12 Patok na Pagkaing Pilipino That Are Satisfyingly Delicious

12 Patok na Pagkaing Pilipino That Are Satisfyingly Delicious
adobo pagkaing pilipino
Spread the love ❤️

Kapag usapang pagkain, hindi patatalo d’yan ang Pilipinas dahl sa dami ng pagpipiliang pagkaing Pilipino na talaga namang katakam-takam at hitik sa sarap!

Mula sa mga sikat na ulam at kakaibang lutuin hanggang sa panghimagas, hindi ka mauubusan ng masasarap na pagkaing Pinoy. Kaya naman mapa-local o foreigner, sabik na sabik sa mga pagkaing Pinoy.

Mga Pagkaing Pinoy Na Talagang Katakam-takam

Kilala ang putaheng Pilipino hindi lang sa bansa kundi pati na rin sa mundo dahil sa masarap at nag-uumapaw na linamnam ng mga lutuing Pinoy. Narito ang listahan ng mga pagkaing Pinoy na bubusigin ka sa sarap:

  1. Sinigang – Kombinasyon ng iba’t ibang gulay at karne ng baboy o seafood na may maasim ang sabaw.
  2. Adobo – Maalat na maasim ang sabaw dahilsa toyo at suka na pangunahing sangkap nito.
  3. Sisig – Tinadtad na maskara, tenga o mukha ng baboy ang sisig.
  4. Kare-Kare – Kulay dilaw ito dahil sa mani at peanut butter na pangunahing sahog nito.
  5. Lechon – Malutong ang balat at malambot ang laman na masarap i-pares sa liver sauce
  6. Crispy Pata – Gaya ng lechon, malutong ang balat ng crispy pata at malambot at malinamnam ang laman.
  7. Bulalo – Malinamnam na sabaw na may iba’t ibang gulay, at karne at bone marrow ng baka.
  8. Kansi – Pinaghalong bulalo at sinigang. Sikat na pagkain ng mga Ilonggo.
  9. Halo-Halo – Sikat na pampalamig sa Pilipinas na may sari-saring sangkap.
  10. Suman – Malagkit na kakanin na masarap ipares sa latik o tsokolate.
  11. Puto Bumbong – Sikat na pagkain tuwing pasko. Kulay violet at may toppings na niyog, asukal, margarine, at cheese.
  12. Sorbetes – Isa sa mga paboritong panghimagas ng mga Pinoy lalo na kung tag-init

1. Sinigang

sinigang na baboy

Una sa ating pagkaing Pinoy list ay ang sinigang dahil halos lahat ng Pilipino, ito ang paborito. Kapag ito’y iyong tinikman, mapapangiwi at kikiligin ka sa asim ng sabaw dala ng sampaloc. Sinigang na baboy ang pinakasikat na luto rito pero puwede ka rin magsahog ng manok, isda, at hipon. May sangkap din itong mga gulay gaya ng sitaw, kangkong, okra, at gabi.

2. Adobo

adobo

Kapag sinabing pagkaing Pilipino, agad maiisip ang adobo. Pinaghalong alat at asim ang adobo. Pero may iba na ang gusto sa lutong ito ay manamis-namis, depende na sa iyong panlasa. Karaniwang laman ng adobo ay baboy at manok. Toyo at suka ang pinakang nagpapalasa sa sabaw ng adobo, ang iba naman ay naglalagay ng laureal leaf.

3. Sisig

sisig pagkaing pilipino

Karaniwang gawa sa tinadtad na maskara, tenga o mukha ng baboy ang sisig. Hinahaluan ito ng toyo, sibuyas, calamansi, at itlog. Mas nagiging masarap pa ito kapag sa sizzling plate inihahain. Sa sobrang sikat ng pagkaing Pinoy na ito, available ito kahit saang lupalop ng bansa. Pero kung gusto mong matikman ang authentic sisig, pumunta ka sa Pampanga kung saan ito nagmula.

4. Kare-Kare

kare-kare pagkaing pilipino

Malapot at malinamnam—ganito mailalarawan ang sabaw ng kare-kare. Kulay dilaw ito dahil sa mani at peanut butter na pangunahing sahog sa pagkaing Pinoy na ito. Pinakasikat ay ang kare-kareng baka. May iba naman na gumagawa ng kare-kareng bagnet at seafood kare-kare na talagang mapapa-oh wow ka sa sarap!

5. Lechon

lechon pagkaing pilipino

Hindi mawawala sa ating listahan ng mga pagkaing Pinoy ang lechon. Malutong ang balat at juicy ang laman na masarap i-pares sa liver sauce. Sa Cebu at Batangas matitikman ang pinakamasarap na lechon sa Pilipinas. Sabi nga ni Anthony bourdain, it’s the best pig ever! 

6. Crispy Pata

crispy pata pagkaing pilipino

Tuwing may kasiyahan o inuman, paboritong pulutan ang crispy pata. Gaya ng lechon, malutong ang balat ng crispy pata at malambot at malinamnam ang laman. Ang kaibahan lang ng dalawa ay iprinito ang crispy pata. 

7. Bulalo

bulalo pagkaing pilipino

Panalong-panalo ka sa bulalo lalo na kapag malamig ang panahon. Patok na patok sa mga Pinoy ang bulalo dahil sa sarap ng sabaw at laman nito. Ang maganda sa bulalo, walang patapon dahil magmula sa sabaw hanggang sa buto, masarap! Kung gusto mong matikman ang the best bulalo, pumunta ka sa Batangas at Tagaytay.

8. Kansi

kansi pagkaing pilipino

Kung gusto mong matikman ang sinigang at bulalo in one, kumain ka ng kansi! Ito ang Ilonggo version na bulalo. Ang kaibahan nito sa ordinaryong bulalo ay inasiman ang sabaw gaya ng sa sinigang. Tulad ng bulalo, bone shack ang ginagamit sa kansi. Kakaiba at talagang napakasarap ng pagkaing Pilipino na ito. 

9. Halo-Halo

halo-halo pagkaing pilipino

Kapag summer meryenda ang usapan, nangunguna riyan ang halo-halo. Sari-sari ang sangkap nito: may gulaman, sago, nata, macapuno, saging, monggo, gatas at dinurog na yelo. Paborito itong pampalamig ng mga Pilipino lalo na kapag summer. 

10. Suman 

suman

Ito raw ang kauna-unahang kakanin at isa sa mga orihinal na pagkaing Pilipino. Madalas inihahanda ang suman sa mga kasiyahan sa kulturang Pilipino gaya ng Pasko, kasal, binyag, kaarawan at fiesta! Kapag iyong natikman, lalo na kung ipinartner sa latik o asukal, talagang babalik-balikan. Kaya hindi nakapagtatakang paborito rin itong meryenda ng mga Pilipino. 

11. Puto Bumbong

puto bumbong

Isa sa mga pinakabidang pagkain tuwing pasko ay ang puto bumbong. Kulay ng violet at gawa rin ito sa rice flour. Karaniwang toppings na inilalagay rito ay niyog, asukal, cheese, at margarine. Ang puto bumbong ay best-paired with hot tea, tamang-tama para sa malamig na panahon. Patok na patok ito sa mga nagsisimbang gabi. 

12. Sorbetes 

sorbetes

Sorbetes o dirty ice cream kung tawagin sa Pilipinas. Isa sa mga paboritong panghimagas ng mga Pinoy lalo na kung tag-init ay ang sorbetes. Maraming sorbetero ang naglalako nito sa kalye. Karaniwang inilalagay sa makukulay na apa at minsan ay ipinapalaman pa sa tinapay.

Frequently Asked Questions About Pagkaing Pilipino

Q: Anu-ano ang pinakamasarap na pagkaing Pinoy?

A: Sa dinami-rami ng masasarap na pagkaing Pilipino, mahirap mamili kung ano ang pinaka the best. Narito ang listahan ng pagkaing Pinoy na talagang katakam-takam:

  1. Sinigang
  2. Adobo
  3. Sisig
  4. Kare-Kare
  5. Lechon
  6. Crispy Pata
  7. Bulalo
  8. Kansi
  9. Halo-Halo
  10. Suman 
  11. Puto Bumbong
  12. Sorbetes 

Q: Saan masarap kumain sa Pilipinas?

A: Hindi lang sa kultura at magagandang tanawin mayaman ang Pilipinas dahil maging sa pagkain ay sikat na sikat ang panlasanag Pinoy. Narito ang mga lugar kung saan makakakain ka ng masasarap na Pinoy food:

  1. Pampanga
  2. Batangas
  3. Tagaytay
  4. Rizal
  5. Bacolod
  6. Cebu
  7. Iloilo 

Q: Anong pinakasikat na pagkaing Pinoy?

A: Ang pinakasikat na pagkaing Pinoy ay sinigang at adobo. Maraming nagsasabi na ito raw ang national dishes ng Pilipinas. 

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.

Leave a comment