Sa mahigit 7,100 isla sa Pilipinas, tiyak na mapupukaw ng Perlas ng Silanganan ang iyong pansin. Mula sa mga naggagandahang beaches, makapigil hiningang views, malilinaw na tubig sa lagoons, talagang mabibighani ka sa dami ng magagandang tanawin sa Pilipinas. 

Sa katunayan nga, ilang beses ng napapangalanan ang Pilipinas bilang Best Island in the World ng mga international travel magazines! Kaya naman hindi na kataka-taka kung bakit maraming banyaga ang gustong bumisita sa Pilipinas.

staycation ZENrooms

Ano ang nilalaman ng blog na ito?

15 Pinakamagandang Mga Lugar at Tanawin sa Pilipinas

Sa dinami-rami ng magagandang tanawin sa Pilipinas, tila ba ang mga ito ay parang tanawin drawing na hindi makatotohanan at gustong iguhit mo ang pamayanan na matatagpuan sa ating lungsod. Narito ang listahan ng mga magagandang tanawin sa Pilipinas with description mula hilaga hanggang timog ng bansa:

  1. Banaue Rice Terraces – Isa sa pinakamagandang UNESCO World Heritage Site sa bansa at isa sa mga sikat na magagandang tanawin sa Luzon.
  2. Tayid Lighthouse – Mayroon itong hexagonal tower deck na kakaiba sa mga ordinaryong lighthouse sa probinsya.
  3. Kayangan Lake – Malinaw at malamig ang tubig dito at may matataas na limestone formations.
  4. Puerto Princesa Underground River – Ayon sa UNESCO, it encompasses one of the world’s most impressive cave systems. 
  5. Mayon Volcano – Perfect cone ang hugis at pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas. Makasaysayang at magandang tanawin sa Luzon.
  6. Mt. Pinatubo – Isa sa pinakasikat na tourist destination sa Luzon.
  7. Taal Volcano – Maliit pero mabagsik dahil ito ay isa sa mga pinakaaktibong bulkan sa bansa.
  8. Boracay – Pinakasikat na beach destination sa Pilipinas dahil sa pino at puting buhangin. Talagang isa itong magandang aspeto sa Visayas.
  9. Bantayan Island – Tahimik at hindi matao sa lugar na magandang tanawin sa Visayas sa ito.
  10. Sugba Lagoon – Isa sa pinakamagandang diving sites sa bansa.
  11. Maria Cristina Falls – Bukod sa pagiging touirst attraction, dito rin kinukuha ang 70% ng kuryente ng Mindanao.
  12. Hinatuan Enchanted River – Nangniningning na kulay asul at singlinaw ng mineral ang tubig dito. 
  13. Chocolate Hills – Ang natural formation na ito sa Bohol ay patuloy na kinamamanghaan ng mga tao.
  14. Nacpan Beach – Ang paraiso ng El Nido, Palawan.
  15. Apo Island – Ang isla sa Dumaguete na buhay na buhay ang marine life.

Tuklasin mo ang natatanging tanawin sa komunidad at ganda ng Pilipinas sa tulong ng travel blog na ito kung saan inilista namin ang magagandang tanawin sa Pilipinas with pictures.

1. Banaue Rice Terraces

banaue rice terraces magagandang tanawin sa Pilipinas

Kung nais mong gumawa ng magagandang tanawin drawing, pumunta ka sa Ifugao! Pinaniniwalaang ginawa ilang libong taon na ang nakalilipas, hindi pa rin kumukupas ang ganda ng tanawin na ito na tinatawag na Hagdan-Hagdang Palayan o Banaue Rice Terraces sa probinsiya ng Ifugao. Kabilang ito sa UNESCO World Heritage Sites ng Pilipinas. Malamig ang klima rito kaya kung bibisita ka, siguraduhin mong may dala kang jacket.

Dahil located ito sa mataas na bahagi ng bansa, medyo challenging ang pagpunta rito. Kailangan mong mag-hike ng ilang oras para marating ang Hagdan-Hagdang Palayan. At kapag nandoon ka na, lahat ng pagod mo ay mapapawi dahil sa ganda ng view. Kaya ‘wag mong papalagpasin ang Banaue Rice Terraces dahil ito ay isang magandang tanawin sa Luzon.

Must-read: Banaue Rice Terraces: The Magnificent Man-Made Cultural Heritage

2. Tayid Lighthouse

tayid lighthouse batanes magagandang tanawin sa Pilipinas

Isa pa sa mga magagandang tanawin sa Luzon ay ang Tayid Lighthouse sa Batanes. Sa lahat ng lighthouse sa Batanes, ito ang pinakamaganda! Mayroon itong hexagonal tower deck na kakaiba sa mga ordinaryong lighthouse sa probinsya. Kapag nandoon ka na, mapapanganga ka na lang sa ganda ng view dahil kitang-kita mo ang Pacific Ocean, Mt. Iraya at Diura Fishing Village! Kapag nakita mo ito, tila ba ikaw ay tumitingin sa isang tanawin drawing na hindi makatotohanan dahil sa sobrang ganda.

3. Kayangan Lake

kayangan lake coron palawan magagandang tanawin sa Pilipinas

Dubbed as the “cleanest lake in the Philippines” and one of the cleanest in Asia, ‘di ka bibiguin ng Kayangan Lake sa Coron, Palawan na isa sa pinakamagandang mga lugar sa Pilipinas! Malinaw at malamig ang tubig, matataas na limestone formations—ilan lamang ito sa mga dahilan para bisitahin mo ang Kayangan Lake. 

Kung gusto mong makita ang buong lugar from above, kailangan mong umakyat nang 300 steps para makarating sa hill kung saan makikita mo ang picture-perfect view. Isa pa ito sa mga lugar na para bang isang tanawin drawing dahil sa sobrang ganda.

Para sa iba pang magagandang lugar na puwedeng puntahan sa Coron, basahin mo ang blog na ito.

4. Puerto Princesa Underground River

puerto princesa underground river magagandang tanawin sa Pilipinas

Dahil sa natural na ganda at spectacular limestone karst landscapes, nailathala ang Puerto Princesa Underground River sa Palawan sa Pilipinas bilang UNESCO World Heritage Site. Ayon sa UNESCO, it encompasses one of the world’s most impressive cave systems. 

Bukod sa pagiging UNESCO World Heritage Site, kabilang din ang magandang tanawin na ito sa 7 Wonders of Nature. Dahil isa ito sa mga magagandang tanawin sa Luzon, madalas nagkakaubusan ng ticket papunta rito kaya siguraduhin mong may ticket ka na bago pumunta rito. 

Where to stay in Palawan 

  1. Mountain Side Inn – Starts at P1,250/night
  2. Den’gi Inn – Starts at P1,900/night 
  3. Jeamco Royal Hotel Palawan – Starts at P2,177/night 
  4. Palawan Escapes & Reef Resort – Starts at P3,332/night

5. Mayon Volcano

mayon volcano magagandang tanawin sa Pilipinas

A stunner and a killer—ganito karaniwang inilalarawan ang Mayon Volcano sa Albay. Ito ang pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas at itinuturing na isa sa mga magagandang tanawin sa Pilipinas. May perfect cone shape ang Mayon kaya gustung-gusto itong puntahan ng mga turista. Marami ring historical tourist spots na malapit sa Mayon kaya one-stop-shop na ito. Kung titingnan mo ito, para ka ring nakatitig sa magagandang tanawin drawing dahil sa ganda. Kaya kung gusto mong masulit ang iyong 12 oras na biyahe, puntahan mo ang Mayon dahil isa ito mga magagandang tanawin sa Luzon.

Where to stay in Albay

  1. Casablanca Suites – Starts at P2,589/night 
  2. RNR Suites – Starts at P1,800/night 
  3. Mayon View Garden Apartelle – Starts at P2,050/night

6. Mt. Pinatubo

mt pinatubo magagandang tanawin sa Pilipinas

Kung “KathNiel” fan ka at napanood mo na ang pelikulang “Crazy Beautiful You,” for sure alam mo kung ano ‘yung tinawag doon na beautiful disaster. Sikat na tourist destination sa Luzon ang Mt. Pinatubo na talagang isang magandang tanawin. Maaari mo itong marating mula sa Pampanga o Zambales. Para mapuntahan mo crater lake, kailangan mong sumakay sa 4×4 or ATV! Saya ‘no? 

Bukod dito, puwede mo pang makasalamuha ang tribo ng mga Aeta na nakatira sa lugar. Doon puwede kang turuan ng mga kaugalian at kultura nila.

7. Taal Volcano

taal volcano magagandang tanawin sa Pilipinas

Ano ang makikita mo sa landscape na ito? Maliit pero mabagsik ang Taal Volcano. Isa rin ito sa mga pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas. Madalas itong pinupuntahan ng mga turista na bumibisita sa Tagaytay. Maganda ang tanawin sa lugar. Puwede ka ring sumakay sa kabayo papunta sa crater lake o kaya ay ATV. 

Kung sapat na sa’yo ang malayuang view, puwede ka lang mag-book sa mga hotel o kumain sa mga restaurant kung saan kitang-kita ang tanawin ng Taal Volcano.

Suggested read: 12 Tagaytay Tourist Spots Perfect for De-Stressing

Where to stay in Tagaytay

  1. Sang yoo Mountain View Tagaytay – Starts at P2,660/night 
  2. Wind Residences – Starts at P3,274/night 
  3. Rachel’s Bed and Breakfast – Starts at P1,000/night 
  4. F8 Bed & Breakfast – Starts at P3,300/night 
  5. Pine Suites by StayPlus Tagaytay – Starts at P3,660/night

Don’t like what you see? Go here.

ZEN experiences tagaytay tour

8. Boracay

boracay magagandang tanawin sa Pilipinas

Siyempre hindi mawawala sa ating listahan ng mga magagandang tanawin sa Pilipinas ang isla ng Boracay. Isa ito sa mga pinakasikat na magagandang tanawin sa Visayas at madalas puntahan na tourist spot sa bansa. Maraming turista, Pinoy at banyaga, ang dumarayo sa Boracay dahil sa ganda nito. Maputi at pinong-pino ang buhangin at kumikintab na kulay asula ang tubig. Bukod dito, masaya rin ang water activities at nightlife sa isla! Talagang isa itong magandang aspeto sa Visayas.

Must-read: Boracay Tips: Everything You Need to Know Before Traveling to Boracay

Where to stay in Boracay 

  1. M&E Guesthouse – Starts at P2,000/night 
  2. Shore Time Hotel Annex – Starts at P2,500/night 
  3. Wendy’s Apartelle – Starts at P3,000/night 
  4. The Tides Hotel Boracay – Starts at P5,700/night

9. Bantayan Island

bantayan island cebu magagandang tanawin sa Pilipinas

Kung naghahandap ka ng magagandang tanawin sa Visayas na puwedeng puntahan, aba du’n ka na sa Bantayan Island sa Cebu! Napakaganda ng paligid, maputing buhangin, malinaw na tubig at nagbibigay ng hinahanap-hanap mong relaxation. Mura rin ang mga pagkain dito kung saan puwede kang mag eat-all-you can ng seafood sa halagang PHP 299 lang! Talagang isa itong magandang aspeto sa Visayas.

Where to stay in Cebu 

  1. Papa Tasi Lakeside Hotel and Park – Starts at P750/night
  2. Arjaymay Apartelle – Starts at P1,220/night 
  3. Alicia Tower Residences – Starts at P1,300/night 
  4. Little Rock Resort – Starts at P1,755/night

10. Sugba Lagoon

sugba lagoon magagandang tanawin sa Pilipinas

Sa dinami-rami ng mga magagandang tanawin na matatagpuan sa Mindanao, isa sa mga pinakasikat ang Sugba Lagoon sa Siargao. Kilala itong diving spot sa Siargao. Kung may fear of heights ka, don’t worry, mae-enjoy mo pa rin ang Sugba Lagoon dahil pwede ka na lang mag-kayak o swimming sa lugar. Kaya naman hindi nakapagtatakang kabilang ito sa mga magagandang tanawin na matatagpuan sa Pilipinas.

Suggested read: Siargao Travel Guide: What Every First-Timer Should Know Before Going to Siargao

Where to stay in Siargao 

  1. Lotus Shores – Starts at P1,260/night 
  2. Goodlife Siargao Hostel – Starts at P1,807/night 
  3. Suyog Spaces Suites – Starts at P3,012/night

11. Maria Cristina Falls

maria cristina falls magagandang tanawin sa Pilipinas

Isa sa mga magagandang tanawin na matatagpuan sa Mindanao ay ang Maria Cristina Falls sa Iligan City, Lanao del Norte. Hindi lang ito magandang tingnan pero malaki rin ang silbi nito sa mga mamamayan. May taas na 320 feet, ang Maria Cristina Falls ay may malalakas na currents that has been estimated to have a capacity of around 200 megawatts. 70% ng kuryente sa Mindanao ay nagmumula rito. 

Related article: Maria Cristina Falls: A Tale of Love, Beauty and Power

12. Hinatuan Enchanted River

hinatuan enchanted river philippine tourist spots

Enchanted ba kamo? Present d’yan ang Hinatuan Enchanted River sa Surigao del Sur. Nangniningning na kulay asul at singlinaw ng mineral ang tubig dito. 

Where to stay in Surigao del Sur

  1. Arena Blanca Resort – Starts at P2,600/night

13. Chocolate Hills

chocolate hills magagandang tanawin sa Pilipinas

Ang Chocolate Hills ay isa sa mga pinaka-sikat na magagandang tanawin sa Pilipinas. Marami ang nagtataka kung bakit Chocolate Hills ang tawag sa Chocolate Hills. Nakuha nito ang pangalan dahil nagiging chocolate brown ang kulay ng kakaibang pormasyon na ito sa panahon ng mga tuyong buwan. 

Ang pormasyon ng Chocolate Hills ay hindi man made. Ito ay natural kaya naman manghang-mangha ang mga turista tuwing sila ay pumupunta sa nakapandang lugar na ito. 

Where to stay in Bohol

  1. Angel’s Place Transient House – Starts at P1,112/night 
  2. Captain’s Lodge Panglao – Starts at P1,200/night 
  3. B&J Guesthouse – Starts at P1,361/night

14. Nacpan Beach

Nacpan Beach magagandang tanawin sa Pilipinas

Siyempre, hinding-hindi magpapahuli sa listahan ng magagandang tanawin sa Pilipinas ang Nacpan Beach na makikita sa Palawan. Ang Nacpan Beach ay may haba na apat na kilometro ng malambot na cream-colored sand, mga puno ng niyog, at malinaw at malinis na tubig dagat. Tunay nga na ito ay isang paraiso. 

Bukod sa swimming, marami pang magagawang activities dito katulad ng sunbathing, picnicking, at pagakyat ng isang maliit ng burol kung saan makikita mo ang napakagandang view ng Nacpan Beach. 

15. Apo Island

apo island magagandang tanawin sa Pilipinas

Bukod sa pagiging isa sa magagandang tanawin sa Pilipinas, kilala ang Apo Island as the best spot for snorkeling and diving dahil sa kanilang rich marine biodiversity. Makikita mo dito ang mga makukulay na turtles at pwede mo din makasama sa paglangoy ang mga turtles! 

Pupuwede ka ditong manirahan overnight ngunit karamihan sa mga turista ay pumupunta lamang for a day trip mula sa Dauin o Dumaguete. Isinabatas ang fishing sa Apo Reef kaya naman buhay na buhay at alagang-alaga ang mga naninirahan na creatures dito. 

Where to stay in Dumaguete

  1. Check Inn Dumaguete – Starts at P1,200/night 
  2. Southview Hotel Dumaguete – Starts at P1,150/night

Sana ay natulungan kayo ng aming ginawang sanaysay tungkol sa Pilipinas. Makatutulong din ito kung ikaw ay naghahanap ng inspirasyon para sa magagandang tanawin sa Pilipinas.


Frequently Asked Questions About Magagandang Tanawin sa Pilipinas

Q: Ano ang mga magagandang tanawin sa Pilipinas?
A: Sa dinami-rami ng magagandang tanawin sa Pilipinas, hindi ka mauubusan ng mapupuntahan. Narito ang ilan sa pinakamagandang lugar sa bansa:

  1. Banaue Rice Terraces
  2. Tayid Lighthouse
  3. Kayangan Lake
  4. Puerto Princesa Underground River
  5. Mayon Volcano
  6. Mt. Pinatubo
  7. Taal Volcano
  8. Boracay
  9. Bantayan Island
  10. Maria Cristina Falls
  11. Hinatuan Enchanted River
  12. Sugba Lagoon
  13. Nacpan Beach
  14. Chocolate Hills
  15. Apo Island

Q: Saan ang matatagpuan ang pinakamagandang tanawin sa Luzon?
A: Maraming magagandang tanawin sa Luzon. Ilan sa mga ito ay:

  1. Batanes
  2. Palawan
  3. Ifugao
  4. Baguio
  5. Batangas
  6. Tagaytay
  7. Rizal
  8. Pampanga
  9. Zambales
  10. Laguna 

Q: Saan kilala ang Pilipinas? 
A: Maraming bagay kilala ang Pilipinas mula sa magagadang beaches, masasayang festivals, at masasarap na pagkain.

Q: Ito ba ay isang sanaysay tungkol sa magagandang tanawin sa Pilipinas? 
A: Oo ang isinulat namin sa blog na ito ay isang sanaysay tungkol sa magagandang tanawin sa pilipinas.

Q: Ilan ang probinsiya sa Pilipinas? 
A: Ang Pilipinas ay may kabuuang 81 probinsiya mula hilaga hanggang timog.

Q: Sa entire Philippine archipelago mga ilang isla ang may nakatirang tao?
A: Ayon sa National Geographic, 2,000 ang inhabited na isla sa Pilipinas. Ito ang sagot sa tanong mo na: sa entire Philippine archipelago mga ilang isla ang may nakatirang tao.

Q: Ano ang magagandang tanawin sa Visayas?
A: Ang magagandang tanawin sa Visayas ay binubuo ng:

  1. Boracay
  2. Cebu
  3. Bohol
  4. Oslob
  5. Bacolod
  6. Leyte
  7. Iloilo
  8. Capiz

Q: Ano-ano ang magandang mga lugar sa Mindanao?
A: Naito ang ilan sa mga magagandang tanawin at produkto sa Mindanao:

  1. Island Garden City of Samal – Isa sa pinakasikat at magagandang tanawin at produkto sa Mindanao
  2. Cloud 9 – Sikat na surfing spot sa Siargao
  3. Magpupungko Rock Pools – Sikat na pasyalan sa Siargao
  4. Hinatuan Enchanted River – Malinaw at tila-magical ang tubig
  5. Naked Island – Kilalang dalampasigan sa Mindanao
  6. Guyam Island – Isa sa mga pasyalan na nakatulong sa pag-unlad ng turismo sa Mindanao
  7. Daku Island – Lugar kung saan masarap maligo at makatikim ng mga pagkain at produkto sa Mindanao
  8. Sugba Lagoon – A popular diving spot in Siargao.
  9. Camiguin – Dubbed as the Island Born of Fire because of the many volcanoes in the province.
  10. Tinuy-an Falls – Tinaguriang Crown Jewel of Surigao del Sur
  11. Mt. Apo – Pinakamataas na bundok sa Pilipinas at isa sa pinakamataas sa Southeast Asia
  12. Tinago Falls – Tagong talon sa Iligan City at kabilang sa magandang aspekto sa Mindanao
  13. Mount Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary – May magandang pygmy forest at mayamang biodiversity kaya kabilang ito sa mga lugar sa Mindanao na dapat puntahan
  14. Aliwagwag Falls – Ang 84-tiered falls na ito ang pinakamataas sa buong Pilipinas na may taas na 1,110 feet
  15. Maasin River – A famous river in Siargao where you can see a bent coconut tree perfect for swinging and falling on the water.
  16. Coconut Mountain View – Kabilang sa mga magagandang tanawin sa Mindanao slideshare kung saan puno ang isang buong street ng mga coconut tree
  17. Cape of San Agustin – Ang magandang aspekto ng Mindanao na ito ay kilalang magandang diving spot
  18. Lake Sebu – Sikat na pasyalan sa Sultan Kudarat at South Cotabato.
  19. Dahican Beach – Sikat na surfing spot

Must-read: 20 Breathtaking Tourist Spots in Mindanao You Shouldn’t Miss

Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.