20 Pangkat Etniko sa Pilipinas na Malaking Bahagi ng Kulturang Pilipino

cebuano pangkat etniko sa pilipinas

Ang pangkat etniko ay grupo ng mga tao na may mga pagkakatulad o pagkakahawig sa kultura, lengguwahe, tradisyon, at paniniwala. Ang perlas ng silangan, hindi lang mayaman sa likas na yaman kundi mayabong din ang kultura, at malaking bahagi nito ang pangkat etniko sa Pilipinas.

Basahin: Kulturang Pilipino: Alamin at Kilalanin ang Mayamang Kultura ng Pilipinas

Mga Pangkat Etniko Sa Pilipinas

Narito ang ilan sa mga pangkat etniko sa Luzon Visayas at Mindanao:

  1. Tagalog
  2. Ilokano
  3. Kapampangan
  4. Bikolano
  5. Aeta
  6. Igorot
  7. Ivatan
  8. Mangyan
  9. Cebuano
  10. Waray
  11. Ilonggo
  12. Ati
  13. Suludnon
  14. Badjao
  15. Yakan
  16. B’laan
  17. Maranao
  18. T’boli
  19. Tausug
  20. Bagobo

Anong nilalaman ng blog na ito?

Alamin ang iba’t ibang mga pangkat etniko sa Luzon Visayas at Mindanao sa pamamagitan ng pagbabasa ng blog na ito.

Pangkat Etniko sa Luzon

1. Tagalog

tagalog pangkat etniko sa pilipinas

Photo credits to John Tewell via Flickr

Ang mga Tagalog ang pinaniniwalaan pinakamalaking bahagdan ng mga Pilipino na mula sa Kamaynilaan (National Capital Region), Gitnang Luzon, Rehiyon 4A (CALABARZON) at Rehiyon 4B (MIMAROPA).

Lubos nilang pinahahalagahan at binibigyang-pansin ang edukasyon, pamahalaan, at pagbubuklod-buklod pamilya. Mahilig din ang mga Tagalog sa mga pagtitipon o pagdiriwang gaya ng mga kasal, binyag, kaarawan, at pista.

2. Ilokano

horse carriage at calle crisologo in vigan

Ang mga Ilokano naman ay naninirahan sa malaking bahagi ng Luzon kabilang na ang Rehiyon ng Ilocos at ilang bahagi ng Rehiyon ng Cagayan. Kilala ang mga Ilokano sa pagiging masinop, masipag, at madiskarte dahil ang mga likas na yaman sa kanilang lugar ay minsa’y hindi sapat sa kanilang pangangailangan. Ang pangkat etniko sa Pilipinas na ito ay may matibay na pagkakaisa at sinisikap mapanatili ang katutubong kultura.

3. Kapampangan

mt. arayat pampanga tourist spot

Naninirahan ang mga Kapampangan sa Pampanga at ilang bahagi ng Gitnang Luzon. Kilala sila bilang mahusay sa pagluluto kaya naman tinagurian ang kanilang probinsiya bilang “Culinary Capital of the Philippines.” Lubos pinahahalagahan ng mga Kapampangan ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

4. Bikolano

a carabao near mayon volcano

Ang mga Bikolano naman ay matatagpuan sa Rehiyon ng Bicol. Kilala ang mga Bikolano bilang relihiyoso at mahinahon. Maging sa kanilang paraan ng pagluluto, lalo na sa paggamit ng gata at maraming sili, ay sikat din sila. 

5. Aeta

aeta pangkat etniko sa pilipinas

Photo credits to Deondre Ng via Flickr

Kilala rin sa tawag na Ita, ang mga Aeta ay isa sa mga sinaunang pangkat etniko sa Pilipinas. Naninirahan sila sa kabundukan ng Zambales. Simple lang ang kanilang pamumuhay at patuloy pa rin silang gumagamit ng mga sibat, itak, at pana sa panghuhuli ng kanilang makakain.

6. Igorot

cebuano pangkat etniko sa pilipinas

Photo credits to Cielo Fernando via The Girl Behind the Pen

Ang mga Igorot ay matatagpuan sa Rehiyon ng Cordillera. Sila ang nagpakilala sa Pilipinas dahil sa paglikha nila ng Banaue Rice Terraces na kabilang sa mga UNESCO World Heritage Sites. Sila ay maka-Diyos dahil matibay ang kanilang pananampalataya sa kanilang mga anito at bulul.

7. Ivatan

ivatan batanes pangkat etniko sa pilipinas

Photo credits to Cielo Fernando via The Girl Behind the Pen

Isa sa mga tanyag at kilala na mga etniko sa Pilipinas ay ang mga Ivatan dahil sa kanilang kasipagan at higit sa lahat, katapatan. Karamihan sa mga turista ay itinuturing na pinakamababait na tao ang mga Ivatan dahil sila ay palaging nakangiti at bumabati kahit sa mga hindi kakilala. Sila ay naninirahan sa Batanes, isa sa mga sikat na travel destination sa Pilipinas. Simple lang ang kanilang pamumuhay at patuloy na pinangangalagaan ang kalikasan. Ang mga Ivatan din ay kabilang sa mga pangkat ng etnolinggwistiko sa Pilipinas. 

Basahin: 13 Mind-Blowing Facts About Batanes You Must Haven’t Heard of Yet

8. Mangyan

mangyan pangkat etniko sa pilipinas

Photo source: Wikimedia Commons

Ang mga Mangyan ay kabilang sa mga pangkat etniko sa Luzon Visayas at Mindanao na naninirahan sa Mindoro. Sila ay nahahati sa walong grupo. Hanggang ngayon ay nanatili pa rin ang mayaman nilang kultura gaya ng kanilang mga paniniwala at tradisyon. Isa sa bahagi ng kanilang kultura ay ang panitikan kung saan sila ay nagsusulat ng ambahan (isang uri ng tula) at inuukit sa kawayan. 

Pangkat Etniko sa Visayas

Advertisements

9. Cebuano

cebuano pangkat etniko sa pilipinas

Ang mga Cebuano ay naninirahan sa Cebu at maraming lalawigan sa Mindanao. Kilala sila sa kanilang pagkamalikhain, mahinahon, at malumanay. Tanyag sa kanila ang mga sikat na pista sa Cebu gaya ng Sinulog, at ang kanilang lechon.

Basahin: Festivals In The Philippines: 10 Most Exciting Filipino Fiestas

10. Waray

Matatagpuan ang mga Waray sa Samar at Leyte. Kilala ang mga pangkat etniko sa Pilipinas na ito bilang matatapang at walang inuurungan, pero mapagmahal sa kanilang mga pamilya.

11. Ilonggo

ilonggo pangkat etniko sa pilipinas

Kung ang usapan lang naman ay mga malalambing na tao, ang pangkat ng Ilonggo ang nangunguna riyan. Sila ay naninirahan sa Iloilo, Panay, Guimaras, at Negros. Kilala sila sa malambing na pagsasalita, pagkamahinahon, at magiliw na pagtanggap sa bisita.

12. Ati

ati pangkat etniko sa pilipinas

Photo source: Wikimedia Commons

Ang mga At naman ay matatagpuan sa Aklan, Capiz, Antique, at Iloilo. Tulad ng mga Aeta, pangangaso ang pangunahing paraan nila sa pagkalap ng makakain. 

13. Suludnon

Ang mga Suludnon ay kilala naman sa kanilang kulturang sayaw na Binanog kung saan ginagaya nila ang paglipad ng agila kasabay ang paggamit ng agung. Sila ay naninirahan sa Capiz-Lambunao.

Pangkat Etniko sa Mindanao

14. Badjao

badjao pangkat etniko sa pilipinas

Photo credits to NCCA Official via Flickr

Ang mga Badjao ay matatagpuan sa Zamboanga at Sulu kung saan sila ay nakatira sa ibabaw ng tubig sa baybaying dagat kaya naman binansagan silang Sea Nomads o Sea Gypsies. Bukod dito, mahusay rin sila sa paglangoy kaya isa sa mga pangunahin nilang kabuhayan ay ang laman dagat.

15. Yakan

yakan pangkat etniko sa pilipinas

Photo credits to Eugene via Flickr

Ang pangkat naman ng Yakan ang pinaniniwalaang kauna-unahan sa mga etniko sa Pilipinas na nanirahan sa Basilan. Malaking bahagi ng kultura ng Mindanao ang mga Yakan dahil sa ambag nito gaya ng paghahabi at kanilang tradisyunal na kasuotan na Semmek.

16. B’laan

B’laan pangkat etniko sa pilipinas

Photo source: Wikimedia Commons

Naninirahan ang mga B’laan sa South Cotabato at Davao del Sur. tanyag sila sa paggawa ng kasuotang mula sa abaka, mga ornamentong bass, at beads. 

17. Maranao

Ang pangalang Maranao ay hango mula sa lawa ng Lanao del Sur at Lanao del Norte. Sila raw ang nagpauso ng mahahabang kasuotan gaya ng malong.

18. T’boli

T’boli pangkat etniko sa pilipinas

Photo source: Wikimedia Commons

Kilala rin ang mga T’boli dahil sa kanilang magaganda at makukulay na tradisyunal na kasuotan na hinabing T’Nalak. Bahagi rin ng kanilang tradisyunal na kasuotan ay ang pagsusuot ng madaming makukulay na kwintas. Ang pangkat T’boli ay naninirahan sa South Cotabato at Sultan Kudarat. Isa rin sa pangunahin nilang kabuhayan ay ang pagsasaka.

19. Tausug

Isa sa pinakamatatapang na pangkat ay ang mga Tausug na matatagpuan sa Sulu. naniniwala sila na hindi dapat inuurungan ang kahit na anong laban sapagkat ito ay nakapagpapababa ng pagkatao. Kinikilala rin sila bilang People of the Current dahil naninirahan sila sa ibabaw ng dagat.

20. Bagobo

Bagobo pangkat etniko sa pilipinas

Photo source: Wikimedia Commons

Ang mga Bagobo ang sinasabing unang nakatagpo sa mga KAstila pero bigo ang mga Kastila na sakupin ang mga Bagobo. Naninirahan sila sa Davao at kilala sila sa kulay mais na buhok na inilalagay sa kanilang ulo.

Frequently Asked Questions About Pangkat Etniko Sa Pilipinas

Q: Ano ang ibig sabihin ng etnolinggwistiko sa Pilipinas?

A: Ang ibig sabihin ng etnolinggwistiko sa Pilipinas ay pangkat ng mga tao na may magkaparehong wika, kultura at etnisidad. 

Q: Ano ano ang pangkat etniko sa Pilipinas?

A: Kung nagtatanong ka kung ano ano ang mga pangkat etniko sa Pilipinas, narito ang listahang aming ginawa para ikaw ay gabayan upang malaman ang mga pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas at ang mga pangkat etniko sa Pilipinas:

  • Tagalog
  • Ilokano
  • Kapampangan
  • Bikolano
  • Aeta
  • Igorot
  • Ivatan
  • Mangyan
  • Cebuano
  • Waray
  • Ilonggo
  • Ati
  • Suludnon
  • Badjao
  • Yakan
  • B’laan
  • Maranao
  • T’boli
  • Tausug
  • Bagobo

Q: Ano ang mga halimbawa ng pangkat etniko sa Luzon?

A: Kailangan mo ng mga larawan ng mga pangkat etniko sa Luzon? Narito ang listahan ng mga pangkat etniko sa Luzon:

  1. Tagalog
  2. Ilokano
  3. Kapampangan
  4. Bikolano
  5. Aeta
  6. Igorot
  7. Ivatan
  8. Mangyan

Q: Ano-ano ang mga pangkat etniko sa Visayas?

A: Narito ang listahan ng mga pangkat etniko sa Visayas:

  1. Cebuano
  2. Waray
  3. Ilonggo
  4. Ati
  5. Suludnon

Q: Ano-ano ang mga pangkat etniko sa Mindanao?

A: Narito ang listahan ng mga pangkat etniko sa Mindanao:

  1. Badjao
  2. Yakan
  3. B’laan
  4. Maranao
  5. T’boli
  6. Tausug
  7. Bagobo

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.