8 Pagkain Tuwing Pasko That Will Make You Wish It’s Christmas Everyday

8 Pagkain Tuwing Pasko That Will Make You Wish It’s Christmas Everyday
pagkain tuwing pasko
Spread the love ❤️

Pagdating sa pagkain, always present ang mga Pinoy! Kaya naman hindi na kataka-taka na kapag ito na ang pinag-uusapan, lalo na’t pagkain tuwing pasko, Filipinos are very interested and engaged with the discussion.

Ngayong simula na ang -ber months, unti-unti na rin natin hahanap-hanapin ang mga pagkaing pasko na talaga namang nakatatakam. But what makes the food richer is the stories you share with the people you love while feasting. 

8 Pagkaing Pasko na Hindi Nawawala sa Noche Buena in the Philippines

No doubt na masarap ang mga pagkain tuwing pasko lalo na kung kasalo mo ang pamilya mo. narito ang ilan sa mga pinakainaabangang putahe tuwing holiday season:

  1. Bibingka
  2. Puto Bumbong
  3. Suman
  4. Hamon
  5. Queso de Bola
  6. Leche Flan
  7. Spaghetti
  8. Fruit Salad

Hindi kumpleto ang noche buena kung wala ang mga pagkaing pasko na nasa listahang ito. Basahin at isa-isa nating himayin ang bawat tradisyunal na Pinoy Christmas food.

1. Bibingka

photo of a bibingka being cooked as pagkain tuwing pasko

If you see bibingka everywhere, ibig sabihin Christmas season na talaga. A staple in the holidays, hindi kumpleto ang pasko kung walang bibingka. Paboritong agahan ‘to ng mga Pinoy pagkatapos ng simbang gabi. Gawa ito sa rice flour, coconut milk, eggs, sugar and baking powder.

2. Puto Bumbong

delicious puto bumbong pagkain tuwing pasko

Bukod sa bibingka, isa pa sa mga pinakabidang pagkain tuwing pasko ay ang puto bumbong. Kulay ng violet at gawa rin ito sa rice flour. Karaniwang toppings na inilalagay rito ay niyog, asukal, cheese, at margarine. Ang puto bumbong ay best-paired with hot tea, tamang-tama para sa malamig na panahon. Patok na patok ito sa mga nagsisimbang gabi. 

3. Suman

hundreds of suman being cooked pagkain tuwing pasko

Ito raw ang kauna-unahang kakanin at isa sa mga orihinal na pagkaing Pilipino. Hindi gaya ng ibang pagkain tuwing Pasko, madalas inihahanda ang suman sa mga kasiyahan sa kulturang Pilipino gaya ng Pasko, kasal, binyag, kaarawan at fiesta! Kapag iyong natikman, lalo na kung ipinartner sa latik o asukal, talagang babalik-balikan. Kaya hindi nakapagtatakang paborito rin itong meryenda ng mga Pilipino. 

4. Hamon

hamon pagkain tuwing pasko

Mahal pero minsan lang naman sa isang taon kung pagpiyestahan kaya i-expect mong may hamon sa lamesa ng mga Pinoy tuwing pasko. Sabi ng marami, hindi kumpleto ang Pasko kung walang hamon. Isa ito sa mga pinakamasarap na pagkain tuwing Pasko. 

5. Queso de Bola

keso de bola pagkain tuwing pasko

Cheddar cheese, parmesan, mozzarella… lahat ng ito ay walang dudang masarap. Pero tuwing pasko, ang bida sa lahat ng keso ay walang iba kundi queso de bola. Binabalutan ito ng food grade wax to help in the aging process of the cheese. Pinanainiwalaang nakapagdadala ng suwerte ang queso de bola dahil sa kulay at hugis nito. 

6. Leche Flan

leche flan

Creamy, sweet, and melts in your mouth—isa ang leche flan sa mga paboritong panghimagas hindi lang tuwing Pasko kundi kahit walang okasyon. Gawa ito sa itlog, evaporated milk, condensed milk, at asukal. Bagamat dessert for all season ang leche flan, isa pa rin ito sa mga pinakainaabangang pagkain tuwing Pasko.

7. Spaghetti

pinoy style spaghetti

Hindi kumpleto ang okasyon sa Pilipinas, mapa-birthday, fiesta o noche buena, kung walang spaghetti sa mesa. Pero ‘di gaya ng tradisyunal na spaghetti, matamis at meaty ang Pinoy style spaghetti. 

8. Fruit Salad

fruit salad

Isa pa sa mga panghimagas na madalas inihahain sa noche buena in the Philippines ay ang fruit salad. Pinaghalo-halo itong prutas gaya ng pinya, manga, papaya, nata at nilagyan ng gatas at cream. 

Frequently Asked Questions About Traditional Filipino Christmas Food

Q: Ano ang pinakamasarap na pagkain tuwing Pasko? 

A: Sa dinami-rami ng masasarap na pagkaing Pinoy, mahirap magsabi kung ano ang nangunguna. Pero narito ang listahan ng masasarap na pagkaing Pasko:

  • Bibingka
  • Puto Bumbong
  • Suman
  • Queso de Bola
  • Hamon
  • Leche Flan
  • Spaghetti
  • Fruit Salad

Q: What is the best food for Noche Buena?

A: The best food for Noche Buena in the Philippines are:

  • Hamon
  • Lechon 
  • Barbecue 
  • Bibingka
  • Puto Bumbong
  • Suman
  • Leche Flan
  • Ube Halaya
  • Spaghetti
  • Fruit Salad

Q: What should I bring to a Filipino Christmas party?

A: Here are some of the best food to bring to a Filipino Christmas Party:

  • Pancit
  • Spaghetti
  • Barbecue
  • Fruit Salad
  • Pichi-Pichi 
  • Lumpiang Shanghai
  • Fried Chicken

In the Philippines, hindi mahalaga kung gaano kadami ang pagkaing nakahain sa mesa, ang pinaka importante sa lahat ay kumpletong magsasalo-salo ang pamilya.

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.

Leave a comment