Ika-160 Kaarawan ni Rizal: Ang Buong Talambuhay ni Jose Rizal

Jose Rizal Biography

Itinuturing na Pambansang Bayani ng nakararami, si Dr. Jose Rizal ay isa sa mga Pilipinong magigiting na nakipaglaban para sa Kalayaan ng Pilipinas kaya hindi nakapagtatakang laging pinag-aaralan ang talambuhay ni Jose Rizal.

Sa darating na June 19, 2021, 160 taon na si Dr. Jose Rizal. Sa pagsapit ng kaniyang kaarawan, ating alalahanin ang kaniyang buhay mula pagkabata at balikan ang mga natatangi niyang nagawa para sa Pilipinas sa pamamagitan ng Talambuhay ni Jose Rizal na aming inilathala. 

*Cover photo sources: Left (Wikimedia Commons) | Right (Wikimedia Commons)

Sino si Jose Rizal?

Si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala bilang Dr. Jose Rizal ang itinuturing na Pambansang Bayani ng Pilipinas. Isa siya sa mga magigiting na Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas hindi sa paraang dahas, kundi sa pamamagitan ng mga salita. Nakilala siya sa kaniyang mga akda na Noli Me Tángere (Touch Me Not) at El filibusterismo (The Reign of Greed) kung saan niya isiniwalat ang karahasan, korupsiyon, at masasamang gawain ng mga prayle at opisyal na Espanyol.

Ipinanganak siya noong June 19, 1861 at binaril sa Bagumbayan noong December 30, 1896. 

Ano ang nilalaman ng blog na ito?

Kapanganakan ni Jose Rizal

Si Jose Rizal ay ipinanganak noong June 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang mga magulang ni Jose Rizal ay sina  Doña Teodora Alonso Realonda at Don Francisco Mercado.

Talambuhay ni Jose Rizal

Advertisements
young jose rizal

Photo source: Wikidata

Buong pangalan ni Jose Rizal: José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda
Kaarawan ni Rizal: June 19, 1861
Mga magulang ni Jose Rizal: Doña Teodora Alonso Realonda at Don Francisco Mercado

Mula pagkabata at mga katangian ni Jose Rizal hanggang sa pagtanda at kaniyang mga inibig, mas kilalanin pa kung sino si Dr Jose Rizal sa aming isinulat sa ibaba tungkol sa buhay ni Jose Rizal.


Ang Batang Rizal

Nagsimula ang buhay ni Jose Rizal sa Calamba, Laguna kung saan siya ipinanganak at lumaki. Ang pamilya nina Rizal ay isa sa mga pinakasikat at pinakamayaman sa kanilang bayan. 

Ayon sa mga eksperto, ang kabataan ni Rizal ay hindi naiiba sa ordinaryong bata dahil maging siya ay nagkukuwento rin tungkol sa kaniyang mga crush at pinapalo rin siya kapag may nagawang hindi maganda. Ang kaibahan lang ni Rizal sa ordinaryong bata ay siya ay isang matalinong bata. Ang kaniyang nanay na si Teodora Alonso, kaniyang tiyahin, at si Justiniano Aquino Cruz ang nagsilbing unang mga guro ni Rizal. Sa edad na 3, natutunan na ni Rizal ang alpabeto sa tulong ng kaniyang ina, habang sa edad na 5 ay marunong na siyang magbasa at magsulat. 


Edukasyon ni Jose Rizal

jose rizal and the group

Photo source: Wikiwand

Kung hinahanap mo kung saan nag aral si Jose Rizal, ang sagot dito ay marami. 

Noong 11 taong gulang si Rizal ay nag-aral siya sa Ateneo na noo’y sa Intramuros sa Maynila pa nakatayo pero bago pa siya magsimulang mag-aral doon ay tinanggihan muna siya ng paaralan. Pero sa tulong ng koneksiyon ng kanilang pamilya, pinayagan at nakapasok na si Rizal sa premyadong paaralan kahit hindi maalam si Rizal sa wikang Espanyol. Hindi naging madali at masaya ang unang mga araw ni Rizal sa Ateneo. Nakaramdam siya ng lubos na kalungkutan dahil tingin niya ay nag-iisa lang siya doon dahil karamihan sa mga kaklase niya ay mga mestizo habang siya ay kayumangging Pilipino.

Nang tumagal ay nakasanayan din ni Rizal ang buhay sa Ateneo at sa katunayan nga ay isa siya sa mga pinakamatalinong estudyante roon. Halos lahat ng asignatura ay magaling si Rizal kaya nagtapos si Rizal sa Ateneo ng may karangalan.

Para naman pagbigyan ang hiling ng tatay niya, nag-exam din siya sa Colegio de San Juan de Letran pero kalauna’y sa Ateneo Municipal de Manila siya pumasok at nagtapos bilang isa rin sa pinakamagaling na estudyante. Tumanggap siya ng karangalang sobresaliente or outstanding. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pag-aaral niya sa Ateneo para makakuha ng degree sa land surveyor and assessor. Kasabay nito ay kumuha rin siya ng pre-law course sa University of Santo Tomas kung saan nagtapos din siya ng may excellent mark.

Nang malaman ni Rizal na mabubulag ang kaniyang nanay, nagdesisyon siyang mag-aral ng medisina sa UST at kunin ang kursong ophthalmology. 


Ang Mga Nagpatibok sa Puso ni Jose Rizal

Hindi kumpleto ang Talambuhay ni Dr Jose Rizal kung wala rito ang mga babaeng nagpaibig sa kaniya. Kilalanin sila isa-isa rito.

1. Segunda Katigbak
Si Seguna ang kauna-unahang pag-ibig ni Rizal. Walang nailathala kung paano sila nagkakilala pero nag-aaral noon si Segunda sa parehong paaralan kung saan nag-aaral ang babaeng kapatid ni Rizal kaya madalas siyang pumupunta sa La Concordia College para “bisitahin” daw ang kaniyang kapatid pero sa totoo, ay upang masilayan si Segunda. 

2. Leonor Valenzuela
Si Leonor o mas kilala bilang Orang ay kapitbahay ni Rizal sa Intramuros noong siya’y nag-aaral sa UST. Nagsusulatan sila ng liham at sinasabing gumagamit daw si Rizal noon ng invisible ink para hindi mabisto ang kaniyang liham dahil noo’y nililigawan niya rin ang isa pang Leonor na si Leonor Rivera. Ayon sa ilang akda, hindi raw ganoon kalalim ang pagtingin ni Orang kay Rizal kaya hindi umusbong ang kanilang relasyon.

3. Leonor Rivera
Si Leonor Rivera ang itinuturing na pinakamatamis at pinakamasakit na pag-ibig. Siya ay pinsan ni Rizal dahil anak si Leonor ng pinsan ng tatay ni Rizal. 

Bata pa lang sila nang sila’y magkakilala at nagsulatan sa loob nang dalawang taon noong nasa Europa si Rizal hanggang sa hindi na lang sumagot si Leonor sa mga sulat nito. Ayaw daw ng ina ni Leonor kay Rizal kaya niloko niya si Leonor at sinabing engaged na si Rizal sa ibang babae kaya nagpakasal si Leonor kay Henry Charles Kipping na isang English railway engineer. 

4. Consuelo Ortiga y Rey
Ang isa sa mga tulang isinulat ni Rizal ay ang A La Señorita C.O. y R na inialay para kay Consuelo. Kaya lang, hindi umusbong ang relasyon nila dahil nagpaubaya si Rizal sa kaibigan niya na may gusto rin noon kay Consuelo, at dahil engaged pa si Rizal noon kay Leonor.

5. Seiko Usui
Si Seiko, o O-Sei-San kung tawagin ni Rizal ay nakilala niya sa Tokyo. Nagtatrabaho sila sa iisang kompanya noon kaya sila nagkakilala at nabuo ang pagtitinginan. Matapos ang isang buwan, naghiwalay sila dahil pupunta na ng San Francisco sa Amerika si Rizal.

6. Gertrude Beckett
Si Gertrude o Gettie ay anak ni Charles Beckett na landlord ni Rizal sa London noong May 1888. Sabi sa ilang akda, si Gettie ang talagang may malalim na pagtingin sa dalawa. Madalas niyang tinutulungan si Rizal sa mga kailangan nito. 

7. Suzanne Jacoby
Si Suzanne naman ay isang Belgian na pamangkin ng landlady ni Rizal sa Brussels. May ilang beses din silang lumabas pero hindi raw ganoon kalalim ang pagtingin ni Rizal para kay Suzanne kaya hindi natuloy ang relasyon.bago umalis si Rizal, binigyan daw siya ng isang kahon ng tsokolate pero hindi ito binuksan ni Suzanne. Kinuwento ito ni Suzanne sa liham niya para kay Rizal at sinabihan pa na sana ay bumalik siya sa Brussels.

8. Nellie Boustead
Si Nellie ay anak ng British businessman na si Eduardo Boustead. Matagal nang kaibigan ni Rizal ang pamilya Boustead. Dumating pa nga raw sa punto na balak nang mag-propose ni Rizal kay Nellie pero marahil ito ay dahil lubos siyang nasaktan sa pagpapakasal ni Leonor Rivera sa iba. Hindi natuloy ang relasyon nila dahil ayaw raw ng ina ni Nellie kay Rizal. 

9. Josephine Bracken
Si Josephine ang asawa at huling pag-ibig ni Rizal. Taga Hong Kong si Josephine at pumuntang Pilipinas kasama ang adoptive father niya upang ipagamot ang mata nito. Nang walang makitang pagamutan ay dumeretso siya kay Rizal dahil noo’y sikat na si Rizal na doctor. Doon ay ipinagamot niya ang tatay niya kaya sila nagkakilala ni Rizal hanggang sa mahulog sa isa’t isa. Nagkaroon silang anak pero namatay rin ito pagkasilang sa kaniya.


Mga Natatanging Isinulat ni Jose Rizal

jose rizal from NCCA

Photo credits to NCCA Official via Flickr

Malaking bahagi rin ng buhay ni Jose Rizal ay ang kaniyang mga naisulat dahil ilan sa mga ito ang nagmulat sa mga Pilipino tungkol sa karahasan ng mga Espanyol. Ang pinakatanyag sa kaniyang mga naisulat ay ang Noli Me Tángere (Touch Me Not) at El filibusterismo (The Reign of Greed) kung saan isiniwalat niya ang karahasan at hindi magagandang gawain ng mga Espanyol na prayle at opisyal ng gobyerno. Ang mga librong ito ay nagmulat sa mata ng maraming Pilipino na ilan sa naging ugat ng himagsikan para sa kalayaan ng Pilipinas.

Pero bukod sa mga ito ay tanyag din Ang Tsinelas ni Jose Rizal at ang tula na Sa Aking Mga Kabata. Ang Tsinelas ni Jose Rizal ay sumasalamin sa magandang pag-uugali ni Rizal gaya ng pagiging selfless. Ito ay tungkol sa karanasan niya. Habang naglalaro sa may ilog ay nalaglag ang tsinelas ni Rizal at mabilis na inagos ng tubig. Hindi niya ito nakuha dahil sa bilis ng agos. Kaya ang ginawa niya ay itinapon na lang ang isa pang tsinelas ni Rizal at umaasa na sana raw ay mahabol ng kaniyang tsinelas ang kapares nito para kumpleto itong makukuha ng sinomang makakita rito.


Katangian ni Jose Rizal

Si Rizal, ayon sa mga eksperto, ay maliit at hindi kagwapuhan kaya baka magtaka kayo kung bakit kahit ganoon ay marami pa rin siyang babaeng napapaibig. Ito ay dahil sa magaganda at natatanging katangian ni Jose Rizal. Si Rizal kasi ay makisig, matapang, matalino, mapagbigay, at mapagmahal sa pamilya at Inang Bayan. 


Frequently Asked Questions About Talambuhay ni Jose Rizal

Q: Sino si Jose Rizal?
A: Si Dr. Jose Rizal ang itinuturing na Pambansang Bayani ng Pilipinas. Nakilala siya dahilsa kaniyang mga natataning kontribusiyon sa Kalayaan ng Pilipinas tulad ng kaniyang mga iniakdang libro na Noli Me Tangere at El filibusterismo. Ito ang sagot sa tanong mo kung sino si Jose Rizal.

Q: Saan ipinanganak si Jose Rizal?
A: Ipinanganak si Jose Rizal sa Calamba, Laguna noong June 19, 1861. Sana ay nasagot namin ang tanong niyo kung saan ipinanganak si Jose Rizal.

Q: Ano ang buong pangalan ni Jose Rizal?
A: Ang buong pangalan ni Rizal ay José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Ito ang ang sagot sa tanong mo kung ano ang buong pangalan ni Jose Rizal.

Q: Sino ang mga magulang ni Jose Rizal?
A: Ang mga magulang ni Jose Rizal ay sina  Doña Teodora Alonso Realonda at Don Francisco Mercado.

Q: Kailan ang kapanganakan ni Jose Rizal?
A: Ipinanganak si Dr. Jose Rizal noong June 19, 1861. 

Q: Ilang taon na si Jose Rizal ngayong 2021?
A: Si Jose Rizal ay 160 taon na ngayong 2021.

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.

Advertisements

Related Posts