7 Dahilan Kung Bakit Kakaiba at Mas Masaya Ang Pasko sa Pilipinas

7 Dahilan Kung Bakit Kakaiba at Mas Masaya Ang Pasko sa Pilipinas
happy kids receiving christmas gifts
Spread the love ❤️

Sabi nila, there’s nothing quite like celebrating pasko sa Pilipinas. Mula sa mga masasayang parties at masasarap na pagkain hanggang sa mga kakaibang tradisyon at muling pagsasama-sama ng pamilya, talaga namang hindi matatawaran ang ganda at saya ng paskong Pinoy.

Sa katunayan, maraming foreigner ang pinipiling magdiwang ng pasko sa Pilipinas dahil ibang-iba at mas sincere daw ang paskong Pinoy.

7 Things That Make Paskong Pinoy More Fun

Narito ang pitong dahilan kung bakit kakaiba at mas masaya ang pagdiriwang ng pasko sa Pilipinas:

  • September pa lang, feel mo na ang holiday season
  • Simbang Gabi 
  • All out Christmas carol
  • Pagbibigayan
  • Nagliliwanag ang mga bahay dahil sa mga parol
  • Masasarap na pagkain tuwing pasko
  • Kumpleto ang pamilya

Kung gusto mong mas malaman pa ang ilang tradisyong Pinoy tuwing pasko at maranasan ito, read this blog.

7. Mas mahaba ang pagdiriwang ng pasko sa Pilipinas

a family at the christmas mass

Pagpatak pa lang ng September 1, feel na feel mo na ang holiday season. Mula parties hanggang Christmas shopping, pinaghahandaan na ‘yan ng mga Pilipino kahit September pa lang! Kaya naman kinikilala na ang Pilipinas bilang pinakamatagal na nagdiriwang ng pasko sa buong mundo. 

6. Simbang Gabi 

people attending the simbang gabi christmas

Photo credits to Ervin Malicdem

Gaya ng ibang Catholic countries, nakasanayan na rin ng mga Pilipino ang pagsisimbang gabi. Nagsisimula ito tuwing December 16 hanggang 24. Sa Pilipinas, dalawang beses kada isang araw ginagawa ang simbang gabi: sa daling-araw at gabi. Pero mas madalas na tuwing madaling araw, as early as 4am, nagsisimba ang mga Pinoy.

Siyempre, hindi kumpleto ang simbang gabi kung walang bibingka, puto bumbong at mainit na tyaa sa agahan. 

5. All out Christmas carol

a child singing christmas carol

Kung sa ibang bansa ay A cappella ang pangangaroling, aba dito sa Pilipinas, gumagamit ang mga nangangaroling ng improvised musical instruments. Kaya kung walang pambili ng gamit, kani-kaniyang gawa ang mga nangangaroling ng musical instruments mula sa mga pinitpit na tansan ng bote, kawali, o palanggana.

What makes caroling more fun in the Philippines ay as early as November, nagbabahay-bahay na ang mga ito. Minsan kanta lang, pero may iba na all out ang production number with matching bluetooth speakers pa for their background music!

4. Pagbibigayan

happy kids receiving christmas gifts

Ang pasko ay panahon ng pagbibigayan at patunay riyan ang tradisyong nakaugalian na ng mga Pinoy. Tuwing pasko, nagbibigayan ng mga regalo at pera ang mga magkakaibigan at magkakamag-anak. Pero nakaugalian na rin sa Pilipinas ang pagpapapasko sa maging sa mga hindi kakilala. May ilang namimigay ng mga libreng pagkain, mga candy, regalo, at pera. Likas na mapagbigay ang mga Pilipino kaya kahit hindi mo ninong o ninang, handa silang magregalo sa’yo.

3. Nagliliwanag ang mga bahay dahil sa mga parol

house full of christmas lanterns

Tuwing kapaskuhan, hindi lang mga bituin ang nagliliwanag kundi pati na rin ang mga bahay dahil sa mga makukulay at naglalakihang parol. Sa Pilipinas, hindi mawawala ang mga parol o Christmas lights sa isang bahay bilang dekorasyon dahil isa ito sa mga simbolo ng pasko sa Pilipinas. 

2. Masasarap na pagkain tuwing pasko

puto bumbong

Walang katulad ang pagkain tuwing pasko sa Pilipinas. Tuwing noche buena, napupuno ng masasarap na pagkain ang mga mesa ng mga Pinoy na kanilang pinagsasaluhan kasama ang masasarap na kumustahan at kuwentuhan. Mula sa matamis na puto bumbong at fruit salad hanggang sa malinamnam na hamon at bibingka, mapapa-round 2 ka sa mesa dahil sa sarap ng mga ito! 

1. Kumpleto ang pamilya

happy family on a christmas meal

Isa sa mga dahilan kung bakit mas meaningful at masaya ang pasko sa Pilipinas ay dahil ito ang panahong nakukumpleto ang buong pamilya, lalo na ang mga may kaanak na nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang mga OFW, umuuwi sa Pilipinas habang ang ilan namang nagtatrabaho sa siyudad ay bumabalik sa kanilang probinsiya para makasama ang mga mahal sa buhay sa araw ng pasko.

Tunay ngang kaysaya ng pagdirwang ng pasko sa Pilipinas hindi lang dahil sa mga masasayang tradisyon at mga regalong natatanggap. Dapat nating tandaan na ang pasko ay hindi lang tungkol sa mga materyal na bagay kundi ito ay pagdiriwang sa kapanganakan ni Hesus. 

Frequently Asked Questions About Pasko sa Pilipinas

Q: Ano-ano ang mga tradisyong Pinoy tuwing pasko?

A: Maraming tradisyon ang mga Pilipino tuwing pasko. Kabilang dito ang:

  1. Pagsisimbang gabi
  2. Pangangaroling
  3. Pagpapalitan ng mga regalo
  4. Pamamasko at pagpapapasko
  5. Pagsasalu-salo sa noche buena

Q: Saan magandang magdiwang ng pasko sa Pilipinas?

A: Sa mahigit 7,100 islands sa Pilipinas, ‘di ka mauubusan ng lugar na maaaring puntahan sa pasko. Ilan sa pinakamagagandang Christmas destination sa bansa ay:

  1. Boracay
  2. Palawan
  3. Baguio
  4. Tagaytay
  5. Pampanga
  6. Bohol
  7. Siargao 

Q: Anu-ano ang masasarap na pagkain tuwing pasko sa Pilipinas?

A: Narito ang ilan sa pinakamasarap na pagkaing Pinoy na dapat mong matikman tuwing pasko:

  1. Bibingka
  2. Puto Bumbong
  3. Suman
  4. Hamon
  5. Queso de Bola
  6. Leche Flan
  7. Spaghetti
  8. Fruit Salad

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.

Leave a comment