Mga Paraan Para Mapigilan ang Pagkalat ng Maling Balita

Mga Paraan Para Mapigilan ang Pagkalat ng Maling Balita
asian girl reading the news
Spread the love ❤️

Kasabay ng paglala ng nararanasang krisis ngayon dulot ng COVID-19 pandemic ay ang pagkalat ng mga maling impormasyon na maaaring magresulta ng hindi magagandang sitwasyon.

Maging ang World Health Organization (WHO) ay nababahala rito. Anila, hindi lang ang naturang virus ang kalaban ng mundo kundi pati na rin ang “infodemic” o ang labis na pagkalat ng mga tama at maling impormasyon. ‘Di gaya ng virus, mas mabilis pa nga raw kumalat ang “fake news” pero singpanganib daw ito ng kinatatakutang COVID-19. Dahil sa bawat impormasyong ibinabahagi sa telebisyon, radyo, dyaryo, at online ay buhay rin ang nakasalalay.

Kaya naman nananawagan kami sa lahat na bago mag-share o mag-repost ng impormasyon, maging mapanuri muna at tiyaking tama ang ibabahagi niyo. Para maiwasan ang pagkalat ng fake news, narito ang ilang paraang maaari ninyong gawin:

people with phones using social media

1. Siguraduhin ang kredibilidad ng pinagmulan ng impormasyon

Bago magbahagi ng balita, alamin muna kung saan nanggaling ang impormasyon. Ilan sa mapagkakatiwalaang sources ng mga balita ay mga anunsyo mula sa gobyerno, balita mula sa mga media network (TV, dyaryo, at online), at mga sangay gaya ng WHO. 

Kapag ang impormasyon ay galing sa isang website, mas mainam kung ang website ay nagtatapos sa .edu o .org.

2. Tiyaking tama ang impormasyong ipapasa

Sa panahon ngayon na maraming gumagamit ng social media, mas dapat pa tayong maging kritikal sa ating mga nababasa. Hindi lahat ng nakikita o nagba-viral online ay totoo. 

Bago mo ibahagi ang nabasa mo, siguraduhin mo munang tama ang impormasyon. Kung nakadududa ito, mag-research at magbasa ka pa ng ibang artikulong kahalintulad ng paksang nakita mo lalo na kung ito’y tungkol sa kalusugan gaya ng mga kumakalat na home remedy tips at health benefits ng naturang pagkain. 

Kapag kumalat ang maling impormasyon na ito, baka mapahamak ang taong makababasa nito lalo na kapag ginawa niya ang mga nabasa niya.

3. Huwag magpadala sa emosyon ng nabasa 

Likas sa atin ang pagiging emosyonal kaya naman kapag may isang artikulo, blog, o social media post na nakapukaw ng ating emosyon ay agad na natin itong paniniwalaan kahit misan ay fake news pala; hindi dahil mabilis lang tayo mapaniwala kundi dahil iyon ang gusto nating marinig na impormasyon sa mga panahon ng paghihirap. Karaniwan ito sa mga may paksang nakakapagbigay ng inspirasyon, good vibes, at mga umano’y benepisyo. 

Bagamat walang masama rito, mainam lang na siguraduhin munang tama ang ibabahagi niyong impormasyon.

4. Think before you click 

Isang magandang aksiyon para maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon ay ang pagsasagawa ng “think before you click” mentality. Bago ka mamahagi ng balita, pag-isipan mo munang mabuti kung ano ang mga magiging epekto nito sa nakararami; kung ano ang maganda at masamang dulot nito; kung mahalaga ba ito na malaman ng marami; at kung makatutulong ba ito sa sambayanan. 

Huwag agad-agad mag-share ng mga nababasa online. Maging responsable sa lahat ng oras.

5. Kapag nakabasa kang mali, itama mo

Kung mali ang nabasa mo, ikaw na mismo ang pumigil sa pagkalat nito. Kung alam mong walang kuwenta o mali ito, ‘wag mo nang ipamahagi para hindi na madagdagan ang mga taong makababasa nito. 

O kaya naman, puwede mo itong i-share pero sabihin mo sa iyong post na mali ang naturang impormasyon kaya hindi dapat maniwala ang mga tao rito, basta siguraduhin mo lang na may kredibilidad ang source mo.

Magbasa, magbasa at magbasa. Knowledge is power. Mas malawak na kaalaman, mas mas malawak na pag-uunawa. Ang giyera laban sa COVID-19 ay mapupuksa kung tayo ay makikipagtulungang sumunod sa tama. Walang mahirap at walang mayaman sa ganitong krisis. Bawat tao ay sundalo sa kasalukuyang laban. Kaya natin ‘to! 

 

 

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.

Related Posts

Leave a comment