Kulturang Pilipino: Alamin at Kilalanin ang Mayamang Kultura ng Pilipinas

T'nalak weaver mindanao culture

Mababakas ang mayamang kasaysayan ng Pilipinas sa nakaraan, at hindi lang ito makikita sa mga sikat na museo sa bansa dahil kung iyong pagmamasadan at susuriing mabuti, Kulturang Pilipino ang sumasalamin at nakadadagdag ng ganda sa bansang Pilipinas.

Ang kultura ay ang pagsasalin-salin ng tradisyon ng isang tao o komunidad. Ito ay pinaghalong tradisyon ng mga bansang sumakop at mga katutubo.

Mga Kultura ng Pilipino

Mula sa mga tradisyon na nagmula sa mga kulturang Tagalog, kultura ng Kapampangan, o kultura ng mga Bisaya, talagang napakayaman ng Pilipinas. Narito ang listahan ng mga Kultura ng Pilipino na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin. 

  1. Kultura ng Pamamanata sa Poon (Devotion to the Patron Saint)
  2. Kultura ng pagdidiwata (Harmony with the Spirit World)
  3. Kultura ng Pag-uuma at Pag-uukir (Devotion to Islam and the Arabesque in Art)
  4. Kultura ng Pananahan (Devotion to the Home and Family)
  5. Kultura ng Pag-aaliw (Culture of Entertainment)
  6. Kultura ng Pagtutol (Protest Against Social Ills)
  7. Kultura ng Pagkabansa (Culture of Nationhood)

Source: National Commission for Culture and the Arts (NCCA)

Anong nilalaman ng blog na ito?

Wika

Ang wika ay malaking bahagi ng iba’t ibang kultura. Mayroong mahigit 130 ethnolinguistic groups sa Pilipinas at may kani-kaniyang sariling diyalekto. Kabilang na rito ang mga wikang Tagalog na bahagi ng kultura ng mga Tagalog, Ilokano, Kapampangan na bahagi ng kulturang Kapampangan, Bisaya, at Chavacano.

Hindi lang basta sinasalita ang wika dahil dito nakapaloob ang kasaysayan at Kulturang Pilipino. Lubos na pinapahalagan ng mga Pilipino ang kanilang wika. Sa katunayan nga, tuwing Agosto ay ipinagdiriwang ng Pilipinas ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pang-araw-araw na pamumuhay at sa pag-unlad ng bayan.

Ang isang kaibahan at kagandahan ng wikang Filipino sa ibang wika lalo na sa Ingles ay ang mga panghalip. Kung sa wikang Ingles ay gumagamit ng mga panghalip na “he,” “she,” at “it,” para tukuyin ang kasarian ng tao, sa wikang Filipino, tanging “siya” lamang ang ginagamit. Ayon sa eksperto na si Leo Emmanuel Castro, Sanghabi Executive Director, mas mahalaga para sa mga Pilipino ang pagkatao at hindi ang kasarian kaya talagang natatangi ang kulturang Pilpino.


Pagkain

Advertisements
lechon

Bawat bansa ay may kani-kaniyang kung ano ang kultura na ipinagmamalaki. sa kultura ng Pilipinas, bahagi na rito ang pagkain. At syempre, kapag usapang pagkain, laging present d’yan ang Pilipinas dahil sa dami ng pagpipiliang pagkaing Pilipino, mapa-lokal o banyaga ay talagang matatakam dahil bawat putahe ay hitik sa sarap! 

Bagamat maraming putahe ang nagmula sa impluwensiya ng ibang bansa, marami ring pagkain ang orihinal na gawang Pilipino na naging bahagi na ng kultura. Mula sa mga sikat na ulam at kakaibang lutuin hanggang sa panghimagas, hindi ka mauubusan ng masasarap na pagkaing Pinoy. Narito ang ilan sa mga pagkaing Pilipino na ipinagmamalaki sa buong mundo.

  1. Sinigang – Kombinasyon ng iba’t ibang gulay at karne ng baboy o seafood na may maasim ang sabaw.
  2. Adobo – Maalat na maasim ang sabaw dahil sa toyo at suka na pangunahing sangkap nito. Isa ito sa mga pinakasikat na pagkain sa kultura ng mga Pilipino.
  3. Sisig – Tinadtad na maskara, tenga o mukha ng baboy ang sisig.
  4. Kare-Kare – Kulay dilaw ito dahil sa mani at peanut butter na pangunahing sahog nito.
  5. Lechon – Malutong ang balat at malambot ang laman na masarap ipares sa liver sauce
  6. Crispy Pata – Gaya ng lechon, malutong ang balat ng crispy pata at malambot at malinamnam ang laman.
  7. Bulalo – Malinamnam na sabaw na may iba’t ibang gulay, at karne at bone marrow ng baka.
  8. Kansi – Pinaghalong bulalo at sinigang. Sikat na pagkain ng mga Ilonggo.
  9. Halo-Halo – Sikat na pampalamig sa Pilipinas na may sari-saring sangkap.
  10. Suman – Malagkit na kakanin na masarap ipares sa latik o tsokolate.
  11. Puto Bumbong – Sikat na pagkain tuwing pasko. Kulay violet at may toppings na niyog, asukal, margarine, at cheese.
  12. Sorbetes – Isa sa mga paboritong panghimagas ng mga Pinoy lalo na kung tag-init

Basahin mo rin ito: 12 Patok na Pagkaing Pilipino That Are Satisfyingly Delicious


Kultura

happy street dancers during the kadayawan festival

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may napakayamang kultura dahil sa mga natatanging kaugalian at tradisyon mula noon hanggang ngayon. Ang Kulturang Pilipino ang sumasalamin sa nakaraan. Mula sa mga bagay na ginagamit ngayon sa pang-araw-araw hanggang sa mga bagay na dinadaan-daanan lamang, lahat ng ito ay bahagi ng mga kultura ng Pilipino. Narito ang iba’t ibang kulturang Pilipino na dapat mong malaman.

Mga Kultura ng Pilipino

  1. Kultura ng Pamamanata sa Poon (Devotion to the Patron Saint)
  2. Kultura ng pagdidiwata (Harmony with the Spirit World)
  3. Kultura ng Pag-uuma at Pag-uukir (Devotion to Islam and the Arabesque in Art)
  4. Kultura ng Pananahan (Devotion to the Home and Family)
  5. Kultura ng Pag-aaliw (Culture of Entertainment)
  6. Kultura ng Pagtutol (Protest Against Social Ills)
  7. Kultura ng Pagkabansa (Culture of Nationhood)

Source: National Commission for Culture and the Arts (NCCA)

Basahin mo rin ito: Philippine Culture: What Makes the Filipinos Different From the Rest of the World

Ang Kultura ng mga Tagalog ay hindi masyadong naiiba sa iba pang mga kultura sa bansa. Ang mga Tagalog ay itinuturing na may maunlad na komunidad dahil sa lokasyon nila kung saan binubuo ito ng mga taga-Kamaynilaan, Calabarzon, at ilang probinsiya gaya ng Bulacan, Bataan, Zambales, Nueva Ecija, Aurora, Marinduque at Mindoro.

Kapag Kultura ng Kapampangan ang ating pag-uusapan ay hindi rin ito nalalayo sa kulturang Tagalog pagdating sa mga kaugalian at tradisyon. Pero may sarili silang wika na tinatawag na Kapampangan. Sila ay isa sa mga itinuturing na pinaka-maimpluwensyang pangkat etnikong Pilipino. Kilala ang mga Kapampangan sa masarap nilang lutuin kaya naman tinagurian ang Pampanga na Culinary Capital of the Philippines. 

Malaking bahagi ng kultura ng Kapampangan ang pagkain, paniniwala at mga selebrasyon kaya naman maraming turista ang dumarayo sa probinsiya para maranasan nila ang mayamang kulturang Kapampangan.


Kaugalian

bayanihan kulturang pilipino

Photo source: Wikimedia Commons

Kahit saang sulok ng mundo, kilala ang Pilipinas hindi lang sa natatanging tanawin kundi maging sa magagandang kaugalian ng mga Pilipino. Sa katunayan nga, itinuturing ng mga banyaga na “Most Hospitable” locals ang mga Pilipino dahil sa magagandang asal nila. Dito mo masasabi na talagang pinag-iingatan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng kultura.

  1. Bayanihan
  2. Pagsasabi Ng “Po” At “Opo”
  3. Panghaharana
  4. Hospitable
  5. Lubos na paggalang sa matatanda
  6. Pagmamano
  7. Relihiyoso
  8. Palabra de Honor
  9. Pamamanhikan
  10. Pakikisama

Basahin mo rin ito: 17 Magagandang Kaugalian ng mga Pilipino na Bahagi ng Kulturang Pilipino


Musika, Sining, at Literatura

oscar villamiel cheap medicine art in the philippines

Photo credits to blogger The Girl Behind the Pen

Hindi lang sa mga tradisyon at kaugalian makikita ang mayamang Kulturang Pilipino dahil marami pang aspekto ng kultura gaya ng musika, sining, at literatura. Ang mga ito ay sumasalamin sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ng bansa. Sa pamamagitan ng musika, sining, at literatura ay naipahahayag ng mga Pilipino ang kanilang pagkamalikhain. Gumagawa sila ng mga kanta, nagsusulat ng mga tula, at gumuguhit ng iba’t ibang klaseng mukha ng kultura ng Pilipinas.

Mga Uri ng Sining sa Pilipinas

  1. Traditional Art in the Philippines
  2. Contemporary Arts in the Philippines
  3. Indigenous Arts in the Philippines

Basahin din: A Beginner’s Guide to Art in the Philippines


Relihiyon

Advertisements

May iba’t ibang uri ng relihiyon sa Pilipinas: Katolisismo, Kristiyano, Islam, at iba pa. Pero ang tatlong nabanggit ang silang may pinakamaraming bilang. Karamihan sa mga Pilipino ay Katoliko, ang isa sa itinuturing na pamana ng Espanya noong sinasakop pa nila ang Pilipinas. Kung titingnan mo ang mga relihyon sa Pilipinas, mababatid mo na kung paano pahalagahan ng mga Pilipino ang kanilang kultura.


Pananamit

traditional clothing philippine culture

Photo sources: (Left) Wikimedia Commons | (Right) Wikimedia Commons

Pagdating sa pananamit, laging nakasunod sa uso ang mga Pilipino. Pero noong unang panahon, ang tradisyonal na kasuotan ng mga Pilipino ay Baro’t Saya para sa mga babae at Barong Tagalog o Camisa de Chino para sa mga lalaki. Ngayong makabagong panahon, naiba na ang kultura sa pananamit bunsod ng mga bagong nauuso. Sa kabila nito, hindi pa rin nawawala sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng kultura sa pananamit.


Selebrasyon

street dancers at masskara festival

Likas sa mga Pilipino ang pagiging masayahin kahit pa sa oras ng problema, nakukuha pa rin ng mga Pilipinong ngumiti at tumawa. Dahil sa magandang kaugalian na ito ng mga Pilipino, hindi na nakapagtataka na bawat sulok ng Pilipinas ay may kani-kaniyang piyesta o selebrasyon. Dito ay mababatid mo na kung ano ang kultura para sa mga Pilipino dahil sadyang mapagpahalaga sila sa mga kaugalian at tradisyon. Ang mga ito ay pagdiriwang para sa mga santo o pagpapasalamat para sa masaganang biyayang ipinagkaloob sa kanila. Ang ilan sa mga sikat na piyesta sa Pilipinas ay ang: 

  1. Sinulog Festival – Cebu
  2. Ati-Atihan Festival – Aklan
  3. Dinagyang Festival – Iloilo City
  4. Pahiyas Festival – Lucban, Quezon
  5. Panagbenga Festival – Baguio City
  6. Lechon Festival – Batangas
  7. Kadayawan Festival – Davao City
  8. MassKara Festival – Bacolod
  9. Tuna Festival – General Santos City
  10. Higantes Festival – Angono, Rizal

Basahin din: Festivals In The Philippines: 10 Most Exciting Filipino Fiestas


Frequently Asked Questions Tungkol sa Kulturang Pilipino

Q: Ano ang kultura?
A: Ang kultura ay ang mga paniniwala, wika, kaugalian, tradisyon, pamumuhay at selebrasyon ng isang grupo o bansa. Maraming kahulugan ang kultura pero ito ang pinakasimple sa lahat para mas maunawang mabuti ng mga nagbabasa.

Q: Bakit mahalaga ang kultura?
A: Maraming sagot sa tanong na kung bakit mahalaga ang kultura. Pero ang dapat mas tandaan ay mahalaga ang kultura dahil ito ang nagpapakilala sa kasaysayan at kaugalian ng grupo.

Q: Ano ang dalawang uri ng kultura?
A: Ang dalawang uri ng kultura ay materyal at di-materyal.

Q: Ano-ano ang kaugalian ng mga Pilipino?
A: Narito ang iba’t ibang kaugalian ng mga Pilipino na bahagi na ng kultura sa Pilipinas:

  • Bayanihan
  • Pagsasabi Ng “Po” At “Opo”
  • Panghaharana
  • Hospitable
  • Lubos na paggalang sa matatanda
  • Pagmamano
  • Relihiyoso
  • Palabra de Honor
  • Pamamanhikan
  • Pakikisama

Basahin mo rin ito: 17 Magagandang Kaugalian ng mga Pilipino na Bahagi ng Kulturang Pilipino

Q: Ano ang pambansang kasuotan ng mga Pilipino?
A: Ang pambansang kasuotan sa Pilipinas ay ang Baro’t Saya para sa mga babae at Barong Tagalog naman para sa mga lalaki. Sa makabagong panahon, sinusuot na lang ito tuwing may espesyal na okasyon.

Q: Ano ang kultura ng pagdidiwata?
A: Ang kultura ng pagdidiwata ay paggalang at pakikiisa sa kalikasan at sa mga espiritu at Anito ang nagsisilbing gabay sa paglikha ng mga ritwal, musika, etiko, at arkitektura ng mga tutubo. Ito ay buhay pa rin sa mga katutubo ng Cordillera, sa mga Lumad ng Palawan at Mindanao, sa mga Negrito, Mangyan at Mamanwa.

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.

Advertisements