Sa dami ng magagandang talon sa Pilipinas, talagang mafa-fall ka sa waterfalls. Mula Luzon at Visayas hanggang sa Mindanao, maraming mga talon sa Pilipinas ang bibighani sa’yo, mayroong mataas at mababa, at mayroon ding mga sikat at mga tagong diyamanteng maglalapit sa’yo sa kalikasan.
12 Talon sa Pilipinas na Kaakit-Akit ang Ganda
Kung sawa ka na sa mga beach at city tours, bakit hindi mo bisitahin ang ilang mga talon sa Pilipinas na makapigil-hininga? Narito ang listahan ng mga talong dapat mong mabisita.
- Cambugahay Falls
- Tinago Falls
- Kaparkan Falls
- Aliwagwag Falls
- Tinuy-An Falls
- Kawasan Falls
- Pahangog Twin Falls
- Limunsudan Falls
- Hulugan Falls
- Hidden Falls
- Pagsanjan Falls
- Daranak Falls
1. Cambugahay Falls

Isa sa pinakasikat na pasyalan sa Siquijor ay ang Cambugahay Falls. Mayroon itong tatlong waterfalls at tatlong lagoons. Bukod sa ganda ng paligid ay nakabibighani rin ang kulay turquoise na tubig nito na mula sa isang natural spring. Kung adventurous ka, subukan mong mag-ala tarzan sa giant swing doon.
Basahin: 10 Siquijor Tourist Spots That’ll Make You Walk Straight Into A Beautiful Trap
Location: Lazi, Siquijor
Entrance fee: PHP 20
2. Tinago Falls

Photo credits to Jose Nicdao via Flickr
Kilala ang Iligan bilang the “City of Majestic Falls” dahil sa dami ng naggagandahang halimbawa ng talon sa Pilipinas na matatagpuan sa lugar. Isa sa mga sikat na atraksyon sa Iligan ay ang Tinago Falls. Bago mo marating ang Tinago Falls ay kailangan mong dumaan sa 365 hagdan. Nakakapagod man, sulit naman ito dahil kapag nasilayan mo na ang ganda ng Tinago Falls ay mapapawi lahat ng pagod mo.
Location: Iligan City, Lanao del Norte
Entrance fee: PHP 50
3. Kaparkan Falls

Photo credits to Rai Sean
Kung hirap kang mag-schedule ng lakad dahil sa pabago-bagong panahon, bakit hindi ka na lang pumunta sa lugar kung saan mas gumaganda kapag umuulan? Kilala ang Kaparkan Falls sa Abra dahil sa tila hagdan-hagdang palayan. Ang malinaw na tubig ng talon sa Pilipinas na ito ay dumadaloy sa mga nagpuputiang bato. Habang pababa nang pababa ay pataas naman nang pataas ang lebel ng tubig sa water basin.
Location: Tineg, Abra
Entrance fee: No entrance fee
4. Aliwagwag Falls

Isa pa sa halimbawa ng talon sa Pilipinas na nakabibighani ang ganda ay ang Aliwagwag Falls. Matatagpuan ito sa bayan ng Cateel sa Davao Oriental. Ang Aliwagwag Falls ay ang pinakamataas na talon sa Pilipinas dahil mayroon itong kabuuang taas na 1,110 talampakan at 20 metro ang lapad ng bagsak ng malamig na tubig.
Basahin: Aliwagwag Falls: A Majestic Gem Every Tourist Fell in Love With
Location: Cateel, Davao Oriental
Entrance fee: PHP 50 adult, PHP 10 children
5. Tinuy-An Falls

Isa rin sa pinakamataas na talon sa Pilipinas ay ang Tinuy-An Falls. Dahil sa itsura nito, tinagurian itong “Little Niagara Falls of the Philippines”. May lapad itong 100 metro at taas na 180 feet.
Basahin: Tinuy-an Falls: The Little Niagara of the Philippines
Location: Borboanan, Bislig City
Entrance fee: PHP 50
6. Kawasan Falls

Isa sa pinakasikat na mga talon sa Pilipinas ay ang Kawasan Falls sa Cebu. maganda ang paligid at nakamamangha ang pagkaasul ng tubig. Dito mo puwedeng masubukan ang patok na activity sa Cebu na canyoneering.
Basahin: Kawasan Falls: A Spectacle of Nature’s Grandeur and Charm
Location: Badian, Cebu
Entrance fee: PHP 40
7. Pahangog Twin Falls

Kung tapos mo nang libutin ang Chocolate Hills sa Bohol, dumeretso ka na sa Pahangog Twin Falls para magpalamig. Isa ito sa pinakamagandang talon sa Pilipinas na dapat mong mabisita. Napalilibutan ang Pahangog Twin Falls ng mayabong na mga puno kaya naman tiyak na sariwa ang hangin dito.
Location: Dimiao, Bohol
Entrance fee: PHP 20
8. Limunsudan Falls

Photo source: Wikimedia Commons
Isa pa sa mga mga halimbawa ng talon sa Pilipinas na matatagpuan sa Iligan City ay ang Limunsudan Falls. May taas itong 900 talampakan kaya itinuturing itong isa sa mga pinakamataas na talon sa Pilipinas.
Location: Iligan City, Lanao del Norte
Entrance fee: No entrance fee
9. Hulugan Falls

Kilala ang Laguna sa mga talon at springs sa lugar kaya naman paborito itong puntahan ng mga weekend traveler. Isa sa mga magagandang pasyalan sa probinsiya ay ang Hulugan Falls. Mas magandang pumunta dito nang sobrang aga para makita mo ang rainbow sa talon.
Location: Luisiana, Laguna
Entrance fee: PHP 30
10. Hidden Falls

Kung balak mong bisitahin ang Hulugan Falls, dumeretso ka na rin sa Hidden Falls na hindi naman ganun kalayuan sa Hulugan. Ang Hidden Falls ay isang halimbawa ng talon sa Pilipinas na susubukin ang iyong katatagan at lakas ng loob dahil sa challenging journey patungo rito.
Location: Luisiana, Laguna
Entrance fee: PHP 10
11. Pagsanjan Falls

Isa ang Pagsanjan Falls sa sikat na mga talon sa Pilipinas na matatagpuan sa Laguna. May taas itong 300 talampakan at swak na swak na lugar para magtanggal ng stress.
Location: Cavinti, Laguna
Entrance fee: PHP 1,250 (including entrance fee, roundtrip boat ride, and use of life vest)
12. Daranak Falls

Sikat na pasyalan sa Tanay ang Daranak Falls dahil sa angking ganda nito. Malawak ang lugar at malamig ang tubig. Pero ang hindi lang maganda rito ay madalas puno ng turista ang lugar kaya kung ayaw mong makipagsabayan sa daan-daang tao ay bumisita ka tuwing weekdays.
Location: Tanay, Rizal
Entrance fee: PHP 50
Frequently Asked Questions About Talon sa Pilipinas
Q: Ano ang pinakamataas na talon sa Pilipinas?
A: Ang pinakamataas na talon sa Pilipinas ay
Q: Ano-ano ang mga halimbawa ng talon sa Pilipinas?
A: Narito ang listahan ng magagandang talon sa Pilipinas na dapat mong mabisita:
- Cambugahay Falls
- Tinago Falls
- Kaparkan Falls
- Aliwagwag Falls
- Tinuy-An Falls
- Kawasan Falls
- Pahangog Twin Falls
- Limunsudan Falls
- Hulugan Falls
- Hidden Falls
- Pagsanjan Falls
- Daranak Falls
Q: Gaano katagal ang biyahe mula Maynila papuntang Laguna?
A: Umaabot nang 2 hanggang 3 oras ang biyahe mula Maynila patungong Laguna pero kung minsan ay tumatagal depende sa traffic.
Q: Gaano katagal ang biyahe mula Maynila papuntang Tanay?
A: Umaabot nang 2 hanggang 3 oras ang biyahe mula Maynila patungong Tanay.
Disclaimer: ZEN Rooms claims no credit for images featured on our blog site unless otherwise noted. All visual content is copyrighted to its respectful owners. We try to link back to original sources whenever possible. If you own the rights to any of the images, and do not wish them to appear on ZEN Rooms, please contact us and they will be promptly removed. We believe in providing proper attribution to the original author, artist or photographer.
Summary
Latest Blogs

Best Hotels To Book in Siargao For An All Out Summer Getaway

3 Free Admission Parks in Malaysia worth Detouring For

5 things to do in Southeast Asia if you’re brokenhearted

Mga Magagandang Pasyalan sa Manila Para Sa Buong Pamilya

Staycation Hotels In and Near Manila Perfect For That Quick Stress-Relief
