12 Magandang Pasyalan sa Tagaytay na Pasok sa Budget Mo

picnic grove pasyalan sa tagaytay

Malamig ang simoy ng hangin, masasarap na pagkain, malapit sa Kamaynilaan, at kakaibang pasyalan sa Tagaytay—ito ang mga dahilan kung bakit paborito itong puntahan ng mga turista for a quick getaway.

Sa dami ng magagandang pasyalan sa Tagaytay at masarap na kainan, talagang hindi ka magsasawang balik-balikan ang second summer capital ng Pilipinas.

12 Mga Sikat na Pasyalan sa Tagaytay

Kapag bumisita ka sa Tagaytay, hindi ka lang magagandahan sa mga tanawin kundi maeengganyo ka ring kumain. Narito ang mga pasyalan sa Tagaytay na hindi ka lang bubusugin sa tiyan kundi maging sa mata at kultura.

  1. Taal Volcano and Lake – Libreng pasyalan sa Tagaytay na sikat dahil sa bulkan at lawa ng Taal.
  2. Picnic Grove – Sikat na picnic spot sa Tagaytay.
  3. People’s Park in the Sky – May magandang view ng Taal Volcano at Lake at karatig-bayan ng Tagaytay.
  4. Sky Ranch – Amusement park na perfect sa pamilya at magkakaibigan.
  5. Paradizoo – Zoo sa Tagaytay kung saan maaaring makasalamuha nang malapitan ang iba’t ibang mga hayop.
  6. Museo Orlina – Museo na puno ng mga glass art and sculptures.
  7. Puzzle Mansion – Museo na puro puzzles ang makikita. Narito rin ang isa sa pinakamalaking koleksiyon ng finished puzzle sets.
  8. Sonya’s Garden – Romantic na kainan at bed & breakfast sa Tagaytay.
  9. Mahogany Beef Market – Murang bilihan ng mga gamit at pagkain, lalo na ang bulalo.
  10. Nurture Wellness Village – Lugar na perfect para sa pampering sessions.
  11. Dreamland Arts & Crafts Cafe – Boho-inspired na cafe.
  12. Balay Dako – Restaurant with a view na naghahain ng authentic Filipino dishes.

Where to stay in Tagaytay

Kung naghahanap kang mura pero magandang hotel sa Tagaytay, sagot ka d’yan ng ZEN Rooms. Narito ang ilang pinakamura at magandang Tagaytay hotels:

Rachel’s Bed and Breakfast

Rachel's Bed and Breakfast tagaytay staycation

Price from PHP 1,00/night

Address: Tagaytay-Calamba Rd. San Jose, Tagaytay City

Amenities: Flat Screen TV, Cable TV Channel, 24h Front Desk, 24h Room Service, Parking, Common Kitchen, Shared Lounge / TV Area, Designated Smoking Area, Hot Shower

Book Now

ZEN Rooms Berrie Suites

ZEN Rooms Berrie Suites tagaytay

Price from PHP 3,285/night

Address: Tagaytay-Calamba Rd. San Jose, Tagaytay City

Amenities: 24h Front Desk, Parking, Ironing Facilities, Baggage Storage, Flat Screen TV, Cable TV Channel, Designated Smoking Area, Hair Dryer, Bidet

Book Now

Check-in Requirements

Guests from MGCQ and GCQ Areas1. Hotel Booking Confirmation 2. No guests below 21 and above 60 years old3. Valid Government ID such as passport, driver’s license, SSS UMID, Postal ID, Philhealth ID, TIN, Voter’s ID, Senior Citizen ID, PWD ID. 

Related article: Planning to Have a Staycation in Tagaytay Soon? Read This Guide First Before Booking

1. Taal Volcano and Lake

taal volcano

Kapag sinabing Tagaytay, automatic nang maiisip agad ang pinakasikat na pasyalan sa Tagaytay—ang Taal Volcano at Lake. Sa ganda nito, hindi kataka-taka na lagi itong kasama sa itinerary ng mga bumibisita sa Tagaytay. 

Entrance fee: Free

Must-try activity: Hiking, Boating, Horseback riding

Highlights: Magandang view, makasaysayang lugar, at dito lang matatagpuan ang tawilis.

2. Picnic Grove

picnic grove pasyalan sa tagaytay

Photo source: Wikimedia Commons

Kung naghahanap kang pasyalan sa Tagaytay na mura, magpunta ka sa Picnic Grove. Patok ito sa mga magsing-irog at pamilya dahil perfect ito for a picnic habang ine-enjoy ang iba’t ibang masayang aktibidad sa lugar at ang napakagandang view ng Taal Volcano at Lake.

Operating hours: 7am-7pm

Location: Tagaytay Picnic Grove Complex, Barangay, End, Tagaytay

Entrance fee: PHP 50

Must-try activity: Ziplining, picnic, horseback riding

Highlights: Mga cottage na may magandang view ng Taal Volcano at Lake

3. People’s Park in the Sky

People’s Park in the Sky tagaytay

Isa pa sa mga sikat at pasyalan sa Tagaytay na mura ay ang People’s Park in the Sky. Kilala ito dahil sa ganda ng view roon. Makikita mo kasi ang Taal Volcano at Lake at ilang kalapit-bayan ng Tagaytay gaya ng Batangas, nang walang nakaharang. Unbostructed view ba. 

Operating hours: 8am-6pm

Location: Mount Sungay (Mount Gonzales), Tagaytay – Calamba Road, Mt. Sungay, Brgy. Dapdap East. 

Entrance fee: PHP 30

Highlights: Magandang view ng Taal Volcano at Lake at mga kalapit-bayan from above

4. Sky Ranch

sky ranch tagaytay pasyalan

Photo credits to Sky Ranch Philippines

Kung naghahanap kang thrill at kakaibang adventure, dumeretso ka na sa Sky Ranch Tagaytay! Perfect ito para sa mga magkakaibigan at pamilya. Marami kang rides na puwedeng sakyan gaya ng ferris wheel, roller coaster, carousel, at marami pang iba. Dahil dito, hindi na kataka-takang isa ang Sky Ranch sa magagandang pasyalan sa Tagaytay.

Operating hours: Friday, 10am-7pm; Saturday & Sunday, 8am-8pm

Location: E. Aguinaldo Highway (Tagaytay-Nasugubu Road), Brgy. Kaybagal South

Entrance fee: PHP 100

Must-try activity: Food tripping, ride-all-you can rides

Highlights: Amusement park with a view, ferris wheel na may aircon

5. Paradizoo

paradizoo pasyalan sa tagaytay

Photo credits to Zoomanity Group

Hindi mo na kailangang lumipad ng Africa to experience the safari life dahil sa Tagaytay, mayroon namang Paradizoo. Dito ay puwede mong makasalumuha nang malapitan ang iba’t ibang hayop gaya ng ostrich, kabayo, kalabaw, parrots, at marami pang iba.

Operating hours: 8am-5pm

Location: Km. 63 Panungyan Mendez Cavite

Entrance fee: PHP 199/ adult; PHP 149 / child 3ft-4ft; Free of Charge 3 ft below

Must-try activity: Magpakain ng mga hayop

Highlights: Flower garden, close encounter sa mga hayop

6. Museo Orlina

museo orlina paslayan sa tagaytay

Photo credits to Museo Orlina

Art-lover ka ba? Then perfect sa’yo ang Museo Orlina. Kakaiba ito sa mga ordinaryong museo dahil dito, halos mga glass art and sculpture ang makikita mo.

Operating hours: 10am-6pm (Tuesdays to Sundays)

Location: Hollywood Subdivision Road, Brgy. Tolentino East

Entrance fee: PHP 100, PHP 80 (for Students and Senior Citizens)

Highlights: Glass sculptures made by local artists

7. Puzzle Mansion

puzzle mansion pasyalan sa tagaytay

Photo credits to Puzzle Mansion

Sa pangalan pa lang, alam mo na ang makikita sa Puzzle Mansion. Sa museong ito makikita ang largest collections of finished puzzles in the world na nakasungkit ng Guiness World Record noong 2012. Mayroon ding mga 2D at 3D puzzle sets na iba’t iba ang laki, hugis, at materyal. 

Operating hours: 8am-6pm

Location: Cuadra Street, Brgy. Asisan

Entrance fee: PHP 100

Highlights: Largest collections of finished puzzles in the world that earned a Guiness World Record for puzzle collector Georgina Gil-Lacuna in 2012

8. Sonya’s Garden

Sonya’s Garden pasyalan sa tagaytay

Photo credits to Sonya’s Garden

Kung romantic na pasyalan sa Tagaytay naman ang iyong hanap, Sonya’s Garden ang isa sa mga dapat mong puntahan. Maganda ang paligid dahil puno ito ng mga bulaklak at luntian. Perfect ito for a couple’s date o proposal destination. 

Operating hours: 8am-6pm

Location: Barangay Buck Estate, Alfonso, Cavite

Budget for two: PHP 2,000

Must-try activity: Dining, photoshoot

Highlights: A romantic garden and bed & breakfast

9. Mahogany Beef Market

Mahogany Beef Market tagaytay pasyalan

Traveling on a budget? ‘Wag kang mag-alala dahil sa Mahogany Beef Market, hindi mabubutas ang bulsa mo. Isa ito sa mga sikat na pasyalan sa Tagaytay dahil mura ang mga bilihin dito lalo na ang bulalo.

Operating hours: 24 hours

Location: 10 Mahogany Ave, Tagaytay

Entrance fee: Free

Must-try activity: Food tripping, shopping

Highlights: Masarap at murang bulalo sa Tagaytay

10. Nurture Wellness Village

Nurture Wellness Village tagaytay pasyalan

Photo credits to Nurture Wellness Village

Kung gusto mong mag-relax at ma-enjoy ang full-on pampering session, pumunta ka sa Nurture Wellness Village kung saan puwede kang magpamasahe, kumain, at mag-staycation. 

Operating hours: 8am-8pm (Gabriela Dining); 10am-8pm (Spa)

Location: Nurture Wellness Village Pulong Sagingan, Barangay Maitim II West Cavite, Tagaytay

Budget for two: From PHP 2,000

Must-try activity: Dining, Spa

Highlights: Masarap na pagkain at nakaka-relax na spa services

11. Dreamland Arts & Crafts Cafe

Dreamland Arts & Crafts Cafe tagaytay

Photo credits to Indie Green Garden

Kakaiba ang restaurant na ito dahil bukod sa mura na, very instagrammable pa. Boho-inspired ang interiors nito perfect for chilling with the barkada. 

Operating hours: 24/7

Location: Purok 157, Brgy. San Jose, Tagaytay City

Budget for two: PHP 500

Must-try dishes: Indie Yana’s Cheesy Baked Mac, Dreaming Dory, Petita’s Tuna Pasta, Shanghai ni Ruth

12. Balay Dako

balay dako best restaurants in tagaytay

Photo credits to Balay Dako

Mula Kansi hanggang Lechong Kawali, matitikman mo sa Balay Dako ang authentic Pinoy dishes. Masarap at affordable ang mga pagkain dito. At hindi lang ‘yun, kaya patok din ito sa mga turista ay dahil maganda ang view ng Taal sa lugar.

Operating hours: M-Th: 11am-9pm; F: 11am-10pm; Sa: 7am-10pm; Su: 7am-9p

Location:  Nasugbu-Tagaytay Rd, Silang Crossing West, Tagaytay

Average cost for two: PHP 700

Must-try dishes: Kansi, Salt and Pepper Spareribs, Sisig na Pusit, Lechon Kawali with Pinakbet Fried Rice

Highlights: Restaurant with a view

***Ang mga presyong nabanggit ay nakalap nang oras na ito’y isinulat at puwedeng magbago nang walang abiso. Tandaan din na may ibang mga lugar dito ang posibleng sarado pa dahil sa pandemya.

Frequently Asked Questions Tungkol sa Mga Pasyalan sa Tagaytay

Q: Saan magandang mamasyal sa Tagaytay?

A: Narito ang ilan sa mga pinakasikat na pasyalan sa Tagaytay:

  1. Taal Volcano and Lake – Libreng pasyalan sa Tagaytay na sikat dahil sa bulkan at lawa ng Taal.
  2. Picnic Grove – Sikat na picnic spot sa Tagaytay.
  3. People’s Park in the Sky – May magandang view ng Taal Volcano at Lake at karatig-bayan ng Tagaytay.
  4. Sky Ranch – Amusement park na perfect sa pamilya at magkakaibigan.
  5. Paradizoo – Zoo sa Tagaytay kung saan maaaring makasalamuha nang malapitan ang iba’t ibang mga hayop.
  6. Museo Orlina – Museo na puno ng mga glass art and sculptures.
  7. Puzzle Mansion – Museo na puro puzzles ang makikita. Narito rin ang isa sa pinakamalaking koleksiyon ng finished puzzle sets.
  8. Sonya’s Garden – Romantic na kainan at bed & breakfast sa Tagaytay.
  9. Mahogany Beef Market – Murang bilihan ng mga gamit at pagkain, lalo na ang bulalo.
  10. Nurture Wellness Village – Lugar na perfect para sa pampering sessions.
  11. Dreamland Arts & Crafts Cafe – Boho-inspired na cafe.
  12. Balay Dako – Restaurant with  view na naghahain ng authentic Filipino dishes.

Q: Saan masarap kumain sa Tagaytay?

A: Narito ang mga restaurant sa Tagaytay na dapat mong mapuntahan:

  1. Antonio’s – Fine dining restaurant perfect for special occasions.
  2. Leslie’s Ridge and Restaurant – Serves one of the best bulalo in Tagaytay.
  3. Balay Dako – Part of the Antonio’s Group that serves authentic Filipino food.
  4. Marcia Adams’ – A Tuscan-inspired garden restaurant that serves Meditterenean cuisine.
  5. Josephine Tagaytay – An affordable restaurant with a view.
  6. Lime and Basil Thai Restaurant – A garden cafe serving authentic Thai cuisine.
  7. Dreamland Arts & Crafts Cafe – Boho and Indie-inspired cafe that’s open 24/7.
  8. Sonya’s Garden – A classy and romantic garden restaurant.
  9. Mr Kimchi Tagaytay – Serving Korean barbecue with a view.
  10. Neul Bolm Korean Restaurant – A quality and affordable Korean Restaurant.

Q: Saan magandang kumain sa Tagaytay with a view?

A: Kilala ang Tagaytay sa mga restaurant na may view. Narito ang pinaka the best.

  1. Balay Dako
  2. Leslie’s 
  3. Josephine’s
  4. Starbucks Tagaytay
  5. McDo Tagaytay
  6. Bag of Beans
  7. Mr Kimchi Tagaytay

Q: Bukas na ba ang Tagaytay para sa mga turista?

A: Oo bukas na ang Tagaytay para sa mga turista. Pero tiyaking mag-research at i-check muna ang social media pages ng LGU para sa mga latest updates.

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.

Leave a comment