17 Magagandang Kaugalian ng mga Pilipino na Bahagi ng Kulturang Pilipino

filipino kids with a foreigner kaugalian ng mga pilipino

Kahit saang sulok ng mundo, kilala ang Pilipinas hindi lang sa natatanging tanawin kundi maging sa magagandang kaugalian ng mga Pilipino. 

Sa katunayan nga, itinuturing ng mga banyaga na “Most Hospitable” locals ang mga Pilipino dahil sa magagandang asal nila. 

Mga Kaugalian ng mga Pilipino Noon at Ngayon

Narito ang kaugalian ng mga Pilipino na dapat mong malaman.

  1. Bayanihan
  2. Pagtawag Ng “Ate” At “Kuya” Sa Nakatatandang Kapatid
  3. Panghaharana
  4. Malugod Na Pagtanggap Sa Bisita
  5. Paggalang Sa Matatanda
  6. Pagmamano
  7. Pagsasabi Ng “Po” At “Opo”
  8. Pamamanhikan
  9. Pakikisama
  10. Palabra De Honor
  11. Malapit Sa Pamilya
  12. Pagdarasal Bago Kumain
  13. Pagsasabit ng kabaong sa gilid ng bundok
  14. Madasalin 
  15. Hindi pagpapakita ng lalaki sa babae bago ang kasal
  16. Fixed Marriage
  17. Pagpapakasal sa murang edad

Basahin ang buong blog na ito para matuklasan ang mga magagandang ano ang mga kaugalian ng mga Pilipino noon at ngayon na dapat panatilihin.

1. Bayanihan

bayanihan kaugalian ng mga pilipino

Photo source: Wikimedia Commons

Isa sa magandang mga kaugalian ng Pilipino na talagang ipinagmamalaki ng mga Pinoy ay ang bayanihan. Ito ay ang sama-samang pagtutulungan ng taumbayan sa mga nangangailangan. Isang simpleng halimbawa na lang ay ang paglilipat-bahay kung saan nagtutulungan ang mga kapitbahay na magbuhat ng mga gamit. Hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin iton tradisyon ng mga Pilipino.

2. Pagtawag Ng “Ate” At “Kuya” Sa Nakatatandang Kapatid

siblings filipino kaugalian ng mga pilipino

Photo credits to Hisu lee via Pixabay

Kung sa ibang bansa ay sa pangalan lang tinatawag ng mga bata ang mga nakatatanda nilang kapatid, dito sa Pilipinas, ang tawag sa kapatid na matandang babae ay “ate” habang “kuya” naman ang tawag sa kapatid na matandang lalaki. Simbolo ito ng respeto sa mga nakatatandang kapatid. ISa ito sa mga ipinagmamalaking tradisyon ng mga Pilipino.

3. Panghaharana

harana kaugalian ng mga pilipino

Photo source: Wikimedia Commons

Isa pang tradisyong nakaukit sa kulturang Pilipino ay ang panghaharana. Karaniwan itong ginagawa ng lalaki para sa kaniyang nililigawan pero ngayon, ginagawa na rin ito sa panunuyo at pakikipagbalikan sa mga magkasintahang nagkalabuan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkanta ng lalaki sa babaeng kaniyang sinusuyo. Puwede itong gawin nang may tugtog o acapella. Kaya kung naghahanap ka kung ano ang kaugalian ng mga Pilipino para sa mga romantiko, harana ang sagot d’yan.

4. Malugod Na Pagtanggap Sa Bisita

filipino kids with a foreigner kaugalian ng mga pilipino

Photo credits to U.S. National Archives

Gustung-gusto ng mga banyagang bumibisita sa Pilipinas ang magandang asal ng mga Pilipino gaya ng malugod na pagtanggap sa bisita. Sa katunayan nga, kilalang isa sa pinaka hospitable locals ang mga Pilipino. Dahil dito, talagang binabalik-balikan nila ang Pilipinas. Ang malugod na pagtanggap sa bisita ay isa sa mga kaugalian ng Pilipino na ipinagmamalaki.

5. Paggalang Sa Matatanda

Lubos na magalang ang mga Pilipino, mapa-matanda man o bata, kahit sino pa ang kausap, magalang ang pananalita ng mga lokal. Ilan sa mga tanda ng paggalang sa matatanda ay ang pagmamano, pagsasabi ng “po” at “opo”, pagtulong sa kapwa, at marami pang iba. 

6. Pagmamano

Isa pa sa mga kaugalian ng mga Pilipino na hanggang ayon ay hindi pa rin nawawala ay ang pagmamano. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at ilalapat ito sa noo ng nagmamano, sabay sasabihing “mano po.” Madalas itong isinasagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis. Bata pa lang ay tinuturuan na ng matatanda ang kaugalian na ito.

7. Pagsasabi Ng “Po” At “Opo”

Malaking bahagi ng kulturang Pilipino ang pagsasabi ng “po” at “opo.” Isa ito sa mga kaugalian ng mga Pilipino na tanda ng pagrespeto sa mga nakatatanda. 

8. Pamamanhikan

Isinasagawa ag pamamanhikan kapag ang isang babae at lalaki ay nagkasundong magpakasal. Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng kaniyang nobya sa harap ng kanilang mga magulang at iba pang malalapit na kaanak o kaibigan. Pagkatapos nito ay may salo-salo at sa hapag pinag-uusapan ang detalye ng kasal. Bagamat moderno na ang panahon ngayon, isa ito sa nananatili pa ring mga kaugalian ng mga Pilipino.

9. Pakikisama

Ang pakikisama ay isa sa 10 kaugalian ng mga Pilipino na hanggang ngayon ay buhay pa rin. Ginagawa ito sa pagnanais na magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba. Ito ang isa mga magagandang halimbawa ng kultura sa Pilipinas.

10. Palabra De Honor

Isa pa sa 10 kaugalian ng mga Pilipino na pinahahalagahan pa rin hanggang ngayon ay ang Palabra de Honor. Ang ibig sabihin nito ay kailangang tuparin ang iyong ipinangako. Kapag ikaw ay sinabihang may Palabra de Honor, ibig sabihin ay “may isang salita” ka.

11. Malapit Sa Pamilya

Sa listahan kung ano ano ang mga kaugalian ng mga Pilipino, ang pagiging malapit sa pamilya ay talagang importante sa Pilipinas. Tanda ito ng magandang samahan ng pamilya. Dahil sa halimbawa ng kultura na ito, maraming banyaga ang bumibilib sa mga Pinoy.

12. Pagdarasal Bago Kumain

Bago kumain, nakagawian na ng mga Pilipino ang pagdarasal. Dito ay nagpapasalamat sila sa mga pagkaing nakahain, ang pagsasama-sama nila, at iba pang mga biyayang natanggap nila. Likas kasing relihiyoso ang mga Pilipino kaya isa ito sa magagandang halimbawa ng kultura sa bansa.

13. Pagsasabit ng kabaong sa gilid ng bundok

Kapag sinabing Sagada, unang maiisip bukod sa sea of clouds ay ang mga kabaong na nakasabit sa bangin. Isa ito sa mga kaugalian ng mga taga Luzon, lalo ng mga taga-Sagada. Sinasabit nila ang kabong sa gilid ng bundok o sa isang lugar kung saan mas mataas, taliwas sa kaugalian ng mga Pilipino na inililibing sa lupa ang namayapa.

14. Madasalin 

Ang pagiging madasalin ay isa sa mga kaugalian ng mga Pilipino na kanilang ipinagmamalaki. Hindi lang ito kaugalian ng mga taga Luzon kundi ito rin ay kaugalian ng mga taga Mindanao. Iba-iba ang relihiyon sa Pilipinas pero kahit ganito ay sadyang madasalin talaga ang mga Pilipino.

15. Hindi pagpapakita ng lalaki sa babae bago ang kasal

Ang hindi pagpapakita ng lalaki sa babae bago ang kasal ay kaugalian ng mga taga Mindanao at maging ng mga taga ibang rehiyon. Paniniwala kasi ng mga Pilipino, malas daw kapag nagkita ang magsing-irog bago ang kanilang kasal. 

16. Fixed Marriage

Kung akala niyo ay sa ibang bansa lang uso ang fixed marriage o ang pagpapakasal dahil sa isang kasunduan, isa rin ito sa mga nakagawian ng Pilipino. Noong unang panahon pa lang ay kaugalian ng mga taga Mindanao na ito at ng ibang mga tribu sa bansa pero hanggang ngayon ay isinasagawa pa rin ito.

17. Pagpapakasal sa murang edad

Kung ang ibang magulang ay pinipigilan ang kanilang mga anak na magpakasal sa murang edad, sa ilang tribu sa bansa ay pinapayagan ito. Sa katunayan nga, may ilang edad 13 anyos na babae pa lang ay ipinakakasal na.

Frequently Asked Questions Tungkol sa mga Kaugalian ng mga Pilipino 

Q: Ano ano ang mga kaugalian ng mga Pilipino?

A: Narito ang magagandang asal at nakagawian ng mga Pilipino na dapat mong malaman.

  • Paggalang Sa Matatanda
  • Pagmamano
  • Pagsasabi Ng “Po” At “Opo”
  • Pagtawag Ng “Ate” At “Kuya” Sa Nakatatandang Kapatid
  • Bayanihan
  • Panghaharana
  • Pamamanhikan
  • Pakikisama
  • Palabra De Honor
  • Malapit Sa Pamilya
  • Malugod Na Pagtanggap Sa Bisita
  • Pagdarasal Bago Kumain
  • Pagsasabit ng kabaong sa gilid ng bundok
  • Madasalin 
  • Hindi pagpapakita ng lalaki sa babae bago ang kasal
  • Fixed Marriage
  • Pagpapakasal sa murang edad

Q: Ano ang kaugalian ng mga Pilipino tungkol sa pagpapakasal?

A: Narito ang iba’t ibang tradisyon at pinaniniwalaan ng mga Pilipino tungkol sa pagpapakasal.

  1. Pamamanhikan ng lalaki sa babae
  2. Bawal magkita ang mag-nobyo bago ang kasal
  3. Bawal isukat ng babae ang kaniyang wedding gown bago ang kasal
  4. Bawal ang sabay o pagpapakasal ng magkapatid sa iisang taon dahil sukob ito
  5. Malas daw ang pagsusuot ng perlas ng babaeng ikakasal

Q: Magbigay ng mga halimbawa ng kulturang Pilipino

A: Mula sa mga tradisyong pinaniniwalaan ng aming pamilya hanggang sa iba’t ibang kaugalian, narito ang mga halimbawa ng kulturang Pilipino:

  1. Bayanihan – Tradisyon kung saan nagtutulungan ang komunidad
  2. Pagiging magiliw sa mga panauhin – Kaugalian ng Pilipino na laging bukas tumanggap ng mga bisita o taong hindi kaano-ano.
  3. Pagkakaroon ng utang na loob – Paniniwala ng mga Pilipino na dapat mong ibalik ang pabor sa taong nagmagandang loob sa’yo.
  4. Palabra de honor – Isa ito sa magandang kultura ng Pilipinas dahil karaniwan sa mga Pilipino ay talagang tumutupad sa pangako dahil sila’y may isang salita.
  5. Masiyahin – Ano ang kultura ng Pilipinas? Masaya! Dahil ang mga Pilipino ay sadyang masiyahin kahit pa may dinadala silang problema, nakukuha nilang ngumiti.
  6. Relihiyoso – Ito ay isa sa mga halimbawa ng mga tradisyong pinaniniwalaan ng aming pamilya dahil maka-Diyos ang mga Pilipino sa paniwalang dinidinig ng Panginoon ang mga dasal.
  7. Magalang – Tradisyon ng mga Pinoy ang pagiging magalang. Gumagamit sila ng “po” at “opo” kapag kumakausap ng matatanda.
  8. Pagiging malapit sa pamilya – Isa ito sa katangi-tanging mga tradisyong pinaniniwalaan ng aming pamilya dahilmalaki ang pagpapahalaga ng mga Pinoy sa kanilang pamilya.
  9. Pagkakaroon ng positibong pananaw sa hinaharap – Likas sa mga Pilipino ang pagiging “optimist” na sadyang ikinatutuwa ng mga banyaga.
  10. Pagmamalasakit sa kapwa – Lubos ang pagmamalasakit sa kapwa ng mga Pinoy dahil sila ay may respeto sa kapwa at nagpapahalaga kahit kanino man.

Q: Ano ano ang mga tradisyong pinaniniwalaan ng aming pamilya?

A: Ano ano nga ba ang mga tradisyong pinaniniwalaan ng aming pamilya? Narito ang ilan sa mga tradisyong pinaniniwalaan ng pamilya sa Pilipinas:

  1. Pagdadasal bago kumain
  2. Pagiging malapit sa pamilya
  3. Pag-alis ng anak sa puder ng mga magulang kapag ikinasal lamang
  4. Pagmamano sa matatanda
  5. Pagsasabi ng “po” at “opo” sa mga nakatatanda

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.