magagandang pangyayari hanggang sa mga masalimuot na kaganapan, maraming kuwento at kaalaman ang ibibigay sa iyo ng kasaysayan ng Pilipinas tagalog. 

Mahahalagang Pangyayari sa Kasaysayan ng Pilipinas

Kung gusto mong matutunan ang history ng Pilipinas, narito ang ilan sa mahahalagang pangyayari na dapat mong malaman:

Ano ang nilalaman ng blog na ito?

Kung gusto mong malaman kung ano ang history ng Pilipinas, basahin mo ang blog na ito kung saan inilathala namin ang kasaysayan ng Pilipinas summary para ika’y bigyan ng karagdagang kaalaman.

Mga Sinaunang Pilipino

tabon man kasaysayan ng pilipinas

Photo credits to NCCA Official via Flickr

Ang history ng Pilipinas ay nagsimula milyon-milyong taon na ang nakalilipas. Ayon sa “Evolution Theory” ng anthropologist na si Felipe Landa Jocano, nagkaroon ng ebolusyon ang mga unang nanirahan sa Pilipinas. Cagayan Man ang pinaniniwalaang unang taong nanirahan sa bansa. Sa Palawan naman natagpuan ang Tabon Man na isang halimbawa ng Homo Sapiens. 

Isa ring teorya tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas tagalog na pinagmulan ng mga Pilipino ay ang “Migration Theory”. Ayon kay Henry Beyer, nagkaroon ng migrasyon ang mga pangkat etniko mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang sinaunang tao raw sa Pilipinas ay mga Negrito o Ita na bahagi ng lumang bato na mula sa Timog na dumaan sa Palawan at Borneo. Pangunahing kabuhayan nila ay pangangaso. Ang ikalawa raw na taong nanirahan sa Pilipinas ay mga Indones mula sa Timog-Silangang Asya. Sila ang pinaniniwalaang unang pangkat na gumamit ng balangay o bangkang kahoy. Ang mga Malay naman ang sinasabing sumunod na nanirahan sa Pilipinas. Gumamit sila ng balangay upang makarating sa bansa at kilala sila sa paggamit ng damit, palayok, bahay at kugon.

Pananakop ng mga Espanyol

spanish times in philippines kasaysayan ng pilipinas

Photo credits to John Tewell via Flickr

Pag-usapan naman natin ang panahon ng mga espanyol na isa ring mahalagang bahagi ng history ng Pilipinas.

March 16, 1521 nang dumating ang grupo ng Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan sa Pilipinas. Dumeretso sila sa Limasawa sa Island sa Leyte na pinamumunuan ni Rajah Kolambu. Nagkaroon ng magandang pag-uusap sina Magellan at Kolambu at nagkaroon pa nga ng sandugo sa pagitan nila. Bukod dito, nakumbinsi pa ni Magellan na sila’y maging Katoliko at noong March 31, 1521 ay ginanap ang kauna-unahang Catholic Mass sa Pilipinas. 

Sunod nito ay pumunta na sa Cebu si Magellan at nakilala ang hari ng Cebu na si Rajah Humabon. Nagkasundo ang dalawa pero ang hari ng Mactan na si Datu Lapu-Lapu ay hindi sumang-ayon sa kagustuhan ni Magellan na siyang nag-ugat sa kanilang digmaan o mas kilala bilang Battle of Mactan at doon napatay si Magellan.

Pero hindi roon nagtapos ang pananakop ng Espanya. Sa katunayan, sumailalim sa kamay ng mga espanyol ang Pilipinas nang halos 400 taon. Dito nabuo ang ilang himagsikan sa pagitan ng mga Espanyol at Katipunero.

Narito ang ilang mahahalagang kaganapan sa panahon ng Espanyol na puwede mong gaitin sa iyong kasaysayan ng Pilipinas ppt:

  • 1872 – Pinatay ang tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora o mas kilala bilang GomBurZa.
  • 1892 – Itinalaga ni Jose Rizal ang La Liga Filipina na malaking bahagi rin ng history ng Pilipinas.
  • 1896 – Pinunit ng mga Katipunero ang kanilang mga cedula at sabay-sabay sumigaw laban sa Espanya, na ngayo’y kilala bilang Cry of Pugadlawin.
  • 1897 – Nagtatag ng bagong republika si Heneral Emilio Aguinaldo sa Biak-na-Bato sa Bulacan.
  • 1886 – Inilathala ni Jose Rizal ang kontrobersiyal na nobela tungkol sa karahasan ng espanya. Ito ang Noli Me Tangere (The Lost Eden) at El filibusterismo (The Reign of Greed) noong 1891.
  • 1896 – Binaril si Dr. Jose Rizal
  • 1898 – Pinasabog ang American warship Maine sa Havana harbour na nag-ugat sa Spanish-American war
  • 1898 – Itinatag ni Emilio Aguinaldo ang Malolos Congress sa Bulacan idineklara ang kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite.
  • 1899 – Tinuldukan ng Treaty of Paris ang Spanish-American War at napasailalim naman sa mga Amerikano ang Pilipinas.

Panahon ng mga Amerikano

american times manuel quezon kasaysayan ng pilipinas

Photo credits to John Tewell via Flickr

Nang mapasailalim sa kamay ng Amerika ang Pilipinas ay itinatag agad nila ang Pamahalaang Militar upang mapigilan ang mga nag-aalsang Pilipino. Sa ilalim ng mga Amerikano ay may dalawang patakarang itinatag: Patakarang Pasipikasyon at Patakarang Kooptasyon.

Ang Patakarang Pasikpikasyon ay may layuning masupil ang nasyonalismo ng mga Pilipino dahil marami pa rin ang nagre-rebelde upang makakawala sa pananakop ng Amerika. Dito ay ipinagbawal ang pamamahayag lalo na ang mga balita o artikulong tungkol sa pagsulong sa kalayaan ng bansa.

Ang Patakarang Kooptasyon naman ay para sa mga Pilipino na nanumpa sa kanilang katapatan sa Pamahalaang Amerikano. Sa ilalim nito ay binuksan ang Maynila sa pangangalakal at itinayo ang pamahalaang lokal sa mga lalawigan at bayan. Nagkaroon din ng edukasyon sa panahong ito.

Narito naman ang ilan sa mahahalagang pangyayari noong panahon ng mga Amerikano na puwede mong gaitin sa iyong kasaysayan ng Pilipinas ppt:

  • 1901 – Dinakip ng mga Amerikano si Aguinaldo; Dumating sa Pilipinas si William Howard Taft at naging unang U.S. governor ng Pilipinas.
  • 1902 – Natapos ang rebelyon
  • 1916 – Ipinasa ng U.S. congress ang Jones Law na malaking bahagi rin ng history ng Pilipinas.
  • 1934 – Inaprubahan ng U.S. congress ang Tydings-McDuffie Law na nangakong magiging malaya ang Pilipinas sa 1946
  • 1935 – Sinang-ayunan ng mga Pilipino ang konstitusyong bumuo sa Philippine Commonwealth kung saan si Manuel Quezon ang itinakdang pangulo.
  • 1941 – Sinakop ng mga Hapon ang Pilipinas at tinalo si Gen. Douglas MacArthur.
  • 1944 – Namatay si Quezon while in exile; Pinalitan siya ni Vice President Sergio Osmeña; Bumalik si MacArthur sa Pilipinas gaya ng kaniyang ipinangako.
  • 1945 – Napalaya ni Gen. MacArthur ang Maynila at itinatag ni President Osmeña ang gobyerno.
  • 1946 – Pinalaya na ng Amerika ang Pilipinas at si Manuel Roxas ang ibinoto bilang unang pangulo ng bagong republika ng Pilipinas.

Batas Militar sa Pilipinas

martial law philippines kasaysayan ng pilipinas

Photo credits to NCCA Official via Flickr

Taong 1972 ay idineklara ng noo’y pangulo na si Ferdinand Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas. Pinamunuan niya ang Pilipinas sa loob ng dalawang dekada. May magagandang naidulot daw ang Batas Militar sa bansa pero para sa marami, ito ay isang bangungot. 

Dahil sa pinirmahan niyang Proclamation 1081, nagkaroon siyang kapangyarihang kontrolin ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan kung saan maraming Pilipino raw ang nawalan ng karapatan. Walang kalayaang magpahayag ang mga Pilipino noon. Ang mga tumaliwas sa gobyerno, inabuso at pinahihirapan. 

  • 1965 – Nanalong presidente si Ferdinand E. Marcos
  • 1972 – Idineklara ni Marcos ang Batas Militar
  • 1981 – Natapos ang Batas Militar
  • 1983 – Bumalik sa Pilipinas mula sa kaniyang exile ang pinuno ng oposisyon na si Benigno “Ninoy” Aquino at pinatay paglapag sa noo’y Manila International airport.

EDSA People Power Revolution

Photo credits to NCCA Official via Flickr

Ang EDSA People Power Revolution ay isang malaking bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas dahil ito ang nagpabagsak sa rehimeng Marcos. 

Taong 1986, dalawang araw matapos ideklara ng diktador na si Marcos na siya ang nanalo sa snap elections laban kay Corazon “Cory” Aquino, asawa ng pinatay na si Ninoy, inanunsiyo nina noo’y Defense Secretary Juan Ponce Enrile at noo’y AFP Vice Chief of Staff Fidel V. Ramos ang kanilang pagtiwalag sa rehimeng Marcos. 

Dumagsa ang mga tao sa kalsada, napuno ang kahabaan ng EDSA ng mga nag-aalsang Pilipino na nananawagang magbitiw na sa puwesto si Marcos. Hinarang nila ang mga sundalong pinadala ni Marcos, may mga lumuhod sa harap ng mga tangke ng sundalo, at namigay ng bulaklak sa mga sundalo. 

Ang rebolusyon na ito ay mapayapa at suportado ng sambayanan.

Lumisan ang pamilya Marcos sa Malakanyang gabi noong February 25, 1986 sakay ng helicopter ng Amerika. Doon nagtapos ang 21 taon pamumuno ni Marcos sa Pilipinas. 

Kasalukuyan

Matapos ang EDSA People Power Revolution ay itinalaga bilang Pangulo ng Pilipinas si Cory Aquino at nagtuluy-tuloy na ang kalayaan ng Pilipinas. Bagamat hindi na naulit ang Batas Militar, hindi ibig sabihin nito ay nawala na ang mga katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay pinamumunuan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na dating alkalde ng Davao City.

Sources: Official Gazette of the Philippines, CNN Philippines, BBC, www.philippine-history.org, California State University Bakersfield

Frequently Asked Questions About Kasaysayan ng Pilipinas

Q: Kailan nangyari ang Martial Law sa Pilipinas?

A: Nangyari ang Batas Militar sa Pilipinas noong September 23, 2972 at nagtapos noong January 13, 2981. Malaking parte ito ng history ng Pilipinas tagalog.

Q: Gaano katagal namuno si Ferdinand Marcos sa Pilipinas?

A: Isang malaking bahagi ng history ng Pilipinas si Marcos. Pinamunuan niya ang Pilipinas nang 21 taon mula 1965 hanggang 1986.

Q: Saan binaril si Dr. Jose Rizal?

A: Si Jose Rizal ay binaril noong December 30, 1896 sa Bagumbayan na ngayo’y kilala bilang Luneta o Rizal Park.

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.

Advertisements