Ang Buwan ng Wika ang pagdiriwang sa wikang Filipino na ginugunita taon-taon tuwing Agosto. Layon nitong pagtibayin, at maipalaganap ang kamalayan sa pagdiriwang at kahalagahan ng Wikang Filipino. 

Alamin sa artikulong ito ang diwa at kasaysayan ng naturang selebrasyon.

Ano ang Buwan ng Wika: Diwa at Kasaysayan

Ang Buwan ng Wika ay ginugunita tuwing Agosto. Ito ay ginagawa upang alalahanin ang kasaysayan, kilalanin, panatilihin at paunlarin ang wikang Filipino. Ginagawa ito bilang pagsaludo at pagmamahal sa Pilipinas. 

Sa mga susunod na talata ay malalaman natin ang development ng wika sa Pilipinas.

Noong 1935, panahon ni Pangulong Manuel L. Quezon, nagsimula ang mithiing bumuo ng isang pambansang wika na siyang magbubuklod sa buong bansa. Dahil dito, iniatas sa Kongreso ang “magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika” sa bisa ng Saligang Batas ng 1935.

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), “ang pagpili ng isang pambansang wika ay ibinatay sa ‘pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.’ Sa madali’t salita, Tagalog ang napili.”

Sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Bilang 570, naiproklama ang wikang pambansang Pilipino na nagkabisa noong 1946. Upang maisaalang-alang ang iba pang mga katutubong wika, nagkaroon ulit ng development ng wika simula noong 1973, at ito ay makikilala bilang wikang Filipino. At sa bisa ng Saligang Batas ng 1987, opisyal na idineklara ang Filipino at Ingles bilang mga wikang pambansa.

Basahin: The Ultimate Guide to Learning the Different Languages in Philippines


Pagdiriwang ng Buwan ng Wika

Bago pa magkaroon ng selebrasyon ng Buwan ng Wika in August, nagsimula ito sa Linggo ng Wika kung saan si Pangulong Sergio Osmeña ang unang nagdeklara ng pagdiriwang nito. 

Mula 1946 hanggang 1954, ginugunita ang Linggo ng Wika tuwing March 7 hanggang April 2. Pinili ang April 2 dahil ito ang kaarawan ng Pilipinong manunulat at makata na si Francisco Balagtas. Dalawang beses iniusog ang petsa ng pagdiriwang sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ramon Magsaysay, ito ay: March 29 hanggang April 4 noong 1954, at August 13 noong 1955.

Ayon kay Magsaysay, kaya Agosto ito ipinagdiriwang ay dahil ang orihinal na Linggo ng Wika ay nagaganap tuwing bakasyon ng mga estudyante, kaya hindi naisasama ang mga paaralan sa pagdiriwang nito. Itinapat naman ang huling araw ng pagdiriwang sa kaarawan ni Pangulong Quezon na itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa.

Pero noong 1997, idineklara ni Pangulong Fidel Ramos na ang selebrasyon ng Wikang Filipino ay magaganap na sa buong buwan ng Agosto sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1041.


Tema ng Buwan ng Wika 2022

Ang tema ng Buwan ng Wikang Filipino 2022 ay “Filipino at Mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Paglikha at Pagtuklas”. 

Ayon sa KWF, layunin ng padiriwang ang mga sumusunod: 

  • Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;
  • Maiangat ang mga kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito;
  • Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko;
  • Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang mga wika sa Pilipinas sa pamamagitan ng aktibong pakikihalok sa mga gawaing kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa; at 
  • Maipakilala sa mga mamamayang Pilipino ang KWF bilang ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga programang pangwika nito. 

Buwan ng Wika Date 

Ang Buwan ng Wika sa Pilipinas ay ipinagdiriwang sa buong buwan ng Agosto 2022. 


Frequently Asked Questions About Buwan ng Wika

Kailan ang buwan ng wika? 

Ang Buwan ng Wika sa Pilipinas ay ipinagdiriwang sa buong buwan ng Agosto 2022. 

Sino si Francisco Balagtas?

Si Francisco Balagtas ay isa sa mga sikat at dakilang Pilipinong manunulat at makata. Siya ang may akda ng Florante at Laura.

Bakit ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa Pilipinas?

Ipinagdiriwang ang buwan ng mga wika upang maipalaganap ang kamalayan sa pagdiriwang at kahalagahan ng Wikang Filipino. Batid nitong gunitain ang kasaysayan at paunalarin at panatilihin ang wikang Filipino.

What is the Buwan ng Wika meaning?

The Buwan ng Wika meaning is National Language Month. 

When is the National Language Month in the Philippines?

Buwan ng Wika or National Language Month in the Philippines is celebrated in August.

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.