13 Makasaysayang Lugar sa Pilipinas na Dapat Mong Mapuntahan

intramuros makasaysayang lugar sa pilipinas
Spread the love ❤️

Kilala ang Pilipinas sa maraming bagay―magagandang tanawin, pino at nagpuputiang buhangin ng mga sikat na beach, masasarap na pagkain at mga makasaysayang lugar sa Pilipinas kung saan makikita pa rin ang bakas ng nakaraan.

Ang mga lugar na ito ang nagsisilbing tulay ng henerasyon ngayon sa panahon noon.

Mga Makasaysayang Lugar sa Pilipinas na Dapat Mong Mabisita

Para sa mga mahilig sa kasaysayan, tiyak na maraming mapupuntahang makasaysayang pook sa Luzon Visayas at Mindanao. Narito ang mga lugar sa Pilipinas na katangi-tangi at makasaysayan:

  1. Aguinaldo Shrine
  2. Bagumbayan
  3. Fort Santiago
  4. Intramuros
  5. Dapitan, Zamboanga del Norte
  6. EDSA Shrine
  7. Leyte Landing Memorial Park
  8. Biak na Bato
  9. Barasoain Church
  10. Mactan Shrine
  11. Corregidor Island
  12. Calle Crisologo
  13. Limasawa, Southern Leyte

1. Aguinaldo Shrine

aguinaldo shrine makasaysayang lugar sa pilipinas

Photo source: Wikimedia Commons

Nakatayo ito sa Kawit, Cavite at nagsilbing tahanan ng unang pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo. Makasaysayan ang Aguinaldo Shrine dahil dito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas taong 1898 tanda ng ating kasarinlan.

2. Bagumbayan

luneta park manila

Ngayo’y tinatawag na Luneta Park, isa sa makasaysayang lugar sa Pilipinas ang Bagumbuyan. Dito kasi binaril ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal matapos siyang mag-aklas sa pamamagitan ng propaganda laban sa mga Espanyol.

3. Fort Santiago

fort santiago intramuros

Itinayo ang Fort Santiago taong 1590 at itinuturing bilang isa sa mga makasaysayang lugar sa Luzon. Nagsilbi itong kulungan noong panahon ng mga Kastila. Bago barilin si Dr. Jose Rizal sa Bagumbayan, ikinulong muna siya sa Fort Santiago sa Intramuros na ngayo’y isa nang sikat na atraksiyon sa lugar dahil sa kasaysayan nito. 

4. Intramuros 

intramuros makasaysayang lugar sa pilipinas

Isa ang Maynila sa mga may malagim at makasaysayang nakaraan dahil tinupok ng World War II ang maraming gusali sa siyudad. Ang Intramuros, tinaguriang “The Walled City” ang makasaysayang pook sa Luzon na talagang hinagupit ng giyera. Pero maraming bahagi nito ang napreserba kaya naman ngayo’y madalas itong pasyalan ng mga turista mapa-Pilipino o banyaga.

Bashin mo: A Guide to Intramuros Tour: 10 Places That Will Let You Travel Back in Time

5. Dapitan, Zamboanga del Norte

rizal shrine dapitan zamboanga

Photo source: Wikimedia Commons

Para pigilan ang lumalakas na paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol bunsod ng propaganda ni Rizal, ipinatapon nila ang bayani sa lungsod ng Dapitan sa Zamboanga del Norte kaya hindi kataka-takang isa ang Dapitan sa mga makasaysayang lugar sa Mindanao.

Dito nagamit ni Rizal ang husay sa panggagamot, nagpatayo siya ng paaralan, ospital at tinuruan niya ang mga magsasaka sa Dapitan. 

6. EDSA Shrine

edsa shrine manila

Photo source: Wikimedia Commons

Isa pa sa makasaysayang lugar sa Luzon ay ang EDSA Shrine kung saan naganap ang pag-aaklas ng mga Pilipino taong 1986 laban sa diktador na si Ferdinand Marcos para matapos na ang idineklara niyang Batas Militar (Martial Law). 

Dahil sa EDSA People Power Revolution, nakalaya ang Pilipinas sa kamay ng diktador. 

7. Leyte Landing Memorial Park

macarthur Leyte Landing Memorial Park

Photo source: Wikimedia Commons

Itinuturing din na makasaysayang lugar sa Pilipinas ang Leyte Landing Memorial Park dahil dito naganap ang makasayasayang pagdating ni Gen. Douglas MacArthur at iba pang tropang Amerikano para palayain ang mga Pilipino sa kamay ng mga Hapon. 

8. Biak na Bato

biak na bato

Photo source: Wikimedia Commons

Isa pa sa mga mga makasaysayang pook sa Luzon ay ang Biak na Bato sa San Miguel, Bulacan. Dito lihim na nagsama-sama ang mga katipunero sa pamumuno ni Gen. Emillio Aguinaldo upang makalaya ang Pilipinas sa pamumuno ng mga Espanyol.

9. Barasoain Church

Barasoain Church makasaysayang lugar sa pilipinas

Photo source: Wikimedia Commons

Hindi lang basta simbahan ang Barasoain Church kundi isa rin ito sa mga makasaysayang lugar sa Pilipinas dahil dito itinatag ang Unang Kongreso ng Pilipinas (First Philippine Congress) o kilala rin bilang Malolos Congress na pinangunahan ni Don Pedro A. Paterno. Dito rin binuo ang Saligang Batas ng Malolos noong September 29, 1898-January 21, 1899

10. Mactan Shrine

Mactan Shrine cebu

Photo credits to Gary Todd via Flickr

Itinatag bilang paggunita sa unang bayani ng Cebu na si Datu Lapu-Lapu, ang Mactan Shrine ay itinuturing na isa sa mga makasaysayang lugar sa Pilipinas. Dito kasi naganap ang makasaysayang Battle of Mactan kung saan natalo ni Lapu-Lapu si Ferdinand Magellan noong 1521.

11. Corregidor Island

Corregidor Island makasaysayang lugar sa pilipinas

Photo credits to cisc1970 via Flickr

Saksi ang Corregidor Island sa kagitingan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na nagsanib-puwersa laban sa hukbo ng mga Hapon noong World War II. Ilang oras lang ang layo nito sa Maynila. Bagamat maraming lugar na sa Pilipinas ang nasakop ng mga Hapon, iniwasan nila ang Corregidor Island dahil sa takot nila sa naglalakihang canyon sa lugar na inilagay ng mga Amerikano.

vigan

Bukod sa Intramuros, Vigan ang isa pang makasaysayang pook sa Luzon kung saan makikita pa rin ang ganda ng mga preserved Spanish colonial towns na para bang gusto tayong mag-travel back in time. Calle Crisologo ang pinakasikat na lugar sa Vigan dahil sa naggagandanhang lumang bahay at cobblestoned streets. 

13. Limasawa, Southern Leyte

Makasaysayang lugar sa Pilipinas ang bayan ng Limasawa sa Southern Leyte dahil dito naganap ang kauna-unahang dokumentadong misang Katoliko sa Pilipinas noon March 31, 1521. Pinagunahan ito ni Father Pedro de Valderrama.

Kung maisipan mong mag-staycation sa mga nasabing lugar sa taas matapos mong lakbayin ang makasaysayang lugar sa Pilipinas, mag-book ka ng mura at magandang hotels sa www.zenrooms.com

Frequently Asked Questions About Mga Makasaysayang Lugar sa Pilipinas

Q: Ano-ano ang mga makasaysayang lugar sa Pilipinas? 

A: Para sa mga mahilig sa kasaysayan, tiyak na maraming mapupuntahang makasaysayang pook sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Narito ang mga lugar sa Pilipinas na katangi-tangi at makasaysayan:

  1. Aguinaldo Shrine
  2. Bagumbayan
  3. Fort Santiago
  4. Intramuros
  5. Dapitan, Zamboanga
  6. EDSA Shrine
  7. Leyte Landing Memorial Park
  8. Limasawa, Southern Leyte
  9. Biak na Bato
  10. Barasoain Church
  11. Mactan Shrine
  12. Corregidor Island
  13. Calle Crisologo

Q: Saan matatagpuan ang Bagumbayan?

A: Matatagpuan ang Bagumbayan sa Maynila. Dito binaril ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal.

Q: Saan ikinulong si Dr. Jose Rizal?

A: Bago barilin si Dr. Jose Rizal sa Bagumbayan, ikinulong muna siya sa Fort Santiago sa Intramuros na ngayo’y isa nang sikat na atraksiyon sa lugar dahil sa kasaysayan nito. 

Q: Puwede na bang mag-travel sa Pilipinas? 

A: Pinapayagan na ulit ang pagta-travel sa ilang lugar sa Pilipinas. Pero tiyakin mo munang mag-research bago mag-book ng hotel o bumiyahe. Para sa karagdagang impormasyon, basahin mo itong latest Philippine travel updates

Q: Kailangan pa ba ng travel pass sa Pilipinas? 

A: Nakadepende sa lugar na iyong pupuntahan kung kailangan mo pang magbigay ng travel pass. Siguraduhin mong itanong sa LGU o tingnan ang social media accounts at websites ng mga lugar na iyong pupuntahan.

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.

Leave a comment