12 Magagandang Tanawin sa Pilipinas na Dapat Mong Mapuntahan

Sa mahigit 7,100 isla sa Pilipinas, tiyak na mapupukaw ng Perlas ng Silanganan ang iyong pansin. Mula sa mga naggagandahang beaches, makapigil hiningang views, malilinaw na tubig sa lagoons, talagang mabibighani ka sa dami ng magagandang tanawin sa Pilipinas.
Sa katunayan nga, ilang beses ng napapangalanan ang Pilipinas bilang Best Island in the World ng mga international travel magazines! Kaya naman hindi na kataka-taka kung bakit maraming banyaga ang gustong bumisita sa Pilipinas.

12 Pinakamagandang Mga Lugar at Tanawin sa Pilipinas
Narito ang listahan ng mga magagandang tanawin sa Pilipinas with description mula hilaga hanggang timog ng bansa:
- Banaue Rice Terraces – Isa sa pinakamagandang UNESCO World Heritage Site sa bansa.
- Tayid Lighthouse – Mayroon itong hexagonal tower deck na kakaiba sa mga ordinaryong lighthouse sa probinsya.
- Kayangan Lake – Malinaw at malamig ang tubig dito at may matataas na limestone formations.
- Puerto Princesa Underground River – Ayon sa UNESCO, it encompasses one of the world’s most impressive cave systems.
- Mayon Volcano – Perfect cone ang hugis at pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas.
- Mt. Pinatubo – Isa sa pinakasikat na tourist destination sa Luzon.
- Taal Volcano – Maliit pero mabagsik dahil ito ay isa sa mga pinakaaktibong bulkan sa bansa.
- Boracay – Pinakaskita na beach destination sa Pilipinas dahil sa pino at puting buhangin.
- Bantayan Island – Tahimik at hindi matao sa lugar na ito.
- Sugba Lagoon – Isa sa pinakamagandang diving sites sa bansa.
- Maria Cristina Falls – Bukod sa pagiging touirst attraction, dito rin kinukuha ang 70% ng kuryente ng Mindanao.
- Hinatuan Enchanted River – Nangniningning na kulay asul at singlinaw ng mineral ang tubig dito.
Tuklasin mo ang ganda ng Pilipinas sa tulong ng travel blog na ito kung saan inilista namin ang magagandang tanawin sa Pilipinas with pictures.
1. Banaue Rice Terraces

Pinaniniwalaang ginawa ilang libong taon na ang nakalilipas, hindi pa rin kumukupas ang ganda ng Hagdan-Hagdang Palayan o Banaue Rice Terraces sa probinsiya ng Ifugao. Kabilang ito sa UNESCO World Heritage Sites ng Pilipinas. Malamig ang klima rito kaya kung bibisita ka, siguraduhin mong may dala kang jacket.
Dahil located ito sa mataas na bahagi ng bansa, medyo challenging ang pagpunta rito. Kailangan mong mag-hike ng ilang oras para marating ang Hagdan-Hagdang Palayan. At kapag nandoon ka na, lahat ng pagod mo ay mapapawi dahil sa ganda ng view. Kaya ‘wag mong papalagpasin ang Banaue Rice Terraces dahil ito ay isang magandang tanawin sa Luzon.
Must-read: Banaue Rice Terraces: The Magnificent Man-Made Cultural Heritage
2. Tayid Lighthouse

Isa pa sa mga magagandang tanawin sa Luzon ay ang Tayid Lighthouse sa Batanes. Sa lahat ng lighthouse sa Batanes, ito ang pinakamaganda! Mayroon itong hexagonal tower deck na kakaiba sa mga ordinaryong lighthouse sa probinsya. Kapag nandoon ka na, mapapanganga ka na lang sa ganda ng view dahil kitang-kita mo ang Pacific Ocean, Mt. Iraya at Diura Fishing Village!
3. Kayangan Lake

Dubbed as the “cleanest lake in the Philippines” and one of the cleanest in Asia, ‘di ka bibiguin ng Kayangan Lake sa Coron, Palawan! Malinaw at malamig ang tubig, matataas na limestone formations—ilan lamang ito sa mga dahilan para bisitahin mo ang Kayangan Lake.
Kung gusto mong makita ang buong lugar from above, kailangan mong umakyat nang 300 steps para makarating sa hill kung saan makikita mo ang picture-perfect view.
Para sa iba pang magagandang lugar na puwedeng puntahan sa Coron, basahin mo ang blog na ito.
4. Puerto Princesa Underground River

Dahil sa natural na ganda at spectacular limestone karst landscapes, nailathala ang Puerto Princesa Underground River bilang UNESCO World Heritage Site. Ayon sa UNESCO, it encompasses one of the world’s most impressive cave systems.
Bukod sa pagiging UNESCO World Heritage Site, kabilang din ito sa 7 Wonders of Nature. Dahil isa ito sa mga magagandang tanawin sa Luzon, madalas nagkakaubusan ng ticket papunta rito kaya siguraduhin mong may ticket ka na bago pumunta rito.
Where to stay in Puerto Princesa City, Palawan
- ZEN Rooms Jilian Tourist Inn Palawan
Address: San Pedro, Palawan
Price from PHP 1150/night
Book now - ZEN Rooms Malvar Road
Address: Malvar Street, Barangay Mandaragat, Palawan
Price from PHP 1400/night
Book now - ZEN Rooms B.M. Road
Address: B.M. Rd, Palawan
Price from PHP 1500/night
Book now
5. Mayon Volcano

A stunner and a killer—ganito karaniwang inilalarawan ang Mayon Volcano sa Albay. Ito ang pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas. May perfect cone shape ang Mayon kaya gustung-gusto itong puntahan ng mga turista. Marami ring historical tourist spots na malapit sa Mayon kaya one-stop-shop na ito. Kaya kung gusto mong masulit ang iyong 12 oras na biyahe, puntahan mo ang Mayon dahil isa ito mga magagandang tanawin sa Luzon.
Where to stay in Albay
- Mayon View Garden Apartelle
Address: Narra Drive, Pagasa Rawis Bicol, 4500, Legazpi City
Price from PHP 1400/night
Book now - ZEN Rooms Thirdys Hostel Legazpi
Address: 2313 Juan Estevez St., Guevarra Subd., Old Albay, Legazpi City
Price from PHP 1000/night
Book now - The Apple Peach House
Address: Corner Rosario and, Marquez Street, Old Albay District, Legazpi City
Price from PHP 3000/night
Book now
6. Mt. Pinatubo

Kung “KathNiel” fan ka at napanood mo na ang pelikulang “Crazy Beautiful You,” for sure alam mo kung ano ‘yung tinawag doon na beautiful disaster. Sikat na tourist destination sa Luzon ang Mt. Pinatubo. Maaari mo itong marating mula sa Pampanga o Zambales. Para mapuntahan mo crater lake, kailangan mong sumakay sa 4×4 or ATV! Saya ‘no?
Bukod dito, puwede mo pang makasalamuha ang tribo ng mga Aeta na nakatira sa lugar. Doon puwede kang turuan ng mga kaugalian at kultura nila.
7. Taal Volcano

Maliit pero mabagsik ang Taal Volcano. Isa rin ito sa mga pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas. Madalas itong pinupuntahan ng mga turista na bumibisita sa Tagaytay. Maganda ang tanawin sa lugar. Puwede ka ring sumakay sa kabayo papunta sa crater lake o kaya ay ATV.
Kung sapat na sa’yo ang malayuang view, puwede ka lang mag-book sa mga hotel o kumain sa mga restaurant kung saan kitang-kita ang Taal Volcano.
Suggested read: 12 Tagaytay Tourist Spots Perfect for De-Stressing
Where to stay in Tagaytay
- Rachel’s Bed and Breakfast
Address: Purok 2, Pasong Langka, Tagaytay
Price from PHP 830/night
Book now - ZEN Rooms Titus Poison Garden
Address: Luksuhin-Sulsugin Rd, Tagaytay
Price from PHP 1600/night
Book now - Casamara Garden Tagaytay
Address: Pag-Ibig St., Tagaytay
Price from PHP 1100/night
Book now
8. Boracay

Siyempre hindi mawawala sa ating listahan ng mga magagandang tanawin sa Pilipinas ang isla ng Boracay. Isa ito sa mga pinakasikat na tourist spot sa bansa. Maraming turista, Pinoy at banyaga, ang dumarayo sa Boracay dahil sa ganda nito. Maputi at pinong-pino ang buhangin at kumikintab na kulay asula ang tubig. Bukod dito, masaya rin ang water activities at nightlife sa isla!
Must-read: Boracay Tips: Everything You Need to Know Before Traveling to Boracay
Where to stay in Boracay
- ZEN Rooms Basic Matt Guesthouse Boracay
Address: 0158 Cagban, Manoc-Manoc, Malay, Aklan, Manoc-manoc, 5608 Boracay
Price from PHP 1500/night
Book now - ZEN Rooms Station 1 Beachside
Address: Station 1, Balabag Boracay Island, Malay, Boracay Island,
Price from PHP 1600/night
Book now - ZEN Rooms Bamboo Beach Station 3
Address: White Beach front, Boracay
Price from PHP 1600/night
Book now
9. Bantayan Island

Kung naghahandap ka ng magagandang tanawin sa Visayas na puwedeng puntahan, aba du’n ka na sa Bantayan Island sa Cebu! Napakaganda ng paligid, maputing buhangin, malinaw na tubig at nagbibigay ng hinahanap-hanap mong relaxation. Mura rin ang mga pagkain dito kung saan puwede kang mag eat-all-you can ng seafood sa halagang PHP 299 lang!
Where to stay in Bantayan Island
Arjaymay Apartelle
Address: Pooc Santa Fe Bantayan Island, Cebu City
Price from PHP 1200/night
10. Sugba Lagoon

Sa dinami-rami ng mga magagandang tanawin na matatagpuan sa Mindanao, isa sa mga pinakasikat ang Sugba Lagoon sa Siargao. Kilala itong diving spot sa Siargao. Kung may fear of heights ka, don’t worry, mae-enjo mo pa rin ang Sugba Lagoon dahil pwede ka nalang mag-kayak o swimming sa lugar.
Suggested read: Siargao Travel Guide: What Every First-Timer Should Know Before Going to Siargao
Where to stay in Siargao
- ZEN Rooms LH Bri Lodge Siargao
Address: Tourism Road Brgy 2. General Luna, Siargao Island
Price from PHP 1200/night
Book now - ZEN Rooms Biantoni Resort Siargao
Address: Barangay Malinao, General Luna, Siargao Island
Price from PHP 1500/night
Book now - ZEN Rooms Basti Siargao
Address: Poblacion 5, General Luna, Siargao Island
Price from PHP 1500/night
Book now
11. Maria Cristina Falls

Isa sa mga magagandang tanawin na matatagpuan sa Mindanao ay ang Maria Cristina Falls sa Iligan City, Lanao del Norte. Hindi lang ito magandang tingnan pero malaki rin ang silbi nito sa mga mamamayan. May taas na 320 feet, ang Maria Cristina Falls ay may malalakas na currents that has been estimated to have a capacity of around 200 megawatts. 70% ng kuryente sa Mindanao ay nagmumula rito.
Related article: Maria Cristina Falls: A Tale of Love, Beauty and Power
12. Hinatuan Enchanted River

Enchanted ba kamo? Present d’yan ang Hinatuan Enchanted River sa Surigao del Sur. Nangniningning na kulay asul at singlinaw ng mineral ang tubig dito.
Where to stay in Surigao del Sur
Arena Blanca Resort
Address: Britania, San Agustin, Surigao del Sur
Price from PHP 2800/night
Frequently Asked Questions About Magagandang Tanawin sa Pilipinas
Q: Ano ang mga magagandang tanawin sa Pilipinas?
A: Sa dinami-rami ng magagandang tanawin sa Pilipinas, hindi ka mauubusan ng mapupuntahan. Narito ang ilan sa pinakamagandang lugar sa bansa:
- Banaue Rice Terraces
- Tayid Lighthouse
- Kayangan Lake
- Puerto Princesa Underground River
- Mayon Volcano
- Mt. Pinatubo
- Taal Volcano
- Boracay
- Bantayan Island
- Maria Cristina Falls
- Hinatuan Enchanted River
- Sugba Lagoon
Q: Saan ang matatagpuan ang pinakamagandang tanawin sa Luzon?
A: Maraming magagandang tanawin sa Luzon. Ilan sa mga ito ay:
- Batanes
- Palawan
- Ifugao
- Baguio
- Batangas
- Tagaytay
- Rizal
- Pampanga
- Zambales
- Laguna
Q: Saan kilala ang Pilipinas?
A: Maraming bagay kilala ang Pilipinas mula sa magagadang beaches, masasayang festivals, at masasarap na pagkain.
Q: Ilan ang probinsiya sa Pilipinas?
A: Ang Pilipinas ay may kabuuang 81 probinsiya mula hilaga hanggang timog.
Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.
Thank you for sharing excellent informations. Your web site is so cool. I am impressed by the details that you’ve on this site. It reveals how nicely you perceive this subject. Bookmarked this web page, will come back for extra articles. You, my friend, ROCK! I found simply the information I already searched all over the place and just could not come across. What a perfect web-site.