Gabay sa Araling Panlipunan: Mga Bansa sa Asya

Bangladesh mga bansa sa asya

Isa ang Asya sa pitong kontinente sa mundo (Asya, Africa, Hilagang Amerika, Timog Amerika, Antarctica, Europa, at Australia)  at ito ang pinakamalaki sa lahat. Mahigit 40 na mga bansa sa Asya ang nasasakupan ng kontinenteng ito.

Mga Rehiyon sa Asya

Ayon sa National Geographic, 60% ng kabuuang populasyon ng daigdig ay naninirahan sa Asya. Ang mga rehiyon sa Asya ay nahahati sa anim na rehiyon: Hilagang Asya, Silangang Asya, Timog Asya, Timog Silangang Asya, Kanlurang Asya, at Gitnang Asya.

What’s inside this blog?

Alamin ang iba’t ibang mga rehiyon sa Asya at mga bansa nito sa tulong ng isinulat naming blog. Kaya kung nananaliksik ka tungkol sa bansa sa Silangang Asya, bansa sa Kanlurang Asya, bansa sa Hilagang Asya, huwag kang mag-alala dahil sagot namin ‘yan!

Mga Bansa sa Silangang Asya

Ang Silangang Asya ay isa sa mga rehiyon sa Asya na may pinakamaunlad na bansa. Tuklasin ang mga bansa sa Silangang Asya rito:

China

china mga bansa sa asya

Photo credits to Colin Capelle via Flickr

Sa lahat ng mga bansa sa Asya, China ang may pinakamalaking sukat ng lupa sa rehiyon ng Silangang Asya. Ito rin ang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo.

Kabisera: Beijing

Atraksiyon: Great Wall of China

China, Hong Kong SAR

hong kong mga bansa sa asya

Photo source: Wikimedia Commons

Sa loob ng 150 taon, ang Hong Kong ay naging teritoryo ng United Kingdom at taong 1997 ay nabawi ng China ang Hong Kong mula sa kamay ng Britanya. Dito ay nangako ang China na ang Hong Kong ay magkakaroon ng awtonomiya sa pagdedesisyon sa bansa sa ilalim ng “one country, two systems” formula, maliban na lang sa foreign and defense affairs, sa susunod na 50 taon (at least until 2047). Isa ang Hong Kong sa mga bansa sa Silangang Asya na patok sa mga turista.

Kabisera: Hong Kong

Atraksiyon: Victoria Peak

China, Macao SAR

macau mga bansa sa asya

Photo source: Wikimedia Commons

Noong 16th century ay nasakop ng mga Portuguese ang Macau, at sa isang kasunduan ng China at Portugal noong 1987 ay nakalaya na ang Macau. Gaya ng Hong Kong, ang Macau ay nakasailalim sa “one country, two systems” formula ng China, kung saan mayroon din silang  awtonomiya sa pagdedesisyon sa bansa maliban na lang sa foreign and defense affairs.

Kabisera: Macao City

Atraksiyon: Senado Square

Japan

japan mga bansa sa asya

Photo credits to Coralie Mercier via Flickr

Kilala bilang “The Land of Rising Sun,” isa ang Japan sa pinakasikat at maunlad na bansa sa mundo. Mula sa mga destinasyon at aktibidad hanggang sa masasarap na pagkain, patok na patok ang Japan. Ang Japan ay isa rin sa pinakasikat na bansa sa Silangang Asya na paboritong puntahan ng mga turista.

Kabisera: Tokyo

Atraksiyon: Hitsujiyama Park

Korea (North)

north korea mga bansa sa asya

Image by Alex_Berlin from Pixabay 

Ang North Korea, tinagurian bilang Hermit Kingdom, ay isa sa mga kontrobersiyal na bansa sa Silangang Asya at sa mundo dahil sa kultura at sistema ng gobyerno roon. Larawan ang Pyongyang ng siyudad na maykaya pero sinasabing napag-iwanan na ito ng modernasyon dahil limitado ang komunikasyon at teknolohiya roon pero ang simpleng pamumuhay ay ikinatuwa ng ibang mga nakatira sa North Korea.

Kabisera: Pyongyang

Atraksiyon: Kaeson Youth Park

Korea (South)

south korea mga bansa sa asya

Photo credits to The Girl Behind the Pen

Ang South Korea naman ay ibang-iba sa North Korea—puno ng makabagong teknolohiya, nakasunod sa uso, at malaya ang komunikasyon. Sikat na travel destination ang South Korea dahil sa ganda ng mga atraksiyon doon. Siyempre, nakatulong na rin sa pag-usbong ng turismo roon ang pagsikat ng mga K-Pop at K-Dramas.

Kabisera: Seoul

Atraksiyon: Nami Island

Mongolia

mongolia mga bansa sa asya

Photo source: libreshot

Isa ang Mongolia sa may pinakamaliit na populasyon sa daigdig. Itong bansa sa Silangang Asya ay tinaguriang the “Land of the Eternal Blue Sky” at the “Land of the Horse”.

Kabisera: Ulaanbaatar

Atraksiyon: Altai Tavan Bogd National Park

Taiwan

Taiwan mga bansa sa asya

Photo source: Wikimedia Commons

Isa pa sa mga bansa sa Silangang Asya na sikat sa mga turista ay ang Taiwan. Maliit ito pero mabagsik ang karisma dahil sa dami ng magagandang pasyalan doon at masasarap na pagkain, lalo na ang milk tea!

Kabisera: Taipei

Atraksiyon: Taipei 101

Mga Bansa sa Kanlurang Asya

Advertisements

Narito naman ang mga bansa sa Kanlurang Asya. Alamin ang kuwento at mga atraksiyon sa mga mga bansa sa Kanlurang Asya na aming inilista.

Armenia

Armenia mga bansa sa asya

Photo source: Wikimedia Commons

Una sa ating listahan ng mga bansa sa Kanlurang Asya ay ang Armenia. Hitik sa magagandang pasyalan at makasaysayang destinasyon ang Armenia. At hindi lang ‘yun, dahil mayaman din ang kanilang kultura. Sila ang kauna-unahang estado na ginawang Kristiyano ang official state religion.

Kabisera: Yerevan

Atraksiyon: Upper Azat Valley

Bahrain

Bahrain mga bansa sa asya

Photo source: Wikimedia Commons

Kilala ang Bahrain na isang bansa sa Kanlurang Asya na may subtropical climate,disyerto, date palms, at camels. Ang pinaka highlight ng kanilang turismo ay ang mahigit 400 taon na Tree of Life (Prosopis cineraria), at ang Mountain of Smoke (Jabal al Dukhan), ang pinakamataas na bundok sa bansa.

Kabisera: Manama

Atraksiyon: Sitra

Iran

Persepolis iran mga bansa sa asya

Photo source: Wikimedia Commons

Dating kilala bilang Persia, ang Iran ay maraming maipagmamalaking likas na yaman na patok sa mga turista. Mula sa mga magaganda at makasaysayang pasyalan hanggang sa masasayang aktibidad, hindi ka magsisisi sa pagbisita sa Iran.

Kabisera: Tehran

Atraksiyon: Persepolis

Iraq

Hatra iraq mga bansa sa asya

Photo source: Wikimedia Commons

Ang Iraq ay bansa sa Kanlurang Asya na kilala sa madugong digmaan dahil sa hindi pagkakasundo sa politika. Pero sa kabila ng masalimuot na pagkakakilanlan, may mga magagandang bagay ring ipinagmamalaki ang Iraq gaya ng mga kakaiba at makasaysayang pasyalan na dapat mong mapuntahan.

Kabisera: Baghdad

Atraksiyon: Hatra

Israel

Jerusalem israel mga bansa sa asya

Photo source: Wikimedia Commons

Tinaguriang Holy Land, ang Israel ay bansa sa Kanlurang Asya na sikat na pilgrimage site. Dito kasi matatagpuan ang mga lugar na nabanggit sa bibliya, kung saan namuhay si Hesukristo.

Kabisera: Jerusalem

Atraksiyon: Church of the Holy Sepulchre

Jordan

jordan mga bansa sa asya

Photo source: Wikimedia Commons

Kung nagtatanong ka kung ano ang mga bansa sa Kanlurang Asya na magandang puntahan, subukan mo ang Jordan. Dito ay mamamangha ka sa dami ng UNESCO World Heritage Sites na hindi lang maganda sa panlabas kundi maganda rin ang kasaysayan.

Kabisera: Amman

Atraksiyon: Petra

Qatar

qatar mga bansa sa asya

Photo source: Wikimedia Commons

Ang bansang Qatar ay hindi lang mayaman pang pinansiyal kundi mayaman din ito sa magagandang atraksiyon at kultura na hindi dapat palagpasin ng bawat biyahero.  

Kabisera: Doha

Atraksiyon: Katara Mosque

Saudi Arabia

Saudi Arabia mga bansa sa asya

Photo credits to Richard Mortel via Flickr

Kapag sinabing Saudi, ito ang bansa sa Kanlurang Asya na sikat dahil sa langis. As of writing, sila kasi ang ikalawa sa mga bansang largest producer ng langis. Pero bukdo dito, marami pang dapat tuklasin sa Saudi Arabia gaya ng magagandang pasyalan at tikman ang masasarap na putahe nila.

Kabisera: Riyadh

Atraksiyon: The ruins of Al Ula

Turkey

Cappadocia turkey asia

Photo credits to Teo Romera via Flickr

Ancient monuments, makukulay na pasyalan, hot air balloons, at masasarap na pagkain—ilan lamang ito sa mga bagay na ipinagmamalaki ng Turkey. 

Kabisera: Ankara

Atraksiyon: Cappadocia

United Arab Emirates

United Arab Emirates dubai

Photo credits to Sam valadi via Flickr

Isa ang United Arab Emirates sa mga bansa sa Asya na tanyag. Mayaman ang bansang ito sa halos lahat ng aspeto, lalo na pagdating sa langis, ginto, at mga sikat na pasyalan. 

Kabisera: Abu Dhabi

Atraksiyon: Burj Khalifa

Mga Bansa sa Timog Asya

Narito naman ang mga bansa sa Timog Asya. tuklasin ang iba’t ibang ipinagmamalaki ng mga bansa sa rehiyong ito.

Bangladesh

Bangladesh asia

Photo source: Wikimedia Commons

Isa sa mga bansa sa Timog Asya na may mayamang kultura ay ang Bangladesh. Ipinagmamalaki nila nag magagandang atraksiyon at mayamang tradisyon na hanggang ngayon ay ipinagpapatuloy pa rin. Mababait at welcoming din ang mga tao sa Bangladesh. 

Kabisera: Dhaka

Atraksiyon: Paharpur

Bhutan

bhutan asia

Photo source: Wikimedia Commons

Bagamat maganda at kaakit-akit, isa ang Bhutan sa mga bansa sa Asya na madalang bisitahin ng mga turista. Maganda ang paligid at mababait ang tao sa Bhutan, sa katunayan nga, ang mga taga-Bhutan daw ay isa sa mga pinakamabait na tao sa mundo. Sila ay may matibay na ancient Buddhist culture na nagpapakilala sa kanila sa mundo. Kaya kung naghahanap ka ng bansa sa Asya na payapa, puntahan mo ang Bhutan.

Kabisera: Thimphu

Atraksiyon: Taktsang Monastery

India

taj mahal india asia

Photo source: Wikimedia Commons

Isa ang India sa mga bansa sa Asya na patok din sa mga turista dahil sa angking ganda ng mga templo, mosque, at iba pang makasaysayang lugar. Patok din sa mga biyahero ang Indian food at ang mayamang kultura ng bansa.

Kabisera: New Delhi

Atraksiyon: Taj Mahal

Maldives

maldives asia

Photo source: Wikimedia Commons

Kung naghahanap kang honeymoon place or lugar for your significant other, Maldives ang magandang puntahan. Isa itong maliit na paraiso na napalilibutan ng lush vegetation at malinaw at kumikinang na turquoise blue waters!

Kabisera: Male

Atraksiyon: Male Atoll

Nepal

Mount Everest nepal asia

Photo source: Wikimedia Commons

Dito matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa daigdig, ang Mt. Everest. Bukod sa nagtataasang mga bundok ay kilala rin ang Nepal sa kanilang mayamang kultura.

Kabisera: Kathmandu

Atraksiyon: Mt. Everest

Pakistan

Hunza Valley pakistan asia

Photo source: Wikimedia Commons

Luntiang kapaligiran at turquoise blue na katubigan, ilan lamang ito sa mga ipinagmamalaki ng Pakistan. Iba’t iba ang kultura sa Pakistan dahil ito ay melting pot ng impluwensiya ng Indian, Persian, Afghan, Central Asian, South Asian at Western Asian. 

Kabisera: Islamabad

Atraksiyon: Hunza Valley

Sri Lanka

sri lanka girl in train

Maliit man ang bansang Sri Lanka, may malawak naman itong kasaysayan that dates back thousands of years. Ipinagmamalaki rin ng bansa sa Asya na Sri Lanka ang masaganang likas na yaman sa lugar gaya ng mga bundok, gubat, at karagatan. Marami ring mga templo roon na puwedeng bisitahin.

Kabisera: Colombo

Atraksiyon: Kandy

Mga Bansa sa Hilagang Asya

Kung nananaliksik ka tungkol sa mga bansa sa Hilagang Asya, basahin ito:

Russia

Saint Basil's Cathedral russia mga bansa sa asya

Photo source: Wikimedia Commons

Ang Russia ay isang bansa sa Hilagang Asya na itinuturing na isa sa pinkamakapangyarihang bansa sa mundo. Sikat na pasyalan sa Russia ang mga katedral at bundok. Isa sa pinakatanyag na sining sa Russia ay ang ballet. 

Kabisera: Moscow

Atraksiyon: Saint Basil’s Cathedral

Frequently Asked Questions About Mga Bansa sa Asya

Q: Ano-ano ang mga bansa sa Silangang Asya?

A: Narito ang ang mga bansa sa Silangang Asya:

  1. China
  2. China, Hong Kong SAR
  3. China, Macao SAR
  4. Japan
  5. Korea (North)
  6. Korea (South)
  7. Mongolia
  8. Taiwan

Q: Ano ang mga bansa sa Kanlurang Asya?

A: Narito ang listahan ng mga bansa sa Kanlurang Asya:

  1. Armenia
  2. Azerbaijan
  3. Bahrain
  4. Cyprus
  5. Georgia
  6. Iran
  7. Iraq
  8. Israel
  9. Jordan
  10. Kuwait
  11. Lebanon
  12. Oman
  13. Qatar
  14. Saudi Arabia
  15. State of Palestine
  16. Syria
  17. Turkey
  18. United Arab Emirates
  19. Yemen

Q: Ano-ano ang mga bansa sa Timog Asya?

A: Ang Timog Asya ay isa sa mga rehiyon sa Asya na may mayamang kultura. Narito ang listahan ng mga bansa sa Timog Asya.

  1. Bangladesh
  2. Bhutan
  3. India
  4. Maldives
  5. Nepal
  6. Pakistan
  7. Sri Lanka

Q: Ano-ano ang mga bansa sa Hilagang Asya?

A: Russia lang ang tanging bansa sa hilagang asya. Ito ang pinakamalaking bansa sa mundo base sa sukat ng lupa nito na 17,098,242 square kilometers.

Q: Ano-ano ang mga bansa sa Timog Silangang Asya?

A: Mula Brunei hanggang Vietnam, inilista namin ang lahat ng bansang matatagpuan sa Timog Silangang Asya:

  1. Brunei Darussalam
  2. Cambodia
  3. Indonesia
  4. Laos PDR
  5. Malaysia
  6. Myanmar (Burma)
  7. Philippines
  8. Singapore
  9. Thailand
  10. Timor-Leste (East Timor)
  11. Vietnam

Q: Ano-ano ang mga bansa sa Gitnang Asya?

A: Narito ang mga bansang kabilang sa kontinente ng Asya na bahagi ng rehiyong Gitnang Asya.

  1. Afghanistan
  2. Kazakhstan
  3. Kyrgyzstan
  4. Tajikistan
  5. Turkmenistan
  6. Uzbekistan

Q: Ano ano ang mga rehiyon sa Asya?

A: Ang mga rehiyon sa Asya ay may kabuuang bilang na anim. Ito ay ang:

  1. Hilagang Asya
  2. Silangang Asya
  3. Timog Asya
  4. Timog Silangang Asya
  5. Kanlurang Asya
  6. Gitnang Asya

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.

Advertisements