10 Magagandang Lugar sa Pilipinas That Will Take Your Breath Away

10 Magagandang Lugar sa Pilipinas That Will Take Your Breath Away
Magagandang Lugar sa Pilipinas
Spread the love ❤️

Sa mahigit pitong libong isla, tila malulula ka na sa dami ng magagandang lugar sa Pilipinas. Mula sa mga nagpuputian at pinong-pinong buhangin sa dagat hanggang sa mga makalaglag-pusong ganda ng mga lagoon, hindi ka mauubusan ng pasyalan sa Pilipinas.

Kaya naman hindi nakapagtatakang pati ang mga banyaga ay nabibighani sa ganda ng bansa. Sa katunayan nga, may ilang banyaga na ang piniling manirahan na lang sa Pilipinas!

10 Pinakamagandang Lugar sa Pilipinas na Dapat Mong Mapuntahan

Mula sa mala-New Zealand na rolling hills sa Batanes hanggang sa nakabibighaning sunset sa Siargao, talagang hindi maipagkakaila ang ganda ng Pilipinas. Narito ang sampung magagandang lugar sa Pilipinas na dapat mong bisitahin soon!

  1. Palawan
  2. Batanes
  3. Boracay
  4. Cebu
  5. Ifugao 
  6. Siargao
  7. Bicol
  8. Zambales
  9. Bohol
  10. Vigan

1. Palawan

girl in palawan

Malinaw na turquoise waters, epic limestone cliffs, at pinong buhangin—ilan lamang ito sa mga bagay na nakatatawag-pansin sa mga traveler! Ipinagmamalaki ng Puerto Princesa ang kanilang Underground River na isang UNESCO World Heritage Site; Big and Small Lagoons ng El Nido; at Kayangan Lake ng Coron. 

Sa ganda ng probinsiyang ito, ilang beses na itong hinirang bilang Best Island in the World ng ilang international travel magazines. 

Where to stay in Palawan

  1. ZEN Rooms B.M. Road
    Price: From PHP 1500/night
  2. ZEN Rooms San Manuel Road
    Price: From PHP 1300/night
  3. ZEN Rooms Sunlight Palawan
    Price: From PHP 1900/night

2. Batanes

racuh a payaman in batanes

Isang dream destination para sa maraming Pilipino ang Batanes. Paano ba naman, kahit saan ka naman kasi lumingon, talagang breathtaking ang view sa Batanes. Mula sa Vayang Rolling Hills hanggang sa Racuh A Payaman, mapapanganga ka na lang sa ganda. Unbelievably beautiful, ika nga, kaya itinuturing itong isa sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas. 

3. Boracay

aerial view of white beach in boracay

Oh Boracay! Kailangan pa na ng introduction nito? Isa lang naman ang Boracay sa pinakasikat na pasyalan sa Pilipinas. Singputi ng perlas at singpino ng pulbos ang buhangin sa White Beach ng Boracay! Ang tubig, makintab na cerulean ang kulay! Sikat din ang Boracay dahil sa masayang nightlife. 

Where to stay in Boracay

  1. Blue Dawn Boracay
    Price: From PHP 1400/night
  2. ZEN Rooms Bamboo Beach Station 3
     Price: From PHP 1400/night
  3. ZEN Rooms Station 1 Beachside
    Price: From PHP 1600/night

4. Cebu

aerial view of whale sharks in oslob

Hindi sapat ang isang araw para makita ang ganda ng buong Cebu. Tinaguriang Queen City of the South, tila isa itong royalty sa listahan ng Philippine destinations dahil sa dami ng magagandang lugar! Bukod sa mayamag history at kultura, ipinagmamalaki rin ng Cebu ang kanilang pristine white beaches, waterfalls, sardine run sa Moalboal at Oslob kung saan puwede kang makilangoy kasama ang naglalakihang butanding!

Where to stay in Cebu

  1. ZEN Rooms Alicia Tower Cebu
    Price: PHP 700/night
  2. ZEN Premium Banilad
    Price: PHP 1300/night
  3. ZEN Rooms S Hotel & Residences Cebu
    Price: From PHP 1000/night

5. Ifugao 

banaue rice terraces

Isa pa sa magagandang lugar sa Pilipinas na talaga namang natatangi ay ang Ifugao. Dito matatagpuan ang UNESCO World Heritage Site na Banaue Rice Terraces o Hagdan-Hagdang Palayan. Dahil located ito sa norte, malamig ang klima rito kaya kung pupunta ka sa Ifugao, magdala ka ng makakapal na damit.

6. Siargao

surfers at cloud 9 siargao

Kung ikaw ay naghahanap ng tahimik at relaxing na lugar, Siargao ang perfect place for you! Kilala ang Siargao bilang Surfing Capital of the Philippines dahil sa naglalakihang alon sa mga dagat nito. Pinakamagandang lugar para mag-surf ay ang Cloud 9 kung saan may ganda ring view ng sunset! 

Bukod dito, marami ring magagandang beaches at atraksyon ang puwede mong puntahan sa Siargao gaya ng Guyam Island, Naked Island, Daku Island, Sugba Lagoon, at Magpupungko Rock Pools.

Where to stay in Siargao

  1. ZEN Rooms Eunas Siargao
    Price: From PHP 2000/night
  2. ZEN Rooms Garden Beach Siargao
    Price: From PHP 3000/night
  3. ZEN Rooms Basti Siargao
    Price: From PHP 1500/night

7. Bicol

aerial view of caramoan island in bicol

Isa pang katangi-tanging lugar na dapat mong mapuntahan sa Pilipinas ay ang Bicol. Dito mo matatagpuan ang tinaguriang perfect cone-shaped na Mayon Volcano. Kung gusto mong mag-beach, pumunta ka sa Caramoan Island at Calaguas Island.

‘Yun nga lang, inaabot nang mahigit 12 oras ang biyahe mula Maynila. Pero trust us, the long drive is so worth it! May flights ding available papuntang Bicol. Inaabot lang ito nang mahigiti isang oras na biyahe mula Maynila.

Where to stay in Bicol

ZEN Rooms Elkanville Hotel

Price: From PHP 3400/night

8. Zambales

mt. pinatubo crater lake

Just 4 hours away from Manila, mararating mo na ang Zambales. Perfect destination ito para sa mga quick getaways ng barakada o pamilya. Puwede kang mag-island hopping, surfing at camping dito. Ilan sa magagandang lugar sa Zambales ay ang Anawangin Cove, Nagsasa Cove, Capones Island, Liwliwa Beach, at siyempre, ang Mt. Pinatubo Crater Lake.

9. Bohol

chocolate hills in bicol

Mula sa naggagandahang white beaches sa Panglao hanggang sa stunning Chocolate Hills, maraming maipagmamalaki ang Bohol. Ilan pa sa magagandang lugar na puwede mong puntahan sa Bohol ay Hinagdanan Cave, Loboc River, Man-Made Forest, Danao Adventure Park , at Baclayon Church.

Where to stay in Bohol

  1. ZEN Rooms Vest Grand Suites Bohol
    Price: From PHP 1,000/night
  2. ZEN Rooms Greenfields Inn Bohol
    Price: From PHP P1100/night
  3. ZEN Rooms Hidden Coral Panglao
    Price: From PHP 2,300/night

10. Vigan

horse carriage at calle crisologo in vigan

Isa sa mga pinakamakasaysayang lugar sa pilipinas ay ang Vigan dahil dito naganap ang isa mga bloodiest wars in Philippine history—the revolt by Diego and Gabriela Silang against the Spaniards. Isa rin ang Vigan sa mga UNESCO World Heritage Site sa bansa. Tinagurian din ang Vigan bilang isa mga best-preserved Spanish Colonial Town sa mundo.

Where to stay in Vigan

  1. ZEN Rooms Casa Marita Vigan
    Price: From PHP 1700/night
  2. ZEN Rooms Calle Crisologo Vigan
    Price: From PHP 2500/night
  3. ZEN Rooms Basic Metro Vigan Inn
    Price: From PHP 599/night

Frequently Asked Questions About Magagandang Lugar sa Pilipinas

Q: Ano ang pinakamagandang lugar sa Pilipinas? 

A: Sa dami ng magagandang lugar sa Pilipinas, mahirap sabihin kung ano ang nangunguna. Pero narito ang listahan ng ilan sa magagandang lugar sa bansa:

  1. Palawan
  2. Batanes
  3. Boracay
  4. Cebu
  5. Ifugao 
  6. Siargao
  7. Bicol
  8. Zambales
  9. Bohol
  10. Vigan

Q: Saan magandang pumunta sa Pilipinas kapag summer?

A: Magandang pumunta sa Pilipinas tuwing summer sa:

  1. Baguio
  2. Tagaytay
  3. Boracay
  4. Cebu
  5. Palawan
  6. Siargao 
  7. Batangas 

Q: Saan kilala ang Pilipinas?

A: Kilala ang Pilipinas sa maraming bagay gaya ng magagandang dagat, masayang nightlife, at masasarap ng pagkaing Pilipino.

Q: Ano-ano ang masasarap na pagkain sa Pilipinas?

A: Narito ang ilang masasarap na pagkain sa Pilipinas na dapat mong matikman:

  1. Adobo
  2. Sinigang
  3. Sisig
  4. Bulalo
  5. Lechon
  6. Taho
  7. Puto bumbong
  8. Sorbetes 

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.

Leave a comment