Gabay sa Araling Panlipunan: Ang Likas na Yaman ng Pilipinas

likas na yaman ng pilipinas

Kilala ang Perlas ng Silangan sa magagandang karagatan, dalampasigan, kabundukan, at masasarap na pagkain dahil sagana ang likas na yaman ng Pilipinas. 

Ang likas na yaman ay tumutukoy sa mga bagay na makukuha natin mula sa kalikasan tulad ng lupa, gubat, dagat, at kabundukan. Mahalaga ang mga likas na yaman ng Pilipinas dahil dito nakasalalay ang mga pangangailangan at pangkabuhayan ng mga tao. Mula sa yamang-lupa hanggang sa yamang-dagat, tatalakayin natin isa-isa kung ano ang pinagkaiba ng mga ito upang makatulong sa iyong pag-aaral.

Mga Likas na Yaman ng Pilipinas

Kung ika’y nagtatanong kung ano ano ang mga likas na yaman ng Pilipinas, nasa tamang lugar ka dahil iisa-isahin namin ‘yan sa blog na ito. Heto ang listahan ng likas na yaman ng Pilipinas na dapat mong malaman.

  1. Yamang lupa – Mga likas na yaman ng Pilipinas na itinatanim sa lupa
  2. Yamang tubig – Mga likas na yaman ng Pilipinas na makukuha sa tubig
  3. Yamang gubat – Mga likas na yaman ng Pilipinas na makikita sa kagubatan
  4. Yamang mineral – Mga likas na yaman ng Pilipinas na mahuhukay sa ilalim ng lupa
  5. Yamang tao – Tumutukoy sa mamamayang kayang pagyamanin ang likas na yaman ng Pilipinas

Ano ang nilalaman ng blog na ito?

Basahin ang blog na ito para iyong matuklasan kung ano ano ang mga likas na yaman ng Pilipinas.

Yamang Lupa

rice grain likas na yaman ng pilipinas

Photo by Alex Block on Unsplash

Ang yamang lupa ay mga likas na yaman ng Pilipinas na tumutukoy sa mga bagay o pagkain na karaniwang makikita sa anyong lupa. Itinuturing ang Pilipinas bilang isang agrikultural na bansa dahil mainam taniman ang mga lupa rito.

Halimbawa ng mga yamang lupa

  1. Palay
  2. Mais
  3. Prutas
  4. Gulay
  5. Puno
  6. Halamang-ugat
  7. Halamang-gamot

Yamang Tubig

Advertisements
anilao diving in philippines

Ang yamang tubig naman ay tumutukoy sa mga likas yaman ng Pilipinas na makukuha sa anyong tubig tulad ng dagat, lawa, talon, ilog, at iba pa. Kung yamang tubig lang din ang pag-uusapan, mayaman ang Pilipinas sa anyong tubig na pinagkukunan ng makakain ng mga tao. Mahigit 2,000 klaseng isda ang matatagpuan sa Pilipinas, ilan sa mga ito ay endemic sa bansa gaya ng sinarapan na sa Camarines Sur lang makikita at ang tawilis na sa Taal Lake lang mayroon.

Halimbawa ng mga yamang dagat

  1. Isda
  2. Corals
  3. Perlas
  4. Jellyfish

Yamang Gubat

tamaraw endangered species in the philippines

Photo source: Wikipedia

Ang yamang gubat naman ay ang likas na yaman ng Pilipinas tulad ng bagay o hayop na matatagpuan sa kagubatan. Kabilang dito ang mga natatanging puno, halaman at hayop na sa Pilipinas lang makikita tulad ng Tamaraw sa Mindoro, Philippine Monkey-Eating Eagle, at Mouse Deer.

Halimbawa ng mga yamang gubat

  1. Puno
  2. Hayop
  3. Halaman
  4. Bulaklak

Yamang Mineral

gold likas na yaman ng pilipinas

Photo source: Wikimedia Commons

Tumutukoy sa mga likas yaman ng Pilipinas na mamimina o mahuhukay sa ilalim ng lupa ang mga yamang mineral. May tatlong uri ng mineral na mahuhukay sa lupa: metaliko, ‘di metaliko, at panggatong. Ang yamang mineral ay madaling maubos at hindi napapalitan. 

Halimbawa ng mga yamang mineral

  1. Ginto
  2. Diyamante
  3. Pilak
  4. Tanso
  5. Yero
  6. Tin
  7. Semento
  8. Marmol
  9. Aspalto
  10. Apog
  11. Asbestos
  12. Langis
  13. Uling

Yamang Tao

philippine construction workers likas na yaman ng pilipinas

Photo source: Wikimedia Commons

Ang yamang tao naman ay ang likas na yaman ng Pilipinas na itinuturing bilang isa sa pinakamahalaga. Tumutukoy ito sa mamamayan na nagpapaunlad ng bansa sa pamamagitan ng serbisyo, agrikultura, at industriya.

Mga sektor na napapabilang ang mga tao

  1. Agrikultura – Ang sektor na ito ay may responsibilidad na gumawa at mag-produce ng mga pagkain mula sa mga likas na yaman ng Pilipinas. Kabilang dito ang mga magsasaka at mangingisda.
  2. Industriya – Ang sektor na ito ang nagpo-proseso ng mga raw materials para makagawa ng mga materyales na ginagamit pang-araw-araw. Kabilang dito ang mga minero, nasa konstruksiyon, manupaktura, at pabrika.
  3. Serbisyo – Ito ay mga taong may kaalaman at kasanayan na kailangan sa kalakalan. Kabilang dito ang mga nagta-trabaho sa pampubliko at pribadong institusyon gaya ng mga taga-transportasyon, komunikasyon, at marami pang iba.

Frequently Asked Questions About Likas na Yaman ng Pilipinas

Advertisements

Q: Ano ano ang mga likas na yaman ng Pilipinas?

A: Narito ang iba’t ibang likas na yaman ng Pilipinas:

  1. Yamang lupa
  2. Yamang tubig
  3. Yamang gubat
  4. Yamang mineral
  5. Yamang tao

Q: Ano ang likas na yaman? 

A: Ang likas na yaman ay tumutukoy sa mga bagay na makukuha natin mula sa kalikasan tulad ng lupa, gubat, dagat, at kabundukan. Mahalaga ang mga likas yaman ng Pilipinas dahil dito nakasalalay ang mga pangangailangan at pangkabuhayan ng mga tao. 

Q: Ano ang likas na yaman sa Pilipinas na yamang lupa?

A: Heto ang mga halimbawa ng mga yamang lupa:

  1. Palay
  2. Mais
  3. Prutas
  4. Gulay
  5. Puno
  6. Halamang-ugat
  7. Halamang-gamot

Q: Ano ang mga likas na yaman sa Pilipinas na yamang tubig?

A: Heto ang mga halimbawa ng mga yamang tubig:

  1. Isda
  2. Corals
  3. Perlas
  4. Jellyfish

Q: Ano ang mga likas na yaman sa Pilipinas na yamang mineral?

A: Heto ang mga halimbawa ng mga yamang mineral:

  1. Ginto
  2. Diyamante
  3. Pilak
  4. Tanso
  5. Yero
  6. Tin
  7. Semento
  8. Marmol
  9. Aspalto
  10. Apog
  11. Asbestos
  12. Langis
  13. Uling

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.

Related Posts